Dinala namin siya ni Alonso sa kwarto sa pagkagising niya at ngayon chini-check na ni Mom kung kumusta na ang pakiramdam niya. Hinayaan nalang namin muna sila para hindi kami makaistorbo kay Mama.
After nang ilang minuto, lumabas na rin si Mama ng kwarto. Agad akong lumapit sa kanya.
“How is he?" I asked.
“He's okay now." Oh Thank God! “He told me na nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang sakit ng pagatake ng sakit niya." She added.
“Gano'n po ba." Hindi ko pa rin maiwasang magaalala.
Mom tapped my shoulder. “Are you okay? Pinagaalala mo rin ako."
I nodded. “I'm okay Mom. Ngayong alam kong okay na si Nolan, okay na din ako."
Huminga siya ng malalim. “Mabuti kung gano'n. Mag i-stay ka pa ba dito o kung gusto mo sumabay ka na sa'kin pauwi?"
I shake my head. “Dito lang po ako. Hindi ko iiwan si Nolan."
“Sige kung 'yan ang gusto mo." She tapped my head and she kissed me on my forehead.
Hinatid ko nalang muna si Mama hanggang sa Elevator at binilin si Nolan kay Alonso.
“Call me again kapag may nangyari." Mom told me.
“Opo." I said nodding.
Nang makasakay si Mama sa elevator, bumalik din naman agad ako sa Unit ni Nolan. Sa pagdating ko sa sala, nakita ko siyang naka uponsa couch. Habang si Alonso naman nakaupo sa separate chair.
“Bakit ka lumabas ng kwarto mo?" Tanong ko kaya nabaling an atensyon nilang dalawa sa'kin.
“Okay naman na ako." Nolan answered.
“But still..." Napabuntong hininga ako. “Nagaalala lang ako baka kasi atakihin ka na naman."
“I'm okay now." Tumitig siya sa mga mata ko para siguro kumbinsihin ako.
“Sit with me." He said. Ginawa ko nalang yung sinabi niya. Pagupo ko sa tabi niya agad niyang hinawakan ang kamay ko.
“Ang mabuti pa, uuwi na ako baka may paguusapan pa kayo eh." Sabi ni Alonso
“Sige. Salamat sa pagpunta." Sabi ko sa kanya.
“Anytime for my friend." He said 'tsaka siya nag simulang maglakad palabas.
Sa pagalis ni Alonso, tahimik lang kaming dalawa ni Nolan. Ang totoo nag aalala pa rin ako kahit na sinabi pa ni Mama na okay na si Nolan. Paano kasi kung atakihin na naman siya? Hindi ko makakayang makita ulit siyang walang malay tulad kanina.
Parang naramdaman ko na namang mag babadyang tumulo ang luha ko. I cleared my throat para subukang pigilan ito.
“I'm really sorry." He speaks. Tumingin lang ako sa kanya. “Siguradong natakot ka sa nakita mo." He added.
“Sobra!" I bit my lower lip 'tsaka unti-unting tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. “Akala ko talaga nawala ka na sa'kin." I cried.
He wiped my tears. “Ang totoo sobrang natakot din ako." He confessed. “Akala ko mawawala na ako nang hindi manlang kita nakikita. Hanggang sa huling minuto bago ako mawalan ng malay ang iniisip ko ay gusto kitang makita."
I hugged him and still my tears are falling. Pinaupo niya ako sa kandungan paharap sa kanya, tinuloy ko lang ang pagyakap sa kanya habang umiiyak.
“Stop crying, my love." He murmured.
Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagiyak. Hindi ko pa siya kayang pigilan dahil sa sobrang takot na naramdaman ko.
Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya hanggang sa unti-unting kumalma yung nararamdaman ko.
Dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayap sa kanya at tumitig sa mga mata niya.
“Mula ngayon hindi puwedeng wala kang kasama. Kung kailangan kong mag stay dito, gagawin ko 'yon."
He chuckled, softly. “Are you saying na titira ka dito with me?"
I nodded. “Kakausapin ko si Mama para magpaalam. Pipilitin ko siyang pumayag!"
He smiled, sweetly. “Ano kaya kung magpakasal nalang tayo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Okay, hindi ko ini-expect na ibi-bring up niya ang kasal. I mean syempre gustong gusto kong magpakasal sa kanya. Hindi ko lang ini-expect na ngayon niya sasabihin 'yon.
“K-kasal?"
He nodded. “Gusto kitang pakasalan. Bago ako mawala gusto kong pakasalan ang nagiisang babaeng minahal ko. Ano sa tingin mo? Papayag ka ba?" Nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya.
I smiled and i touched his both cheeks. I kissed his lips, softly. “Syempre naman! Payag na payag ako my love!" I hugged him again. “Kahit saan, kahit kailan, magpapakasal ako sa'yo." I added.
He hugged me back. “Thank you, my love."
“Hindi mo kailangang mag thank you." Bumitaw ako sa pagyayakapan namin. “I love you kaya magpapakasal ako sa'yo."
He smiled shyly. “I love you too."
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kandungan niya. “Let's tell our parents about this. Kailangan nating madiliin ang kasal kasi," I paused and I breath in. “We do'nt know kung kailan ka kukunin sa akin."
Pilit siyang ngumiti. “You're right. Importante ang oras sa sitwasyon natin. Pero ibig sabihin din nun kailangan ko nang sabihin sa Parents ko ang tungkol sa sakit ko."
I nodded. “Kailangan na rin talaga nilang malaman. For sure katulad ko gugustuhin nilang sulitin ang araw habang nandito ka pa."
Huminga siya ng malalim. “Okay. Sasabihin ko na sa kanila. Medyo kinakabahan nga lang ako."
I hold his both hands. “Gusto mo bang nasa tabi mo lang ako habang sinasabi mo sa kanila?"
He nodded. “Please?"
“Okay. Sige!"
To be continued...
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...