Natapos na ang free time namin kaya oras na nang pagpunta namin sa susunod na klase namin. Agad akong hinila ni Kassidy palayo sa dalawa. Sa paglayo namin, binitawan niya ako 'saka siya humarap sa'kin nang naka cross arms.
“May hindi ka sinasabi!”
Dapat prepared na 'ko na itatanong niya sa'kin 'to eh, pero 'di pa rin pala talaga.
“Ahm... Ah... L-like what?” Pagiiwas ko ng topic.
“You really want me to point it out?”
“Maybe?” Patanong kong sagot para mag maang-maangan.
“Humiram ka ng libro kay Nolan. Paano nangyari 'yon?”
Shit! Ano bang sasabihin ko? Paano ko lulusutan 'to nang hindi sinasabi sa kanya ang kondisyon ni Nolan. Hindi ko talaga alam. She know me. She knew kapag nagsisinungaling ako. Damn!
“So???” She asked na naghihintay pa rin nang sagot ko.
“P-puwedeng mamaya nalang uwian? Baka ma-late na tayo eh.”
“Okay! Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi ang tungkol do'n.”
Haay! Tumango nalang ako bilang tugon.
Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. Habang papunta naman ako ngayon sa susunod na klase ko, nakita ko naman si Nolan sa Hallway habang nakasandal sa pader na tila may hinihintay.
I'm planning to ignore him dahil masyadong maraming tao sa Hallway at ayoko pang na maisyo pa sa kanya. Pero hindi ko 'yon nagawa nang siya na mismo ang lumapit sa'kin.
“Hey!” He called with a nod. I just respond with a nod too but still nag continue ako sa paglalakad.
“Are you mad?” He asked.
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. “Bakit ako magagalit sa'yo?” I asked back.
“Kasi aksidenteng na ilaglag kita sa kaibigan mo?”
'Yon lang pala. “I'm not mad.” I cleared. Nag continue na 'ko sa paglalakad. Nag continue naman siya sa pagsabay sa'kin.
“You looked worried.”
“I am. I don't know how to explain everything to Kassidy. Lalo na ngayon, nang hihingi na siya ng explanation sa panghihiram ko ng libro sa'yo. I can't lie to her. Alam niya kapag nag sisinungaling ako.”
“Then tell her the truth.”
“Na ano? Na hiniram ko yung libro mo kasi ayaw ko lang na magalala ka pa sa pagatake ng sakit mo kaya ko ginawa 'yon? Kapag ginawa ko 'yon, malalaman niya yung tungkol sa kondisyon mo.”
“I don't mind.” He respond.
Napahinto ako sa paglalakad. “What do you mean you don't mind?”
“It's okay kung sasabihin mo sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Just... make sure na itatago niya ang malalaman niya lalo na kay Alonso.”
“Are you... serious?” I still can't believe na okay lang na sabihin ko 'yon kay Kassidy. Samantalang nung unang beses na lapitan niya ako, desperado siya na siguraduhin akong itatago ang nalaman ko sa kanya.
He nodded. “Yes. You don't have to lie to her if you don't want.” He's serious.
“O-okay.”
He just smile.
Nag continue nalang ulit akong maglakad at napapaisip kung bakit nag bago bigla ang isip niya na itago sa lahat ang tungkol sa sakit niya. Kung sabagay kay Kassidy ko lang naman sasabihin.
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...