Naglalakad na 'ko sa Hallway papuntang classroom ko nang biglang may umangkla sa braso ko na ikinagulat ko. Nang tignan ko kung sino 'yon, it's just Kassidy.
“Nakakagulat ka naman.” Pagaangal ko.
“Sorry. ” She smiled, sweetly. “Ba't ba naka face mask ka pa? Tanggalin mi na nga 'yan, na sa school ka na oh!”
“Hayaan mo nga lang suot ko 'to, 'di ka naman inaano ng face mask ko.” Pilit kong inalis ang pagkakaangkla niya sa braso ko. “May kasalanan ka pa sa'kin!” Pagpapaalala ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin na parang gets niya yung tinutukoy ko. “Ano 'yon?” Pagpapanggap niya.
“Alam mo naman na, umaarte ka pa d'yang hindi mo alam!”
“Hindi ko alam 'yang sinasabi mo ah.” Nagpapanggap na naman siya.
“Kumalat yung yung issue sa'min ni Nolan dahil sa kung ano-anong imbentong sinabi mo kay Rian!” I point it out.
She shrugged. “Malay ko bang ikakalat ni Rian 'yon?”
I rolled my eyes. “Alam mo bang narinig na ni Nolan ang tungkol do'n? Mabuti nalang hindi naging big deal sa kanya 'yon.”
“Baka naman kasi bet din niya kaya hindi naging big deal.”
“Tumigil ka nga d'yan! Lahat nalang may meaning sa'yo.”
“Hindi mo pa rin ba nakikita kung paano ka tignan ni Nolan?” She hold my chin. “Chin up din kasi minsan girl nang makita mo.”
Hinawi ko ko nalang ang kamay niya. Tumitingin naman ako sa kanya ah? Pero hindi ko naman nakikita yung tingin na... kung ano mang tingin na 'yon na tinutukoy niya.
“Kass, Noelle!” Dinig naming boses ni Alonso mula sa likod namin. Sabay kaming lumingon para tignan siya. We saw him jogging closer to us habang kalmado lang na naglalakad sa likod niya si Nolan.
“Hi!” Bati ni Alonso paglapit niya. Yung pagbating 'yon para lang talaga kay Kassidy.
Binaling ko nalang ang tingin kay Nolan na hindi naman inaalis ang tingin sa'kin. Bigla ko tuloy naalala yung request niya na kapag magkasama kami tanggalin ko ang suot kong face mask.
Dahan-dahan ko nang tinanggal yung face mask para pagbigyan ko ang request niya. Bahagya siyang napangiti, mukhang nagustuhan niya 'yung ginawa ko. Bahagya rin akong napangiti sa reaksyon niya.
I don't know but I find it cute.
“Sasama ka na ba?” Tanong ni Alonso kay Kassidy kaya napunta sa kanila ang atensyon ko.
“Hindi ko pa nababanggit kay Noelle eh.”
“Ang alin?” Tanong ko.
“Birthday ko kasi plano naming mag celebrate sa Club. Sasama lang daw si Kass kung kasama ka.” Alonso answered.
Napakunot noo ako. “Ano ako? Ayoko ngang maging third wheel n'yo!”
“Kasama naman si Nolan eh.” Binaling ko ulit ang tingin ko kay Nolan. Napakibit balikat lang siya na parang nag sasabing napilitan-lang-ako.
I just chuckled and he just smiled.
“Ano? Sasama ka na?” Alonso asked me.
I shrugged. “I don't know. Ayaw ko sa maiingay na lugar.”
Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko na ikinagulat ko. “Uy! Bitawan mo nga 'ko!” Pagaangal ko.
“Sumama ka na kasi!” Pagmamakaawa niya. Haay! Kailangan ba talagang hawakan pa niya 'ko? Pasaway 'to!
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...