Chapter 23: Baby Sit

505 26 13
                                        


Chapter 23: Baby Sit

- dedicated sayo hehe. ang sweet kasi ng comment mo sa last chapter tas nag power vote ka pa. hihi thank you! <3

============================

"Ahhhhhhhhhhhhh!" Nagtatatalon ako sa kama 'ko habang yakap 'yung unan 'ko.

Hindi 'ko na kaya. Since hindi 'ko naman pwedeng ipangalandakan 'tong kilig 'ko. Dito na lang sa kisame, kama, at unan 'ko ibabaling 'yung kilig na nararamdaman 'ko simula kanina.

Kinalma 'ko ang sarili 'ko ng marinig 'kong may kumakatok. Humiga ako at pilit na pinipigil 'yung hingal 'ko mula sa pagkakakilig at talon 'ko kanina. Luckily hindi pa ako umaabot na kailangan 'ko pa talaga 'yung nebulizer 'ko.

"Hmm? Mukhang inspired. Seryoso ka bang kunwari lang 'yung relasyon nyo ni Junhoe?" Bumalikwas ako ng upo ng pumasok si mommy'ng may dalang pang-breakfast 'ko, wow breakfast in bed! Oo nga pala, sinabi 'ko na pala kay mommy na 'yung relasyon namin ni June ay fake lang.

"Thanks mom." Sabi 'ko sabay ayos ng pagkain na dala nya.

"Welcome my dear, siguraduhin mong hindi ka mahuhulog dyan sa bestfriend mo huh. Sobrang cliché kaya ng story nyo, marami na 'kong napanood sa pelikula ng ganyan. 'Yung mai-inlove ng tuluyan 'yung isa sa mag bestfriend, and they will end up a big fail." Kinagat 'ko 'yung tinapay at tumitig lang kay mommy.

"Oh sya sige na, enjoy your breakfast." Ginulo nya ang buhok 'ko at iniwan na ako sa kwarto 'ko.

Bigla akong napaisip... pero hindi.

Kinikilig parin talaga ako from last night!

Oo na! Oo na! Kinikilig kasi talaga ako! Sorry naman 'no!

Sa sobrang kilig 'ko, nayupi na 'yung bread and butter sa mga kamay 'ko.

Ugh sorry na talaga.

Pero hindi 'ko talaga mapigilang hindi mapangiti hehez leche.

"Wh-what are you doing?" Biglang may pumasok na animal sa kwarto 'ko. Agad nawala ang ngiti sa mukha 'ko at napalitan iyon ng inis.

"Hindi ka ba talaga marunong kumatok kahit once lang sa buhay mo?! Privacy Aileene naman oh?!" Tinaasan lang ako ni Aileene ng kilay matapos 'kong sabihin iyon.
"Alam mo, nagdududa na talaga ako sayo eh." Napaawang ang bibig 'ko sa sinabi nya.

"Kitamo, you look guilty. You like your bestfriend. Hmp. Dyan ka na nga!" Naibalik 'ko lang sa ulirat ang pag-iisip 'ko ng kalabugin ni Aileene 'yung pintuan ng kwarto 'ko paglabas nya.

Di nga? Hindi naman halatang crush 'ko si June ah?


xxx

"Are you still mad at me? I mean to us?" Kinukulit ako ni Shannon habang busy ako magpost ng pictures sa facebook from last night.

"Uy unni. Sorry na nga eh. Gusto mo pa bang kumanta kami ni Ellery ng Sorry by Bieber sa harapan mo?" Tumingin ako kay Shannon.

She smiled.

Nahihiya naman ako kung hindi 'ko sya papansinin 'no. Andito kaya kami sa cafeteria. Head turner pa naman 'tong si Shannon dahil sa blonde nyang buhok at sa tangkad na akala mo'y hindi 16 years old.

"Oo na. Alam 'ko namang gusto nyo lang ako mapasaya. Sorry kung masyado 'kong nasabon si Ellery kahapon." Sabi 'ko at inilapag sa lamesa 'yung fone 'ko.

"Ihhhh! Ahhhhh! Thank you unni! Tatawagan 'ko na si Ellery ngayon para pumunta dito, as soon as possible! Ihhhh!" Kilig na kilig si Shannon habang nagpipindot sa fone nya.

"Hello? Ellery? Bati na tayo ni Krystal unni! Let's go! Join us here!" Masayang masayang bungad ni Shannon sa kausap nya sa fone.

Napairap na lang ako at umiling dahil sa kaabnormalan ng batang ito.

