Chapter 2: Seenlord June!

819 37 1
                                    

{{Chapter 2: Seenlord June!}}

=========================================

Pagtapos ‘kong magpalit ng damit sa dressing room ni June, naabutan ‘kong syang nakahiga at mukhang tulog na ata sa malaking sofa nyang malapit sa kanyang kama. Ang laki laki ng mukha ang liit ng utak, June tanga ka ba talaga? Ang lapit na ng kama dyan ka pa humiga? Bobones ang pucha.

Nilapitan ‘ko sya saka sinundot sundot ‘yung ilong nya. “Hoy mahal na hari. Uuwi na ‘ko, ihatid mo ‘ko please lang. Kasama ‘to sa kasunduan diba? Hindi ako nagpasundo kay Mang Isko dahil alam ‘kong ihahatid mo ‘ko. Bumangon ka na dyan!” Dinilat nya ‘yung isang mata nya pero pinikit din agad. “Aysh! Mamaya na! Pagod na ‘ko eh!”

Sinundot ‘ko ulit ‘yung ilong nya, “Ano ba June?! Hindi lang ikaw pagod dito ‘no!” Dinilat nya ulit ‘yung isa nyang mata, “Ang kulit mo!” Sigaw nya. Pumikit sya ulit pero wala pang ilang segundo ay agad syang bumangon at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “What the faq June?” Sasampalin ‘ko na sana sya dahil ang creepy ng tingin nya pero agad nyang nahuli ang kamay ‘ko at tinulak ako ng mahina palayo sa kanya. “Oh? Alien ka na ulit?!” Tanginang ‘to maka alien!? Humalukipkip ako at tiningnan sya ng masama. “May pa-Bab-bab ka pang nalalaman dyan kanina. Sus! Bab pala endearment natin? Naks! San mo nakuha ‘yun?” Natatawa nyang sabi.

“Gago ka, ihatid mo na nga ako! Sa internet ‘ko nakuha ‘yun! Uso ngayon, kaya ‘yun. Basta! Ihatid mo na nga ako!” Inirapan nya ako at ginawa na naman sa pagmumukha nya ‘yung famous make face nya sakin at saka naglakad patungo sa malaki nyang cabinet.

(JM: Nasa external link ‘yung mga make faces ni June. If ever na gusto nyong makita ‘yung nakakabadtrip nyang derp face click nyo lang. Mada-direct kayo sa tumblr ‘ko. Lol plug plug na rin. XD)

“Oo na teka, magpapalit lang ako. Masyado akong pogi sa suot ‘ko eh. You know? Baka masilaw ka sa kagwapuhan ‘ko. Tho sanay na sanay ka na at immune ka na, mas mabuti na ring mag iingat tayo. Baka magka defect ‘yang mata mo. Sayang hindi mo na makikita ang gwapo ‘kong mukha. Kawawa ka naman. Upo ka muna dyan teka lang.” Napabuga ako ng hangin, hangkapal lang huh? Kakilabot!

Di na ‘ko nagsalita, tinitigan ‘ko na lang sya habang nakatalikod at naghahalukay sa cabinet nya ng kung ano.

To be honest ang ayos nyang tingnan sa formal attire nya ngayon. Nagmumukha syang kagalang galang at matino. Di katulad ng mga usual na porma nyang mababadtrip ka lang.

“Parang iba ‘yung itsura mo sa suot mo, ang… maayos.” Seryoso ‘kong sabi at agad  namang lumingon si June at tiningnan ako ng nakakaloko, “Uyyy? Nagwa-gwapuhan sya sakin… Ayieee~ Ikaw Bab huh.” In-emphasize pa ‘yung Bab utang na loob! ”Ayieee~ Bab! Crush ako ni Krystal. Please lang Krystal, parang magkapatid na tayo. Wag ako iba na lang oh, please lang huh? Maygad!” Kinuha ‘ko ‘yung unan nya sa kama at pinalipad ‘ko sa pagmumukha nyang kasing kapal ng kalyo ‘ko sa paa. Utang na loob!

“Ba’t mo naman ako binato?! Ganyan ka ba sa crush mo?! Huh?!” He rolled his eyes again upward. Like watdafaq June?! Naging habit na nya ata ang mang-irap juice colored mahanginan ka sana ng masamang hangin leche ka! “Sht, ang sakit nun ah!” Sabi nya habang chini-check sa salamin ‘yung mukha nyang mukhang kalyo ‘ko sa paa.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon