Chapter 4: Facebook

665 30 9
                                    

{{Chapter 4: Facebook}}

=======================================

Pag gising 'ko, nakita 'kong nasa tabi 'ko si June. Nakahiga ang ulo nya sa kamay 'ko. He's sleeping, I guess. Inikot 'ko 'yung mga mata 'ko at napansin 'kong nasa clinic ako.

"June..." Pagsalita 'ko pa lang bigla nyang itinaas ang ulo nya at hinawakan ang kamay 'ko. "Are you... are you feeling alright now?" Blanko ang mukha ni June, kaya hindi 'ko masabing nag aalala sya. Pero he's always like that. Hindi nya pinapahalata. Pero kanina nung tinulungan nya 'ko, iba nun si June... Iba talaga.

"Oo, okay na 'ko. How about those-"

"Ah. Never mind those bullshts. Wag mo na silang intindihin. Sabihin mo sakin Krystal-may ginawa bang-" He paused ng ngumiti ako.

"I'm okay, thanks for saving me. I was almost rape but thank God you save me. Wala naman pang ginawa pa sila saakin, hinalikan lang ako sa leeg then that's it. No worries I'm fine."

"Alam 'kong hindi Krystal, at alam 'kong kasalanan 'ko 'tong lahat. Muntikan ka ng marape... S-sorry." Kokotongan 'ko sana sya pero tumayo sya. "A-ano... M-mauna na 'ko. Ingat ka na lang pag-uwi mo. Tinext 'ko na si Mang Isko para sunduin ka. Sinabi 'ko na rin kay tita Aesha ang nangyari, nag aalala na mommy mo. Pupunta 'yun dito maya-maya pagtapos ng meeting nya with her business partners. S-sorry talaga." Magsasalita pa sana ako kaso dali-dali syang umalis.

Ni-hindi man lang ako nakapag 'thank you' sa pag tulong na ginawa nya sakin. "Ah, Miss Lee right?" May pumasok na Nurse pagkalabas na pagkalabas ni June. "Ah opo. Sagot 'ko."

"May bruises po kayo sa braso at legs pero nalunasan na po namin ng gamot. Kung okay lang po, nandito na 'yung guidance officers natin, at kung okay lang sayo na magsalita na about sa nangyari sayo so we can expel Winner or not. Wala kasing CCTV sa locker roms so, mas okay kung sayo mismo nanggaling 'yung paglalahad ng mga nangyari." Tanong ng nurse sakin, may pumasok na dalawang babae at sa tingin 'ko sila na 'yung officers. "Ah, sino 'yung Winner?" Tanong 'ko.

"Sila po 'yung group of boys na dinala ni Mr. Goo sa guidance office." Winner? So 'yung pangalan ng banda nila ay Winner? Puta tapos ganun sila? Winner sa kamanyakan. Wow. "So okay lang po ba na magtanong na kami about sa nangyari?" Tumango ako at umupo na sila sa gilid.

Natapos na nga ang pagtatanong nila sakin, sabi nila pinipilit daw sila ni June kanina na i-expel na agad agad 'yung bandang Winner, pero dahil daw hindi pa kompirmado ang nangyari dahil wala pa akong malay, hindi muna nila ginawan ng punishments 'yung banda.

"So okay, we're done. At dahil nga napatunayang sexual harassment ang nangyari sayo Ms. Lee, ifo-force kick out namin ang mga bata. Base na rin sa mga pasa at galos mo sa katawan, patunay na rin iyon sa ginawa nila sayo. So sana, maka-recover ka kagad sa mga nangyari. Get well soon, Ms. Lee." Lumabas na silang lahat. Naiwan na lang akong mag-isa dito sa loob ng clinic. Suki na ata ako ng clinic ng WEU. Lagi na lang ako nadadala dito. Iba nga lang ngayon, kasi madalas na dinadala lang ako dito kapag hirap akong huminga dahil sa punyetang hika na 'to.

Nakauwi na ako sa bahay, si mommy panay ang halik sa noo 'ko, kadiri jusque! Hindi daw ako nag-iingat, kesyo bakit daw wala si June sa tabi 'ko nung mga oras na 'yun at kung anu-ano pang ano sa buhay.

Iniwan na ako ni mommy at nag-iwan na lang ng isang baso ng gatas. Kadiri lang, ayoko ng gatas utang na loob! Ito ang ayaw 'ko kapag nagkakasakit o ano eh. Pinapainom ako ng gatas. Alam na ngang ayaw na ayaw 'ko. Yaks!

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon