Chapter 12: Junlandi

498 24 0
                                    

{{Chapter 12: Junlandi}} /no-edits/
============================

Graduate na kami ng high school ni June. As usual at hindi na ako magugulat pa na isa si June sa may pinakamataas na karangalan sa school namin nung graduation.

Ang gago pinahiya pa ko sa speech nya. Linchak na June yan! Hiyang hiya, ganyan yan eh!

Natapos ang buong summer na puro gala at movie marathon sa mansyon nila June.

I know this is weird at hindi kayo maniniwala pero lagi kong kasama si Ellery kela June.

Naging close narin ako kay Ellery. Halos tuwing umaga ba naman nasa bahay eh. Talagang walang titibag sa pagpunta nya sa bahay. Balak narin ata akong purgahin sa red velvet nya. Pero masarap naman kasi pala.

Anyway, naging medyo kahit konti eh magkaibigan na rin sila ni June tho, napaka gaspang parin ng ugaling pinapakita ni June kay Ellery.

Paano sila naging medyo kahit konting magkaibigan na? Long story. At as usual, tinatamad ang otor.

"Hoy bilisan mo naman! Ano bang ginagawa mo at ang tagal mong tumae dyan?! Nakikitae na nga lang, perwisyo pa! Bilisan mo late na tayo!" Dali dali kong flinush ang toilet at naghugas na pwet.

Putangina nito ni June akala mo naman mauubusan ng slot sa enrollment.

"Tapos na ko wait! Bwiset." Iritang irita akong binuksan ang pinto ng banyo.
"Tarages ang baho!" Bungad sakin ni June habang iniipit ng daliri nya ang ilong nya.

Napaka arte bwiset. "May tae bang mabango?!" As usal inikot nya pataas ang mata nya habang takip parin ng kamay ang ilong. "Oo tae ko duhhh."

Juice colored! Bakla talaga.

Pag punta namin sa WEU expect kong maraming tao. Konti lang pala, sa dami daming nag entrance exam nung nakaraang buwan? Ito lang ang mga nakapasa?! Oh edi wow. Napaka swerte ko nga naman.

"Ang onti ng tao." Sabi ko.
"Malamang 5 days ang enrollment. Tanga naman nito." Umirap lang ako at hindi na pinansin si June.

This time, maghihiwalay na ata kami ni June sa klase. Mag kaiba kasi kami ng course na kinuha.

Architecture ang kinuha nya samantalang ako, mass communication para makaiwas sa math. Pero tarages meron palang math nung makita ko yung subjects after kong mag entrance exam. Bwiset.

"Yo!" Ay umakbay sakin at base sa amoy nya alam kong si Ellery ito.
"Uy, anong ginagawa mo dito? First year ka ba? Luh?" Sabi ko.

Tumawa lang si Ellery at inabot ang hawak nyang bulaklak saakin. Kaderder.

Di ko nga tinanggap. Ewy.

"Sasamahan kasi kita mag pa-enroll." Binigay ni Ellery sa babaeng dumaan sa harapan namin yung bulaklak habang nakatingin sa akin.

Kinilig naman yung ate. Parang timang.

"Thanks kuya." Malanding sabi nung babae. Tarages first year pa lang harot na.

"May kasama na sya. Di mo ba ko nakikita? Bulag lang, bulag lang? Tara na nga Krystal!" Bigla akong hinigit ni June at siningit sa pilang pinipilahan nya.

Nagreklamo yung mga nasa likuran namin. Pero yung iba kinikilig at parang mga ano kung makatingin kay June. Heto na naman tayo, pinagnanasahan na naman si June ng masa.

Napairap na lang ako at napatingin kay Ellery. Nag thumbs up sya sakin at ngumiti. Humalukipkip sya at ngumiti.

Buti pa si Ellery ang matured. Samantalang tong kasama ko hindi.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon