Twenty Four

665 27 2
                                    

Natapos na ang work ko sa internship ko. Paglabas ko ng building nakita ko na agad si Nolan nag aabang sa pag out ko.

Nag jog ako papalapit sa kanya. “Kanina ka pa?" Tanong ko.

He shakes his head. “Medyo kararating ko lang. Akala ko nga late na 'ko eh."

Hinawakan niya ako sa kamay ko.  “Ayos lang bang kumain muna tayo bago kita ihatid?" He asked.

I nodded. “Good idea, nagugutom na rin kasi ako eh."

He chuckled. “Okay! Tara na!"

Naglakad kami papunta sa malapit na Cafè kung saan ko siya noon nakitang nagbabasa. Papasok palang kami nang Cafè nang may biglang lumabas na isang pamilyar na lalake mula dito.

Nag tama ang tingin naming dalawa at para bang nakilala rin niya 'ko.

It's him... Hindi ako puwedeng magkamali. Siya yung boyfriend ni Nikki. Medyo nag matured lang kaunti ang itsura, siguro dahil sa mga patubo niyang bigute at balbas na bumagay naman sa kanya.

“N-Noelle?" He called na para bang inaalam kung ako nga yung Noelle na kilala niya 'saka siya tumingin sa peklat ko sa pisnge.

“Ako nga!"

“You know him?" Nolan asked.

Nilapit ko ang labi ko sa tainga niya at bumulong. “Siya 'yong boyfriend ni Nikki na nakwento ko."

“I see!" Binaling niya ang tingin ulit do'n sa boyfriend ni Nikki.

“Boyfriend mo ba siya?" Tanong ng boyfriend ni Nikki sa'kin.

“Oo."

Nag offer siya ng handshake. “Joe nga pala. School mate ako dati ni Noelle." Bahagya siyang ngumiti.

Hindi inabot ni Nolan ang kamay niya. “I know! Na kwento ka na niya sa'kin." He coldly reply.

Nawala bigla ang ngiti niya dahil mukhang alam niya kung ano 'yung na kwento ko kay Nolan. “Gano'n ba? Mukhang hindi maganda ang na kwento niya tungkol sa'kin."

“Gano'n na nga!" Nolan responded.

Bahagyang tumingin sa'kin si Joe na tila naiilang. “Puwede ba tayong magusap sandali? 'Yon ay kung hindi ako nakakaistorbo sa inyo. Baka kasi nasa date kayo." Tanong nito sa'kin.

Tumingin ako kay Nolan. “Ayos lang ba?" I asked him.

He nodded. “Ayos lang."

Pumasok na kami ng Cafè. Nag share kami sa isang table. Magkatabi kaming umupo ni Nolan habang sa tapat naman namin umupo si Joe.

“Tungkol saan ang paguusapan natin?" I started to asked.

“Ahm..." He brushes he's chin using of his hand na tila ba nagiisip kung paano niya sisimulan ang mag salita. “Dapat matagal ko na 'tong ginawa pero ewan ko siguro dahil sa takot sa nangyari sa'yo kaya ngayon ko lang 'to magagawa."

“Ano ba 'yon?" I asked.

“Humingi ng tawad sa lahat at sa nagawa ni Nikki sa'yo. Ang totoo nakausap ko si Nikki after niya magawa sa'yo 'yan."

“Nagkausap kayo? Anong pinagusapan n'yo?" Bago sa'kin 'to. Hindi naman na kasi siya nagpakita after noong nangyari kay Nikki.

“She said wala siyang intensyon na gawin 'yan sa pisnge mo nag dala lang siya ng kutsilyo bilang panakot just in case na pagtulungan n'yo siya ng mga kaibigan mo. Pero huli na dahil nagawa na niya. She was really scared and crying noong pumunta siya sa'kin. She blamed me dahil nagawa niya 'yon dahil sa'kin, kaya humingi siya sa'kin ng tulong dahil sa takot. Itakas ko raw siya dahil baka mag demanda ka o ang parents mo sa nagawa niya. Natatakot siyang makulong. Nagbanta siya na kapag hindi ko siya tinulungan magpapakamatay siya. Pero dahil natakot din ako noon na madamay, hindi ko pinansin 'yung banta niya. Hindi ko naman kasi alam na seseryosohin niya ang sinabi niya. Ang totoo nabigla rin ako sa nangyari kay Nikki, sinisi ko ang sarili ko kaya noong marinig ko ang tungkol sa ginawa niya hindi na 'ko pumasok ng school."

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon