Chapter 5: FB status ni June

615 27 0
                                        

{{Chapter 5: FB status ni June}}

========================================

 

*ringggggggg!*

Awesome June calling...

Hindi ako 'yung nagpangalan nito sa phone contacts 'ko kundi sya okay? Si June mismo. Ba't pala tumatawag 'to?

"Hell—" Inilayo 'ko 'yung fone 'ko sa tenga ko,

[Hoy putasdfghjkl mo Krishanne Antoinette Lee ba't di ka pumasok?!] Bumagon ako sa pagkakahiga saka kalmadong nilapit ulit 'yung fone 'ko sa tenga 'ko.

"Teka nga, kakagising 'ko lang eh! Ano bang problema mo?! Anong pinuputok putok ng buchi mo dyan?!" Sigaw 'ko rin pabalik, mas nauna pa 'yung sigaw nya kesa sa almusal 'ko hiyang hiya naman tayo sa kapal ng mukha ni June.

 

[Eh putasdfghjkl mo kasi eh! Ba't wala ka pa?! San ka na ba—Junhoe oppa~ Sino 'yang kausap mo?] May narinig akong boses ng babae sa linya ni June. Junhoe oppa? Naks tunog pogi—

[Asdfghjkl girlfriend 'ko 'to Shannon okay?! Lumayo ka nga putasdfghjkl! Hoy Krystal, kailangan less than ten minutes nasa WEU ka na! Pucha Shannon ano ba asdfghjkkl *toot* *toot*—] S-Shannon?! Nasa WEU ngayon si Shannon? Si Shannon 'yung ibinubugaw ni Mamita Devs kay June di ba? Si Shannon 'yung nag add sakin sa facebook?

Dali dali akong naligo, pinatawag 'ko muna si Manang Anastasia para ihanda 'yung susuotin 'ko. At para din mapabilis ang pag-aasikaso 'ko.

"Manang Anastasia, trench coat 'ko na lang po na brown. Salamat." Sabi 'ko sabay pasok na sa loob ng banyo. Hindi na 'ko nagtagal pa. Wisik wisik na nga lang 'yung ginawa 'ko. Excited na kasi akong makita sa personal 'yung Shannon... curious lang. Tingnan natin kung bagay ba sila ni June. Maibugaw nga rin. Hahahaha! K.

Nagpahatid na 'ko kay Mang Isko, bago ako umalis eh pinagalitan pa 'ko ni Mommy bakit daw tanghali na akong umalis ng bahay. Nakakahiya naman daw sa WEU baka daw mamaya may prof akong naging professor ni mommy dati, hindi naman daw kasi sya tulad 'ko noon. On time daw syang pumapasok. Edi sya na! Edi wow!

Patakbo na akong pumunta sa classroom 'ko, ang daming estudyanteng nagkalat. Siguro may meeting na naman mga professor.

"Hi Krishanne!" Tumigil ako sa pagtakbo at nilingon 'ko 'yung tumawag sakin at—"Ellery?" Ngumiti sya saka lumapit sakin, nakalagay 'yung dalawang kamay nya sa magkabilang bulsa nya. Tumingin ako sa bandang dibdib nya dahil agaw pansin 'yung kulay white with green na ID lace nya. He's wearing our school's ID. Pang college kapag may white 'yung kulay ng ID lace. So sa college department sya ng WEU? Ahead pala sya sakin ng isang taon? So dito sya nag aaral? Baka nag transfer?

"Buong high school walang prof, meeting eh... Tapos vacant 'ko, hinanahap kita eh. Finally I saw you. Pupunta ka na sa room nyo?" Tanong nya,

"Di ba obvious? Alangan namang kakapasok 'ko pa lang, bahay agad? Bobones?"Pero syempre hindi 'yan 'yung sinabi 'ko. "Ah... oo eh. Kailangan 'ko na kasing pumunt—"

"Krystal! Hoy! Krystal!" Lumingon ako sa likuran 'ko at nakita 'ko si June na mukhang— "June oppa! Sya ba 'yung Krystal na girlfriend mo? Sya ba 'yung sinasabi ni Mamita? In-add 'ko sa facebook 'yan eh! Hindi ako in-acce—"

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon