Chapter 28: Kasi naman

523 33 43
                                    

Chapter 28: Kasi naman

- sorry sa sobrang late ng update. tangina anyare kay Junhoe? parang gago tong mga knetz amputa sinisiraan baby ko? leche. anong masama kung pumunta kami ni June sa club? chos!

==================================================

"Omg?! Break na sila?!"

"Sabi na eh. Hindi kasi sila bagay."

"Puro beauty lang kasi walang brains."

Bilis naman kumalat ng balita oh. Parang kagabi lang kami nag break ni Ju—dejk. Kagabi lang namin tinapos ni June 'yung kontrata nagkalat na agad ang issue'ng break na kame? Uy wow. Ganto ba pag peymus?

Naglalakad akong mag isa sa hallway. Feeling 'ko artista na ako halos lahat kasi ay saakin nakatingin. Ganda 'ko ba? Sorry naman sa ganda 'ko diba?

"Uy! Krystal!"

Minsan talaga kailangan 'ko ding mag isa.

"Krystal! Huy!"

Tas dapat masanay na 'kong mag isa. Lalo na't malaki na ang chance ni Junhoe at Aileene. Oh diba Krystal ang sakit? Sinampal ka ng katotohanan na hindi talaga kayo ni June ang para sa isa't isa.

"Krystal huy!" Nabigla ako ng makita 'ko sa harapan 'ko si Yoyo.

"Ay uy! I-ikaw pala?" Ngumiti sya at may binigay na lunch box? Lunch box ba 'to?

"Ano ba 'yan, una si June... tapos si Yoyo naman? Balak atang landiin ng babaeng 'yang ang buong Ikon eh." Rinig 'kong sabi ng babae pero hindi 'ko na lang pinansin dahil alam 'kong nagpapapansin lang 'yan sakin. Gusto atang makahingi ng autograph 'ko.

"Hayaan mo sila, wag mo na lang pansinin." Sabi sakin ni Yoyo. Duh? Mukha bang pinansin 'ko.

Anyways, "Para saan 'to? At saka ano 'to?" Tanong 'ko.

Ngumiti sya ulit, "Sabay tayo lunch? May kasama ka ba? Luto 'yan ng kapaid 'ko. She's good at cooking. Naikwento din kasi kita sa kanya and she wants to meet you." E-eh?

"L-luh? B-bat— di nga? Ako? Seryoso?"

"Yup! Eh kasi diba hindi ka pumayag sa date natin?" Hindi maalis ang ngiti nya sa mukha nya at naiilang naman din ako kaya lumayo ako ng kaunti.

"Ah kase— baka magkita kami ni June—" Biglang sumulpot si June sa gilid 'ko at umakbay sakin.

"Magsasabay kami mag lunch okay? So alis."

"Woah? Diba break na kayo?" Nilakasan ni Yoyo ang boses nya para maagaw ang atensyon ng iba pang naglalakad sa hallway.

Umirap si June pataas bago tuluyang magsalita. Tumitig sya sakin, "Pwede parin naman kami maging friends eh." Sabi nya sabay kindat sakin. "Hindi naman ako ganun kasama. Mabait naman ako." Dagdag pa nya. Ewan 'ko ba kung mabu-bwsit ako sa kanila o maiinis. Parang magkakalapit lang kami, ang lalakas ng boses.

"May date kami, um-oo na si Krystal kahapon." Napakagat ako sa lower lip 'ko dahil wala naman akong sinasabing oo.

"Totoo ba 'yun?" Btch face si June kaya hindi 'ko alam ang isasagot 'ko, hindi 'ko kasi alam kung badtrip ba sya o ano. Alangan naman bastusin 'ko si Yoyo sa harap ni June?

Nag-isip muna ako bago sumagot, "Uhm—"

"Ge double date. Sasama ako." Nanlaki ang mata 'ko sa sinabi ni June. Like wtf? Double date?!

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon