Chapter 30: K, A and L
===========================================================
Nagising na lang ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman 'ko. Pag dilat 'ko, sumilip agad ako sa labas ng sasakyan. Paglingon 'ko, may 7/11 sa labas at nakita 'kong nakatayo sa tapat ng pinto ng 7/11 habang umiinom ng kung ano si June.
Nag unat ako at humikab pero agad na naagaw ng pansin 'ko ang umilaw na cellfone ni June. Akala 'ko ba lowbatt?
Kinuha 'ko iyon at nakita 'kong puro missed calls at ilang texts galing kay Aileene. Halos magtaka ako dahil sabi nya talaga lowbatt sya kagabi? Eh bakit 89 percent 'tong cellfone nya?
Did he did this on purpose—
"Hoy anong ginagawa mo sa cellfone 'ko?! Akin na nga 'yan!" Nagulat ako ng bumulaga sa nakababang bintana ng kotse ang ulo ni June.
"Akala 'ko ba lowbatt ka?! Eh ano 'to?!" Tanong 'kong puno ng pagtataka.
"Lo-lowbatt naman talaga!"
"Eh ba't umilaw at saka puro miss—"
"Lowbatt 'yan! Duling! Bulag ka lang talaga! Palibhasa kakagising mo lang! Huy tulog ka pa ata! Kung ako sayo, iinom ako ng kapeng barako ng magising ka sa katotohanang lowbatt talaga ako!"
P-pero kasi hindi naman ako namamalik mata? Hinawakan 'ko pa nga mismo eh. Di naman ako bulag? At saka gising na gising na 'ko ano!
"Oh 'wag ka ng mag inarte dyan inumin mo na 'to ng magising ka sa katotohanan." Iniabot nya sa kamay 'ko ang cup of coffee ata.
"Pero—"
"Walang pero pero ewan 'ko sayo." Sabi nya lang at in-start na 'yung kotse nya. Tinitigan 'ko 'yung bulsa na jacket nya. Iniisip 'kong bukas na bukas talaga 'yung cellfone nya eh. Nakita 'ko pa nga 'yung mga text at missed calls— ay nako Krystal! Baka naduduling ka nga lang talaga. As if namang sadyain ni June 'tong mga nangyayari eh halata naman sa pagmumukha nya kagabi na kabado sya.
Wag kang masyadong assuming Krystal, inhal, exhale.
xxx
Dumating na kami sa hotel sa Tagaytay, not mentoning their name pero katabi ito ng dagat. Sobrang presko ng lugar. Buhay na buhay na 'ko dito, pwedeng dito na ako tumira habang buhay. Dejk.
Bumaba na kami ng kotse at nag valet parking na lang kami para iwas sa abala, isa pa gutom na rin kasi kami.
"Omg nandito na kayo!" Nagulat ako ng tumakbong papalapit samin si Shannon, tumingin ako kay June at 'yung pagmumukha nya ay hindi na naman maipinta. Para bang 'yung buong presensya ni Shannon ay isang malaking bwisit sa buhay nya.
"Ba't ka andito—" Naputol ang pagsasalita 'ko ng magsalita ulit si Shannon.
"Nag aalala kami sa inyo kagabi! I am trying to call you pero can't be reach ka while oppa is not answerin—!" Nagulat ako ng biglang tinakpan ni June 'yung bibig ni Shannon—
"May langaw, baka pumasok sa bunganga mo." June said while his face looks so pissed off.
"Ah... a-any way, andito rin si Ellery—"
"Diba ikaw lang 'yung tinawagan 'ko kahapon?! Ba't kasama si Ellery?!" Biglang lalong nabeastmode si June.
"Luh? Tinawagan mo si Shannon?" Nagtataka 'ko, so ibig sabihin plano na pala talaga 'to ni June... and with Shannon? Hindi man lang ako nainform edi sana nag baon ako ng mga damit pang beytch! Kala mo naman pang beach body 'tong katawan 'ko eh 'no. Pwe.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)
Fanfiction{JunhoexKrystalFF} Cast: Junhoe Koo as Junhoe Goo Jung Soo-Jung as Krishanne Antoinette 'Krystal' Lee Shannon Arrum Williams as Shannon Williams Myungsoo as Ellery Yong Irene as Aileene Buenaventura iKON as Ikon
