Chapter 22: It's you

525 33 16
                                        

Chapter 22: It's you.

-sorry sa late update huhuhu. dedicated sayo. :)

===========================================================

"Krystal! Krystal?! Where are you going!?" Ellery followed me.

I closed my locker's door with a heavy heart. Halos lahat ng inis 'ko doon sa pinto ng locker door 'ko inilabas.

Naka-gown parin ako pero sa upper body 'ko nakapatong 'yung foundation shirt 'ko. Hindi na ako nag abala pang magplit ng pang PE uniform since hindi 'ko naman dala hind 'ko rin mahanap 'yung damit na suot ko kanina, ready na rin akong umuwi. I even contacted Annie to tell manong Peter to fetch me here.

"Krystal huy!" Finally, lumingon din ako sa likuran 'ko kung saan naabutan 'kong hinihingal si Ellery dahil siguro sa kakahabol sakin.

"Uy bakit ka uuwi?" I rolled my eyes. As if hindi pa nya alam ang nangyari diba?! Kung sya kaya 'yung nasa kalagayan 'ko deputa! Iniwan ako ng lahat sa gitna ng field at hallway.

Nagmukha akong tanga sa harap ng mga estudyante. High school students man o college.

"Hindi pa ba obvious Ellery?!" Sigaw 'ko at naglakad ulit palabas ng locker room.

"Krystal sorry, kami kasi talaga 'yun." Huminto ako sa paglalakad at bumuga ng mahinang hangin sabay kagat sa lower lip 'ko habang inis na nakatingin kay Ellery.

"Ellery anong ibig nyong sabihin?" Pinipilit 'kong hindi magalit, pinipilit 'kong hindi mainis sa mga naiisip 'kong ginawa nila Ellery.

"Kami ni Shannon 'yung may gawa ng lahat. Kami nagsabi sa mga organizers na pinapasabi ni June na ikaw na 'yung bago nyang partner. Kasi naman, nag-abiso naman kasi si Aileene na hindi daw talaga sya makakarating ngayon. Hindi naman namin inaasahan na darating pala sya. Krystal, kasalanan namin ang lahat. Kami kasi 'yun. Sorry. Gusto ka lang naman naming mapasaya eh."

Ngumisi ako ng punong puno ng sarcasm. Putangina wow! Gusto nila akong maging masaya? Wow. Sobrang na-touch ako.

"Wow! Anong gusto nyo? Magpasalamat ako sa ginawa nyo?! Ellery parang pinaasa nyo lang ako sa mga bagay na hindi naman totoo, sa mga bagay na hindi naman dapat at mapupunta sakin eh! Pwede ba? Sa susunod 'wag na kayong mangealam? Pwede ba?!" Matapos 'kong sabihin 'yon ay lumakad na ako paalis.

Hindi 'ko napansin na marami na pala ang nakikinig sa usapan namin ni Ellery. Pero sa panahon ngayon? Wala akong pake sa kanila. Who cares kung may nakarinig? Edi wow! Congrats! It's a wrap! Bukas naman 'yung next episode ng buhay 'ko deputa.

xxx

Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi 'ko na pinansin si Annie, iniwan 'ko na rin sa kanya 'yung mga gamit 'kong naiwan sa loob ng kotse.

"Honey? Anong nangyari sayo?" Bumungad agad sakin si mommy at niyakap ako.

"W-wala po." Sabi 'ko.

"No, ano nga ang nangyari sayo?!" Sigaw ni mommy sakin.

"Wala po. Stress lang po ako. Una na po ako sa kwarto." Sabi 'ko sabay lakad papaakyat sa kwarto 'ko.

Bago ako makalayo narinig 'ko pa si mommy na tinanong si Annie kung anong nangyari sakin pero walang naisagot si Annie dahil hindi rin naman ako sumasagot sa mga tanong ng binubuga sakin ni Annie kanina tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sakin.

Mahigit tatlong oras na ang nakakalipas at nakatungangang nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame.

Ilang beses 'ko narin narinig ang naka assign na ringtone sa number ni June sa fone 'ko kapag tatawag sya pero wala akong balak sagutin.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon