Chapter 17: Hope-less?

470 24 5
                                    

{{Chapter 17: Hope—less?}}

=========================================

Mahigit tatlong araw akong absent. Buti nga at hindi pa 'ko drop. Hindi rin ako kinakausap ni June. I mean, walang text, call, at chats na nagaganap. At hindi 'ko alam kung bakit.

"Hey you ready?" Lumapit ako sa kotse ni Ellery. Sya na kasi ang sumusundo sakin bago pumasok sa school. Kahit wala syang pasok hinahatid nya ko. Edi ako na maganda.

Dami na ngang nabi-bwisit at nagmumura sakin sa facebook 'ko dahil ang landi 'ko daw. Lahat na lang daw ng gwapo pinapatos ko. As if gwapo si June? Duh.

At talagang lahat ah?! As if naman na may pinapatos ako?! Wow hiyang hiya.

"You okay?" Tumango ako bilang sagot.

"Uy okay ka lang ba talaga? Ba't di ka nagsasalita?" Nginitian ko si Ellery. Pero agad nyang hinawakan yung magkabilang pisngi 'ko at tinagilid yung mukha 'ko.

"Wag mo 'kong ngingitian ng ganyan. Baka matuluyan ako." Inalis ko yung kamay nya sa pisngi 'ko dahil hindi 'ko sya gets.

Ngumuso ako.

"Pinagsasabi mo?" Natatawa 'kong sabi.

Tumingin lang sya sakin ng mga tatlong segundo at ngumiti sabay start ng kotse nya.

"Wala. Ang sabi ko hatid na nga kita baka ma-late ka pa." Nagtaka ako sa kanya. Baliwag eh.

Nakatingin ako sa kanya buong biyahe, wala lang ang cute rin pala ni Ellery. Yung dimple nyang maliit ang kulit lang, nakikita mo lang pag ngumingiti sya ng hindi labas ang ngipin. At saka yung bagong kulay nyang buhok, bumagay sa kanya. Hindi sya nagmumukhang adik. Ang ganda kasi ng pagkaka highlights ng blonde.

"Ano ba Krystal, naiilang ako. Wag mo naman akong titigan oh hehe." Napatigil ako ng tawagin nya 'ko sa nickname 'ko. Parang dati lang si June pa lang ang kauna-unahang tumawag sakin ng Krystal. I mean, hindi 'ko kasi sya kamag-anak. Bale sya lang yung kauna-unahang taong hindi 'ko naman kaano-ano ang tumatawag sakin non.

Umiwas na 'ko ng tingin at ipinatong 'ko ang braso ko sa window's car saka inilagay yung kamay 'ko malapit sa noo 'ko.

Bigla 'ko na namang naisip si June. Hindi kasi ako sanay ng ganito kami. I mean mahigit apat na taon 'ko na syang kaibigan. Ngayon lang talaga nangyari 'to. Ang hindi kami nagpapansinan.

Ano ba kasing nangyayari kay June? As in parang yun lang? Parang ni-realtalk ko lang naman—

"Hey, okay ka lang ba talaga?" Tumingin ako ulit kay Ellery.
"Nakakasama mo pa ba si June?" Hindi 'ko ini-expect 'yung sarili 'kong matatanong 'ko iyon.

"Huh? Si June?" Pinapalit palit nya ang tingin sakin at sa kalsada. "Oo, kahapon lang magkasama kami. Sumali daw sya sa music org. Magtatayo daw kasi ng banda. Ikon daw yung group, front man daw sya." Sabi ni Ellery.

Bakit parang hindi 'ko alam? Bakit hindi na binabalita sakin ni June yung mga nangyayari sa buhay nya? Nakakainis lang at parang iniiwasan na 'ko ni June. Nakaka offend ba yung sinabi 'ko sa kanya nung nakaraan? Nakakainis!

Isa pa, hindi narin ako natatawagan ni mamita. Ugh. Kainis!

"Uy si Junhoe yun ah?" Bigla akong napatingin sa kung saang lupalop ng kalsada nakita ni Ellery si June. Medyo hindi 'ko pa nakilala kasi blonde yung buhok at saka puro lalaki yung kasama.

As in wow. Sumama sya sa mga lalaki for the first time! Base sa paglalakad nilang lahat parang bida bida si June sa kanila.

Teka sino ba sila? At teka balik tayo sa buhok ni June. Ba't blonde?! Jusmiyo puro blonde na mga kaibigan 'kong lalaki ganern?

"Sino mga kasama nyan?" Tanong 'ko kay Ellery.
"Ah baka ayan na yung Ikon? Ipapakilala sila ng comittee this week kasabay ng pagbukas ng bagong stadium sa campus malapit sa college dept." Sabi ni Ellery. Nagulat naman ako dahil wow naman, kasabay sila ng pagbukas ng stadium? So sila ang first stage performer dun? Wow huh.

"Wow naman."
"Second band daw kasi sila ng WEU in history, kaya ganun na lang din ang pag-aalaga ng school staffs sa kanila."
Ay kabog naman pala 'tong si June. Front man pa talaga sya huh?!

Hindi tinted ang bagong kotse ni Ellery kaya parang napansin 'kong nakatingin sakin si June nung nalampasan namin sya.

Hindi 'ko sya matiis, ang tagal na naming mag kaibigan. Kung kelan ga-graduate na saka pa kami nagkaganito?! Leche huh pabebe huh.

"Ellery teka bababa ako." Wala namang nagawa si Ellery kaya hininto nya sa kalagitnaan ng traffic papasok sa loob ng campus ang kotse.

