FOURTEEN

1.1K 48 3
                                    

Nag hahanda na 'ko ngayon para sa byahe namin ni Nolan papuntang Baguio. Ngayong sabado ng tanghali kami aalis. At bukas nang tanghali naman kami uuwi. Plano naming mag overnight stay doon. Ito ang unang beses na ba-byahe ako ng gano'ng kalayo kasama ang isang kaibigan. Never naming 'tong ginawa ni Kassidy.

I'm excited. I can't hide it!

Lumabas ako ng kwarto ko na bitbit ang bag ko 'saka ako pumunta ng sala para do'n hintayin si Nolan. Plano niya akong sunduin dito.

Nilapag ko ang bag ko sa sofa.

"'Nak," Dinig kong tawag ni Mama sa'kin mula sa likod ko. Nilingon ko siya. Mukhang galing siya sa kusina. "Anong oras kayo aalis?"

"Papunta na po dito si Nolan."

"Kayo ba talaga ni Nolan, hindi nag di-date?" She gives me her curious look.

"Hindi po. Magkaibigan lang talaga kami."

"Puwede naming maging magkaibigan ang lalake at babae pero may chance rin na magkagustuhan sila."

"Imposible po 'yon."

"Alam mo kung magkakagusto kay Nolan, I can understand why. He's a good guy kaya lang... he's sick."

"I know that Mom. I know that he's sick. I know that he's dying... soon."

"So, alam mong masasaktan ka?" she looks worried.

"Ma,"

"Alam kong parang ang o.a ko dahil hindi naman kayo magkasintahan ni Nolan." She snapped. "Pero kasi nakikita kong na a-attach ka na sa kanya. Hindi 'man bilang lalake na nagugustuhan kundi bilang isang kaibigan. Nag aalala akong masaktan ka ng sobra."

I know kung bakit nag aalala nalang nang ganito si Mama na baka masaktan ako ng sobra dahil sa ginawa ko noon. Natatakot siguro siya na baka ma-depress ulit ako at mag commit na namang mag suicide. I suffered from depression before dahil sa nangyari sa mukha ko and I almost killed myself. Uminum ako ng maraming sleeping pills pero mukhang hindi ko pa talaga araw na mamatay noon dahil nakaligtas ako. Nakita ko ang pagiyak ni Mama ng sobra noon dahil sa sobrang pagaalala. Nakunsensya ako sa ginawa ko noon kaya nangako akong hindi na uulitin pa 'yon. Pero para makasiguro siya noon, dinala pa niya ako sa isang Psychiatrist. Nakatulong naman siya kahit papaano pero yung nangyari noon, hindi ko pa rin nakakalimutan.

"Ma, kung nag aalala ka na baka gawin ko ang ginawa ko noon h'wag po kayong mag alala nangako ako sa'yo noon na hindi ko na gagawin 'yon."

"I know, I trust you." She tapped my shoulder. "Masaya rin naman ako na nagkaroon ka na ng bagong kaibigan maliban kay Kassidy. Unti-unti na kasing bumabalik yung sigla mo noon." She smiled.

Nakarinig kami ng doorbell na bumasag sa paguusap namin.

"That must be Nolan." Mom said.

Naglakad na 'ko papalapit ng pinto at binuksan ito. Si Nolan ang nakita ko.

"Are you ready for a long ride?" He asked smiling.

I smiled. "Yeah! I'll just get my things. Pasok ka muna."

Ako na ang nag lead sa kanya papasok ng bahay. Na sa sala pa rin si Mama na tila hinihintay ang pagpasok ni Nolan.

"Magandang tanghali po Doc." He greeted.

"Magandang tanghali rin."

Kinuha ko na yung bag ko at sinabit 'to sa balikat ko.

"Mag iingat kayo sa byahe n'yo. Tumawag kayo kapag nakarating na kayo do'n." Pagpapaalala ni Mama.

"Opo." Sabay naming sagot ni Nolan.

Bumeso lang muna ako kay Mama 'saka kami tuluyang nagpaalam sa kanya at lumabas ng bahay. Dumiretso kaming dalawa sa kotse niya. Nilagay ko muna yung bag ko sa backseat kung saan nando'n din ang bag ni Nolan.

Sumakay na 'ko sa Passenger seat habang siya naman ay sa driver's seat.

Sinimulan na niya ang pagmamaneho.

"Daan muna tayo sa convenient store." Sabi niya.

"Why?"

"Para meron kang kainin habang na sa byahe tayo."

"Parang sinabi mong gutumin ako ah."

He laughed, softly. "Wala akong sinabing ganyan ah."

Tss! 'yon kaya ang dating sa'kin.

Tulad ng sinabi niya dumaan muna kaming dalawa sa convenient store. Pinark na muna niya yung kotse 'saka kami sabay na bumaba at pumasok ng store.

"Pick anything you want." He told me.

I blinked at him, excitedly. "Really?"

He nodded and chuckled. "Yeah! You looked excited."

"You just told me to pick anything I want. It's like... my dream is coming true."

He laughed. "I see. I'm happy to hear that."

Bago pa magbago ang isip niya, sinimulan ko nang humanap ng snack na gusto ko. Nakasunod lang siya sa'kin habang may bitbit na basket kung saan ko nilalagay yung mga napili ko. Pero dahil marunong pa rin naman akong mahiya ikinu-confirm ko muna sa kanya kung ayos lang ba sa kanya yung mga snack na napili ko. Tumatango lang siya bilang sagot habang nakangiti na tila natutuwa pa sa ginagawa ko. Hindi lang snack ang pinili ko, kumuha rin ako ng drinks para sa'ming dalawa.

After kong mapili ang lahat ng snack na gusto ko pumunta na kami sa counter para magbayad. He paid for everything.

Bumalik na kami sa kotse niya pagkatapos naming mamili ng snacks, sa pagsakay naming sinimulan naman niya agad ang pagmamaneho, ako naman ay sinimulan ang kumain.

"Gusto mo?" I offered.

Bahagya siyang tumingin sa'kin. He opened his mouth na parang naghihintay na subuan ko siya. Bigla tuloy akong na ilang dahil gusto niyang subuan ko siya. Pero... dahil ayaw ko namang ako lang ang nabubusog kaya kahit na hiyang-hiya ako sinubuan ko pa rin siya.

"Salamat." Sabi niya na parang normal lang sa kanya na sinusubuan ko siya ng pagkain.

"W-welcome."I continue to eat again. 

To be continued...

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon