I woke up na sakit nang ulo agad ang naramdaman ko. Siguro dahil 'to sa paginum ko kagabi.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at inalala kung paano ako nakauwi. Ang tanging naaalala ko nalang, i was with Nolan after nun blangko na lahat.
Hinatid kaya niya ako o sila Kai ang gumawa nun? Si Kassidy nalang siguro ang tatanungin ko.
Umalis ako nang tuluyan sa kama, dumiretso ako sa bathroom. Naghilamos muna ako at nag toothbrush na rin. Hindi ko kasi gustong amoy alak ang bibig ko.
Lumabas ako ng kwarto ko after kong maghilamos, naglakad ako papuntang kusina at na amoy ko na nagluluto si Mama.
Nang makarating ako sa kusina, napahinto ako nang makita ko ang isang pamilyar na lalake na nakaupo habang umiinum ng coffee. It's Nolan. What is he doing here at this early?
“Sweetheart, gising ka na pala.” Mom said kaya biglang na ibaling ni Nolan ang tingin sa'kin. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin.
“G-gano'n na nga po.” Sagot ko habang hindi inaalis ang tingin kay Nolan.
“Sakto katatapos ko lang mag luto ng breakfast. Sabayan mo na si Nolan kumain aalis na rin kasi ako.” Mama said.
Naglakad siya papalapit sa'kin 'saka niya ako hinalikan sa ulo ko. “Nakakapanibagong amoy alak ka, hindi ko alam kung bakit natutuwa pa 'ko.” Mama said, smiling. Bakit nga ba siya natuwang nag lasing ang anak niya?
She tapped my shoulder. “Aalis na 'ko, ikaw na ang bahala sa bisita natin.” Sabi niya kaya binaling ko ulit ang tingin kay Nolan na pinapanuod lang kaming mag ina.
“Opo.” Sagot ko kay Mama 'saka naman niya sinimulan ang maglakad palayo.
Naglakad ako papalapit kay Nolan. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“You passed out last night kaya hinatid kita dito.”
“Last night pa 'yon and you're still here?”
He nodded. “Doc said na dito na 'ko matulog. Ang hirap niyang tanggihan kaya pumayag na 'ko.” Tinapik niya ang upuan sa tabi niya. “Tabihan mo na 'ko.”
Ginawa ko naman yung sinabi niya.
“Nalasing ka ba kagabi?” Tanong ko.
He shakes his head. “Hindi kita mahahatid kung lasing ako at isa pa, paano naman ako malalasing kung inaagaw mo yung beer na inaabot ni Alonso sa'kin?”
“Kasi naman, nagalala lang ako na baka makasama sa'yo 'yung paginum mo ng alak.”
“But still hindi ka pa rin dapat uminum nang sobra at magpakalasing lalo na kung may kasama kang lalake.”
“Are you scolding me?” I asked.
“Yeah i am.”
“Tss! Parang kagabi lang halos hindi mo 'ko pansinin tapos ngayon sinesermunan mo na 'ko?”
“Hindi sa ayaw kitang pansinin.”
“Kung gano'n, bakit? Don't tell me, na misunderstand ko lang na naman 'yon at hinihintay mo lang na pansinin kita?”
He smiled, weakly. “Gano'n na nga.”
I pout disapprovingly. “Kailangan bang ako laging unang mag approach?”
Tumawa siya ng marahan. “Pasenya na.” Ginulo niya ang buhok ko. “Kanina ko pa 'tong gustong sabihin, maganda ka pala kapag bagong gising.” Kumento niya na nagpakabog ng malakas sa dibdib ko.
Bakit bigla bigla nalang siyang nag sasabi nang gano'n? Seryoso nga kaya siyang araw-araw niyang sasabihin na maganda ako para mapaniwala akong maganda nga ako?
Isa lang ang alam ko, alam nang lalake 'to kung paano patibukin nang mabilis ang tibok ng isang babae.
“Alam mo, kaunti na lang iisipin ko na player ka.” Sabi ko.
He laughed. “Bakit naman?”
“Para kasing hindi normal na sabihin lagi ng isang lalake na maganda ang isang babae.”
“Normal lang 'yon. Ang hindi normal ay sabihin sa iba't-ibang babae na maganda sila, 'yon para sa'kin ang isang player.”
Kung sabagay may point siya.
“Kumain nalang tayo.” Sabi ko 'saka ko sinimulang kainin ang niluto ni Mama for us. Tumango siya bilang tugon.
After we eat, Nolan decided na umuwi na since may pasok pa for school. Ako naman ay nag prepare na rin for school.
Pagkatapos kong mag asikaso, bumyahe na rin naman agad ako papuntang ng school. Sa pagdating ko, dumiretso na 'ko sa classroom ko.
Pagkaupo ko, sakto ang pagdating ni Alonso.
“Knock out ka kagabi ah.” Sabi niya pagkaupo niya sa tabi ko. Dati sa likod siya nakapwesto pero ngayon tumatabi na siya sa'kin.
“Napadami lang ng ininum.”
“Apat lang naman ininum mo.”
“Madami na 'yon para sa isang tulad ko.”
“Kung sa bagay.”
“Anyway, anong oras na kayo nakauwi?”
“Nawala sa mood ang Kuya ni Kassidy nang si Nolan ang maghatid sa'yo kagabi kaya mga sampung minuto palang pagkaalis n'yo nagyaya na siyang umuwi.”
“Ba't naman siya nawala sa mood?”
“Siguro dahil nag selos kay Nolan. Obvious naman na trip ka ng Kuya ni Kassidy. Halos mag suntukan na nga sila ni Nolan dahil sa pagaagawan sa paghatid sa'yo.” I blinked at him, shockingly.
Hindi 'yon nabanggit ni Nolan sa'kin kanina.
“Si Nolan kasi pinipilit din na siya na ang maghatid sa'yo kaso yung kapatid ni Kassidy walang tiwala sa kanya baka raw kasi kung saan ka niya dalhin at may gawin sa'yo si Nolan. Buti na nga lang na aawat sila ni Kassidy at na assured na safe ka kay Nolan.” Dagdag niya.
“May mga gano'n palang nangyari kagabi. Wala manlang akong kaalam-alam.”
“Pero alam kung anong ipinagtaka ko? Yung ipinilit ni Nolan na siya ang maghatid sa'yo at parang handa talaga siyang makipag basag ulo para do'n. Malayong-malayo sa personality 'yon ni Nolan. Chill lang kasi lagi 'yon eh.”
Sa totoo lang sumasangayon ako sa sinabi niya. Malayo sa personality ni Nolan ang makipagaway. Pero bakit niya kaya ginawa 'yon? Makikipagaway siya para lang mahatid ako? Wala rin kaya siyang tiwala sa paghatid ni Kai sa'kin? Pero kasama naman namin si Kassidy.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...