"Hoy June!" Hindi lumingon si June pero may isang lalaking may maliit na nunal malapit sa mata ang napatingin sakin. "Bro ikaw ata yung tinatawag." Narinig 'kong sabi nya dahil hindi naman sila gaanong malayo sakin.

Lumingon si June kasabay ng lingon nilang lahat sakin. Nailang tuloy ako leche. Si June ba silang lahat?

"Uy chix mo ba 'to bro?" Biglang sabi nung lalaking, kung makangiti akala mo wala talagang mata eh. Gusto ko sanang sapakin dahil ayaw na ayaw kong natatawag akong chix. Nababastusan kasi ako pag ganon. Pero mukhang bismod si June sakin kaya nagbago isip 'ko.

"June." Sabi 'ko lang habang naiilang na tumingin sa kanya.

Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa magkabilang bulsa sabay irap pataas. Yung irap na halos palagi nyang ginagawa tuwing nag aasaran kami. Hay boset nakakamiss. Bakit kasi ang arte netong lalaking 'to?! Ano bang ginawa ko dito huh?!

"Oh?" Pansin 'kong tamad na tamad si June na kausapin ako. Nahiya narin tuloy ako dahil parang pinagbulungan ako ng mga kasama nya. Taena June ano bang nangyayari sayo?!

"Ah... W-wala wala." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay agad nya 'kong inirapan at tinalikuran ng parang wala lang ako sa kanya. As in na parang hindi nya 'ko bestfriend.

Nakakahiya man 'tong gagawin 'ko pero tinawag 'ko pa ulit sya kaya tumingin ulit sya sakin kasabay ng mga kasama nya. Wow ang dami talagang June. Hays.

"Ano? May sasabihin ka ba? May practice pa kami." Tamad na tamad talaga si June pag nagsasalita. Parang syang badtrip na badtrip habang kaharap ako.

Oo mukha syang laging pissed off and it's normal to his face kasi resting bitch face talaga 'yang mukha ni June, but this time iba.

Ano na ba? Pano na yung pagpapanggap namin? Hindi na ba sya aware na maraming kakilala si mamita dito? Hindi ba sya aware na baka may makakita samin na ganito kami? Ano ba June?!

"A-ano... H-hindi ka ba papasok? Sabay na tayo puntang room." Sabi 'ko. Binaba 'ko na 'yung pride 'ko dahil feeling 'ko may kasalanan talaga ako kay June. Kahit na mukhang wala naman.
"Hindi, excuse ako kasi may practice kami. Oh wala ka ng kailangan?" Naiinis na 'ko sa mga sagot sakin ni June. Hindi naman sya ganito dati, bwisit.

Tangina baka kasi dahil kay Aileene 'to. Dejk. Dinamay 'ko pa sariling pinsan 'ko eh no. Joke lang talaga.

"W-wala." Sabi 'ko.
"Okay." Agad nya 'kong tinalikuran kasabay din ng pagtalikod ng mga kasama nya.

Para akong tanga sa harapan nila. Lalo na sa mga taong nakakita samin.

Parang kung umasta sakin si June parang hindi nya ako kilala. Para bang wala lang ako sa kanya.

Nakakahiya.

"Hey Krystal, what happened?" Inakbayan ako ni Ellery pag lapit nya sakin. Inalis 'ko yung kamay nya sa balikat 'ko saka lumakad palayo.

"Hey Krystal!" Narinig 'kong tinatawag ako ulit ni Ellery pero hindi 'ko parin sya nililingon.

Sorry Ellery kung nadadamay ka sa sama ng mood ko. Leche kasi, hays!

Ano ba? Nagi-guilty na 'ko. Baka kasi dahil nga 'to sa mga sinabi 'ko sakanya tungkol sa kanilang dalawa ni Aileene nung nakaraan. Baka naiisip nyang jina-judge ko silang dalawa.

Concern lang naman ako eh! Kakainis namang buhay 'to!

"Hi cous!" Napatingin ako sa gilid ko ng makita 'ko si Aileene. Halatang halata yung pagkaplastic este yung ngiting pilit nya isabay mo pa yung kanang kilay nyang nakataas habang nakatingin sakin.

Magsasalita pa sana ako kaso nauna syang naglakad palayo sakin. Iniwan nya akong nakanganga, punyeta! Bwiset 'tong mga kausap 'ko ngayon ah.

Papasok na sana ako mismo sa loob ng school kaso naiwan ko pala yung ID ko. Punyeta! At malala hindi ko alam kung nasaan na! Leche.

ANO BA LAHAT NA LANG INIIWAN AKO?!

"Hay nako, ito ID mo. Naiwan mo sa kotse 'ko. Di mo kasi ako pinapansin eh." Narinig 'ko boses ni Ellery sa likod ko.

Buti pa ID ko, naibabalik sakin. Eh yung bestfriend 'ko? Dejk.

"Uy. Ayaw mo pumasok? Late ka na oh." Tsaka lang ako bumalik sa reyalidad ng sapilitang binigay ni Ellery sakin yung ID.

"Ay thank you. Sige pasok na ko. Bye thank you ulit. Ingat ka pauwi." At saka ko na tinalikuran si Ellery.

Hay badtrip. Loner na tuloy ako.

"Ay break na ba sila ni Junhoe?"
"Third party kasi si Ellery, yung gwapo sa college department."
"Ay kabog."

Hays. Bubulong na lang yung rinig ko pa. Sa bagay, wala naman akong pake sa kanila.

As if totoo yung mga pinagsasabi nila diba? Psh.

As if totoo ring nag break kami ni June eh wala namang kami. Hays.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon