THIRTEEN

1.2K 54 3
                                    

Kinakain na naming ngayon ang niluto ni Nolan for us na Paella. He's unexpected good cook for a good looking guy like him. May nag e-exist nga talagang lalakeng hindi lang gwapo, mahilig sa libro at masarap pang magluto. Nakakapagtaka talagang wala pa siyang nagiging girlfriend, samantalang siya na ang dream guy ng girls.

"Mmm... nagustuhan mo ba?" He asked.

I nodded, chewing then nag thumbs up ako bilang answer.

Ngumiti siya na parang na relief. "Mabuti naman na gustuhan mo, specialty ko kasi 'yan."

"Honestly, hindi ko na isip na masarap kang magluto." Pagamin ko.

"Sixteen palang ako no'ng mamuhay ako magisa kaya wala akong choice kundi magaral magluto kung hindi, magugutom ako."

"Na saan ba ang parents mo?"

"Separated na sila. My Mom is managing her Resort sa Cebu and currently living with her new family. My Dad is working abroad. After I graduated highschool, lumipat na 'ko dito sa Manila."

"Mmm... kaya ba hindi mo sinasabi sa kanila 'yung tungkol sa sakit mo dahil malayo sila?"

"Isa na 'yon pero choice ko din na hindi sabihin sa kanila."

"Pero bakit? Mas kailangan mo sila ngayon. At isa pa, hindi lang basta may sakit ka, may taning ka na. They need to know."

"Pinagiisipan ko pa ang tungkol d'yan." He forced a smile. "How about you? Where's your Dad? I didn't see him sa bahay n'yo."

"Separated na rin sila ni Mama. Na sa Davao siya ngayon. He's a Vet."

"Pareho palang doctor ang parents mo, bakit hindi ka nag doctor like them?"

"Takot ako sa dugo eh." Pagamin ko. "At isa pa iba talaga ang gusto ko noon pa."

"Ano 'yon?"

I shake my head. "Never mind." Nakakahiyang sabihin sa kanya.

"Sabihin mo na. Alam mo na ata ang lahat sa'kin pero ikaw, masyado kang malihim." He pouts. Para siyang bata kung pout. Ang cute niya.

"Ang gusto ko talaga noon... mag artista. Masyado kasi akong bilib sa sarili kong ganda noon eh. Pero hindi ko na matutuloy 'yon dahil obviously, I'm not that pretty anymore, kaya nag Mass Media nalang ako."

Nilapag niya yung kutsara niya at parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Maganda ka pa rin naman ah! Mas maganda ka pa nga sa ibang artista eh."

I chuckled. "Salamat."

"Puwede ko bang itanong kung anong nangyari sa peklat mo sa pisnge?" He asked.

I bit my lower lip. "Not now, sorry."

He smiled. "It's okay."

After we eat...

I offered na maghugas, since pinakain niya ako ng masarap na Dish. Nung una ayaw niyang pumayag pero wala na siyang nagawa nang kulitin ko siya kaya ang ginawa nalang niya tinulungan nalang niya ako. Siya ang nag pupunas ng mga nahugasan ko na.

"May plano ka na ba this weekend?" He asked habang pinupunasan niya yung plato.

I shake my head. "Sa bahay lang ako nun. Kung hindi ako nag aaral nanunuod ako ng movies."

"Kung gano'n, gusto mo bang sumama sa'kin?"

"Saan?"

"Baguio. It's a looooong ride. Na sa bucket list ko kasi ang mag joy ride nang gano'n kalayo. What do you think?"

"May bucket list ka?" Kung sa bagay, siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya, gagawa na rin ako ng bucket list.

He nodded. "Sasama ka ba?"

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon