{JunhoexKrystalFF}
Cast:
Junhoe Koo as Junhoe Goo
Jung Soo-Jung as Krishanne Antoinette 'Krystal' Lee
Shannon Arrum Williams as Shannon Williams
Myungsoo as Ellery Yong
Irene as Aileene Buenaventura
iKON as Ikon
Ilang araw, linggo ang nakalipas pero wala at never 'ko na ulit nakakausap si June. Kaklase 'ko sya at sa halos buong araw ng klase katabi 'ko sya pero wala kaming kibuan. Parang hindi kami magkakilala. Parang wala kaming pinagsamahan. Masakit, pero natiis 'ko iyon. Natiis 'ko 'yon kahit na hindi 'ko makayanang matiis. Magulo? Ganyan talaga, maski ako naguguluhan eh.
Hay, pero kung pwede lang talaga ibalik 'yung nakaraan. 'Yung nakaraang okay pa, 'yung magkasama kaming masaya lang. Happy lang, pero ngayon? Wala na.
Hindi 'ko nga alam kung matalino ba talaga 'yang si June o sadyang tanga o nagtatangatangahan lang o ako 'yung sadyang tanga saming dalawa dahil ako 'tong umaasa na sana merong kami. O diba tanga.
Funny na nakakayanan ko pang makipag-usap kay Aileene, syempre nagmahal din 'yung tao. She's very aware na I have feelings for June pero matagal 'ko naman na sinabi sa kanyang wala na 'yun. And it's all in the past. Well how I wish na kasing strong ng mga pinagsasabi 'ko ang feelings 'ko for June.
At ito na, ito na nga 'yung araw naga-graduate na kami. Araw kung saan makakatapos na rin ako at babalik na ulit ako ng Canada para doon na mag college. Dapat hindi eh. Kaso... nagkaproblema, which is 'yung about nga saamin ni June. Gusto 'kong mag move on. Siguradong hindi ako makakamove on kapag nanatili lang ako dito sa Pinas.
Pero sana... pagtapos nito, graduate na rin 'yung feelings 'ko para kay Junhoe.
"You look beautiful... walang bago lalo ka nga lang gumanda." Nakangiting sabi saakin ni Ellery ng isuot 'ko na ang uniform for graduation, hindi kasi kami nagtotoga.
"Unni let's take a selca together!" Sabi ni Shannon at bigla akong hinigit palapit sa kaniya.
Matapos ang picture'an ay hila naman ako ng mga kaklase 'kong medyo naging ka-close 'ko rin buong school year. Picture'an, kwentuhan, reminisce ng kung anu-ano at puro kalokohang hindi maintindihan.
Alphabetical 'yung ayos ng upuan ng mga graduates kaya malabo at hindi 'ko matanaw si June. Oo, aaminin 'kong kanina 'ko pa sya hinahanap pero hindi 'ko makita.
Valedictorian si June, salutatorian naman si Aileene. Sabi nga ng iba, relationship goals na nga daw iyon. Engaged na sila at a young age pero ang sabi hindi pa naman sila agad agad magpapakasal, after college na daw.
Anyway, wala na akong pakealam dun. Nababalitaan 'ko na lang 'yon dahil sa mga kaklase 'kong fan ni Junhoe. Hindi naman sa wala na akong pakealam, ayoko lang ng mangealam dahil in the first place, si June na mismo ang umiwas at lumayo saakin. Hindi 'ko naman pwedeng i-please si June diba? Masasaktan lang ako.
Pero putangina hindi ba talaga kami ang para sa isa't isa ni June?
Umaasa pa rin ako.
Sobra.
Mabilis ang oras at nagsimula na ang seremonya.
Finally, nakita 'ko na si June... nakaupo sila malapit sa stage. Kitang kita 'ko sila dahil matataas ang upuan ng may mga karangalan.
"Krishanne Antoinette Lee."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.