Wala pang ilang iglap ay dumating na nga si Ellery.

Balak nya akong hawakan sa balikat pero agad akong umiwas.

May hangover pa ang balikat 'ko sa pagkakahawak dito ni June 'no!

"Sure ka bang okay na tayo ni Krystal?" Tanong ni Ellery kay Shannon.
"Oo nga daw eh!" Sobrang hype ni Shannon ang cute.
"Oo nga, okay na. Past is past." Sabi 'ko.

Makikipag apir sana silang dalawa sakin pero no, hindi pwede 'no! May hangover din 'to mula sa pagkakahawak ni June sakin from last night—

Sht!
Seriously Krystal?! Ano ka sisteen years old?! Jusko nawawala ako sa character dahil dito eh!

"Teka, ba't ba ayaw mo atang magpahawak ngayon? Anong meron?" Ellery asked.
"Wala. May lagnat ako eh." Sabi 'ko.

"Weh?" Sabay pa si Shannon at Ellery.
"Putangina nyo, wag nyo 'kong piliting sabihin 'ko sa inyo kung bakit." Naiinis 'kong sabi na kinikilig. Ihh leche! Ha? Ano daw lols.

"Huh? Ano ba kasi? Anong nangyare?" Ellery.
"Unni ano ba kasi 'yun?" Shannon.

Nag facepalm ako at umiling. I'm not into things like this. Jusko ano bang nangyayari sakin?

Kinuha 'ko 'yung bag 'kong napatong sa table at tumayo.

"Uy teka, san ka pupunta?" Tanong ni Ellery.
"Late na 'ko, papasok na 'ko. Bukas 'ko na kayo kakausapin. Sige bye." Agad agad akong lakad patakbong umalis sa cafeteria.

Syempre joke 'ko lang naman na late na ako. Gusto 'ko lang lumanghap ng fresh air. Ewan 'ko at everytime na naaalala 'ko 'yung nangyari kagabi sa mini concert ng Ikon parang instant na napapangiti at kumakalabog ang pus—

"Huy!"
"Ay kumakalabog ang puso 'ko dahil sayo— ay ano ba?! Ba't bigla bigla kang nanggugulat dyan?!"
Bigla akong namutla ng makita 'ko sa harapan 'ko ang syang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Ugh. Facepalm.

"Pfft. Ano na namang kumakalabog 'yang puso mo dahil sakin?" Nag make face bigla si June na para bang nang-aasar o nandidiri 'yung pagmumukha.
"W-wala! Ano ba tabi nga dyan!" Sabi 'ko sabay tulak palayo sa kanya.

Utang na loob. Lumayo ka sakin June bago pa 'ko tuluyang bumigay na sayo. Please utang na loob!

"Papasok ka na ba? Tara sabay na tayo. Wala kaming practice ngayon eh." Sabi nya saka umakbay sya saakin.

Leche naman June oh!?

Parang dati wala akong paki sa akbay nya, pero bakit ngayon parang... parang... Oh my gawd! Ayoko na huhuhu.

"J-June..." Bago 'ko pa ituloy 'yung nais 'kong sabihin agad 'ko ng sinampal mentally ang sarili 'ko. Shet. Baka tuluyang mawala na talaga ako sa sarili 'ko.
"Tingnan mo 'yung mga chiks oh. Inggit na inggit sila sa panget na tulad mo. Ang swerte mo naman kung totoong boyfriend mo 'ko eh no?" Tumingin ako sa babaeng nakatingin samin matapos magsalita si June.

Ngumisi ako at inirapan 'ko sila. Hah! Mamatay talaga sila sa inggit!

"Yabang mo na ngayon ah? Iniirapan mo na sila? Totoo ba 'yan?! Talagang feel na feel mo 'tong pagpapanggap natin eh no? Yaan mo. Samantalahin mo na. Bilang na mga araw mo sa piling 'ko." Bulong nya sakin at idiniin nya 'yung pagkakaakbay nya sakin sabay itinulak nya ako palapit sa kanya.

Leche naman!

"Kapal mo." Sabi 'ko pero sa loob loob ko... Hay nako Krystal! Tama na please.

"Saan mo ba gustong kumain mamaya?" Tanong nya saakin. Nagulat ako dahil first time nya akong tanungin ng ganun.
"Huh?" Pagtataka 'ko.

"Sus! Kunwari ka pa. Ang sabi 'ko, saan mo ba gustong kumain mamaya? Libre 'ko." Sabi pa nya sabay ngiti.
"Libre mo? Kahit saan?" Nagkislapan mga mata 'ko.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon