Pinagtinginan ako ng mga classmates ko pagkatapos akong ihatid ni Nolan sa classroom. Halos lahat sila may mga malisyosang tingin. Mabuti na nga lang ni isa walang naglakas ng loob na tanungin ako, siguro dahil alam nilang i-snob-in ko rin sila.
Si Alonso lang naman ang unang naglakas ng loob na kausapin ako eh, palibhasa kasi may kailangan. Speaking of him, mabuti nalang wala pa siya dito. Baka kung ano-anong tanong na ang nakuha ko sa kanya.
Speaking of him, dumating siya at sa akin agad ang atensyon. Kumuha agad ako ng libro at kunyaring nag paka-busy mag basa.
“Noelle!" He called pero hindi ko siya pinansin. “Hindi ako makapaniwalang wala manlang kayong sinabi ni Nolan sa'min! Kung hindi pa 'ko tinanong nung mga babaeng type din si Nolan hindi ko pa malalaman.” Dinig kong sabi niya.
Dedma pa rin ako.
Bigla naman niyang inagaw yung librong kunyari kong binabasa kaya tumingin na 'ko sa kanya.
“Kailan pa naging kayo? Bakit n'yo kami inunahan ni Kass?"
“B-bago palang kami." I explained. “'saka 'di ko na problema kung mahina kang dumiskarte kay Kass 'no!"
“Sinasabi mo bang mas magaling pang dumiskarte si Nolan sa'kin?"
“It's not like that." Ako kasi may feelings na for Nolan kaya mabilis lang naging kami, dagdagan pa na may taning na ang buhay niya. Si Kass naman... maybe unti-unti nang nagkakaroon ng feelings for him.
Inagaw ko pabalik 'yong libro ko. “Eh ano naman kasi kung mas nauna kami ni Nolan sa inyo? E'di tanungin mo na rin si Kass na maging kayo!”
Parang bigla siyang napaisip. “Oo nga 'no?"
I just rolled my eyes bilang tugon sa sinabi niya 'saka nagkunyaring magbasa ulit para 'di na niya ulit ako kulitin kakatanong sa'min ni Nolan.
Thankfully dumating na Prof. namin kaya pumunta na sa upuan niya si Alonso.
My free time came...
Papunta na 'ko kung saan kami lagi nangkikita ni Kass para sabay na kumain when my phone ring...
Kinuha ko yung cellphone ko para i-check kung sino yung tumatawag. It's Nolan.
“Hello?" I answered it.
“Free time mo na?" He asked.
“Yup! I'm on my way to meet Kass."
After kung sabihin 'yon may napansin akong nagkakagulo sa hallway. Tila may nag aaway na estudyante. Hindi ko sila masyadong makita dahil halos pagkumpulan sila ng ibang estudyante. Hanggang tila narinig ko ang boses ni Kass.
“Kung gano'n magkita nalang din tayo sa open space?” I heard Nolan said.
“Okay.” i replied then pinatay ko na 'yung tawag. Pumunta ako sa direksyon nung mga nag aaway at do'n ko nakita si Kass at Rian na nagtatalo.
“Alam mo Highschool palang talaga inggitera ka na eh!" Bulyaw ni Kass kay Rian kasabay nang pagduro nito rito.
“At kanino ako maiingit? Sa'yo? Kay Noelle?" She laughed sarcastically. “You must be joking!"
What's happening here? Why are they fighting?
“FYI lang ha! Hindi ako maiingit sa babaeng nangaakit ng may jowa ng may jowa!" Dagdag ni Rian.
I know she's referring me.
“Palibhasa kasi kahit na mangakit ka wala paring naaakit sa'yo!" Kass hits back.
“Anong sabi mo?!" Halatang hindi nagustuhan ni Rian ang sinabi ni Kass.
“You heard me loser!”
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...