Thirty Three

205 21 1
                                    

Nandito na ako sa bahay ngayon, sa kwarto ko to be exact. Hinayaan ko na muna si Nolan at ang pamilya niya na mag usap. Ayokong mahati ang atensyon ni Nolan kaya i decided na umuwi nalang muna.

Since kasama naman niya ang Mama niya kaya hindi ko na kailangang magalala na baka atakihin na naman siya ng sakit niya tapos wala siyang kasama.

I wonder kung anong pinaguusapan nila ngayon?

Nag ring naman ang cellphone ko na bumasag sa katahimikan ko. Kinuha ko ito mula sa side table ko at tinignan kung sino ang tumatawag. It's Nolan.

“Hello?" I answered it.

“Hi! Nakauwi ka na ba?"

“Yes. Nandito na ako sa kwarto ko."

“Mabuti kung gano'n."

“Kumusta naman dyan?"

“Everything is fine. Except sa paulit-ulit niyang sinasabi na mag pa-admit na ako."

“Tama naman siya do'n."

“No."

“Anong reaksyon niya sa pagtanggi mo?"

“Well, ang sabi niya kailangan niya ng opinion ng doctor para malaman kung hahayaan niya nga akong hindi na mag pa-admit."

“Kung gano'n, mas lalo ka niyang pipilitin dahil ang gusto rin ni Mama ay magpa-admit ka."

I heard him sighed. “That's what i thought."

“She's just doing that for you."

“I know. Anyways, can you give me your Dad's number? I want to call him." Pagiiba niya ng topic.

“Why?"

“Well, para ipaalam sa kanya ang plano natin."

I chuckled. “You sure? Puwede namang ako nalang magsabi."

“Nope! That's my job."

“Okay, I'll end this now so i can give you his number."

“Okay!"

“Okay, i love you!"

“I love you too!" I ended the call 'tsaka ko naman agad sinend sa kanya ang number ni Papa.

Sana makausap niya agad si Papa. At sana pumayag si Papa! Nag iisa niya akong anak kaya baka maging istrikto siya. Sana naman hindi.

I waited for his call again para sana makibalita sa paguusap nila ni Papa pero bago pa mangyari 'yon nakarinig na ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.

Nag punta ako sa pinto at binuksan ito. Si Mama ang nakita ko.

“You're home." She said.

“Opo! Dumating na yung Mom ni Nolan kaya may bantay na siya."

“That's good to hear."

“Nolan told me too na baka po puntahan ka nila ng Mama niya para magtanong about sa sakit niya."

“Oh! I thought para mamanhikan na."

I shake my head. “Kapag dumating na yung Dad niya galing States do'n lang po sila mamanhikan."

“Mukhang planado at napagusapan n'yo na talaga lahat." She looks surprised.

“Gano'n na nga po. Ayaw namin sayangin ang oras. Habang tumatagal kasi parang napapadalas ang pagatake ng sakit niya."

Huminga siya ng malalim. “Magiging ayos ka lang ba talaga?" Nasa tono ng pagalala ang boses niya.

“I am, Mom. Don't worry."

“I'm still worried. Maybe ngayon tingin mo magiging okay ka lang paano kung mangyari na? At mawala na si Nolan ng tuluyan?"

“I will be fine. I will... try to be fine." I looked straight to her eyes. “Trust me."

She half a smile. “Okay." She tapped my shoulder. “Maybe i could help sa kasal n'yo. I have a friend na isang Judge para ipakasal kayo."

I smiled lightly. “I'll tell Nolan about that." I hugged her. “Thanks, Mom!"

“You are always welcome, sweetheart."

Narinig ko ang cellphone ko na nag ring kaya napabitaw ako sa pagkakayakap kay Mama.

“That must be Nolan, tapos na siguro niyang makausap si Papa."

“Kinausap na niya ang Papa mo?"

I nodded. “Opo, para ipaalam na yung plano namin."

“I see. Sige na sagutin mo na yung tawag baka hinihintay ka niya."

“Opo." Kinuha ko naman agad yung cellphone 'tsaka din naman umalis si Mama.

“Hello?" I answered it.

“Hey! I'm done talking to him. I thought you might want to know."

“Yup! Anong nangyari?"

“Well... He agreed!" I can tell that he's grinning widely. “Mapapakasalan na talaga kita!"

I giggled. “Well.. good to hear that! Mom told me na may kaibigan siyang Judge na puwedeng magpakasal satin kaya kailangan nalang natin asikasuhin ang papers at kung kailan ang date ng kasal."

“We will but let's talk about it tomorrow. I know you're tired from driving."

“Not really but... okay. Mag paghinga ka na rin."

“I will! I just really called para ipaalam sayo ang pagpayag ng Papa mo."

“Okay! See you tomorrow?"

“Syempre naman! Rest now my beautiful love. I love you!"

“I love you too!" He ended the call.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama after nang paguusap namin.

Huminga ako ng malalim. So, mangyayari na nga talaga. Ikakasal na kami at wala nang atrasan. Ang pagaasikaso nalang siguro ng papers sa kasal namin ang magpapatagal para makasal na kami pero dahil may hihintayin pa rin naman kami tulad ng pagdating ng Papa niya at pamamanhikan, siguro magiging mabilis lang ang lahat.

I just hope na walang mangyayaring masama bago dumating ang kasal namin. Sana talaga walang mangyayaring masama.

To be continued...

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon