Nineteen

1.1K 50 11
                                    

One week after...

It's been a week mula nang i-reject ni Nolan ang feelings ko para sa kanya.

Mula noon, hindi na muli kami nag usap. Hindi dahil iniiwasan ko siya dahil nasaktan ako sa pag reject niya sa feelings ko for him kundi dahil iniiwasan niya ako.

Ini-expect ko naman na iiwasan niya ako kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya pero ang hindi ko ini-expect ay magiging ganito ka sakit. Parang dinudurog paunti-unti 'yung puso ko.

Na mimiss ko na siya. Na mimiss ko na 'yung lagi niyang pagsabi na maganda ako araw-araw. Na mimiss ko na yung mga conversation namin. Na mimiss ko na ang lahat sa kanya.

Sa bawat araw na hindi ko siya kasama, nagaalala ako para sa kanya. Nagaalala ako na baka, inaatake siya ng sakit niya at wala ako do'n para bantayan siya at nanghihinayang ako sa bawat araw na hindi ko siya kasama dahil ilang buwan ko nalang siya puwedeng makasama pero iniwasan pa niya 'ko. Gusto kong sulitin na nandito pa siya pero ipinagdadamot niya 'yon sa'kin.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Nasasayang ang oras pero wala akong magawa. Sana pala hindi nalang ako umamin, sana pala wala nalang akong sinabi. Sana pala hinayaan ko nalang na maging mag kaibigan kami.

Bakit ba kasi ang tanga ko eh?!

“HAAAAAY!” malakas na pagbuntong hininga ni Kassidy na umagaw ng atensyon ko. We're at the open space wasting our free time.

“Bakit?” Tanong ko.

“Bumalik ka naman sa dati.”

“What do you mean?”

“Yung dating ikaw na tahimik lang at walang pakialam sa paligid na parang may sariling mundo. Laging may suot na naman Face mask. Unti-unti nang bumabalik yung sigla mo eh, kaso naharang na naman.”

“Ganito siguro talaga kapag 'yung taong unti-unting nagbalik nung sigla mo ay i-reject ang feelings mo.” Nabanggit ko na sa kanya ang tungkol sa pag reject ni Nolan at gano'n din sa nangyari sa Baguio.

“Alam mo, hindi pa rin ako convice na hindi ka gusto ni Nolan. Hindi ko lang basta nakikita, nararamdaman ko na gusto ka niya.”

I sighed. “Sa kanya na nga mismo nanggali 'di ba? Tapos iniiwasan pa niya 'ko.”

“Pero bakit ka niya hahalikan kung hindi ka niya gusto?”

“Hindi ko rin alam.”

“Hindi kaya dahil may sakit siya kaya parang pabago-bago ang isip niya? Side effect kaya 'yon ng sakit niya?”

I shake my head. “I don't think so.” Kung talagang side effect 'yon ng sakit niya, bakit kahit isang linggo na ang nakakalipas, umiiwas pa rin siya sa'kin?

Ito ang pagkakataong sana nga inatake siya ng sakit niya at makalimutan nalang niyang nag confess ako sa kanya.

“Sinong may sakit?” Biglang pagdating ni Alonso na ikinabigla namin. Nagkatinginan kami ni Kassidy at nakaramdam ng pagpapanick.

“Ahm... Ah... M-may pinapanuod kasi kaming kdrama, may sakit 'yung bidang lalake.” Palusot ni Kassidy. Sana mag work.

“Ah!” Mukhang sinakyan naman ni Alonso, mabuti nalang. Umupo siya sa tabi ni Kassidy. “Gusto mo bang mag date tayo mamaya bago ka umuwi?” Tanong ni Alonso kay Kassidy.

“Susunduin ako ni Kuya eh.”

“Gano'n ba, sayang.”

“Sasabihan ko nalang si Kuya na 'wag nalang akong sunduin.”

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon