Twenty Three

629 25 1
                                    

“Sigurado kang ayos ka lang?" Patuloy na tanong ni Alonso kay Kass. Nandito na kami ngayon sa Open space para magpalipas ng free time after nang kumusyon namin with Rian.

“Ayos nga lang ako!" Paniniguro ni Kass.

“Pero may kalmot ka sa braso." Alonso said sabay hawak sa braso ni Kass.

“Maliit na sugat lang 'yan. Compare mo na sa bruha na 'yon, marami akong nabunot na buhok sa kanya. Kung hindi lang dumating si Noelle baka nakalbo ko na 'yon eh!"

Naramdaman ko ang paghaplos ni Nolan sa likod ko kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

“Are you okay?" He said.

I nodded. “I'm okay." Ngumiti ako para ma-assure siya.

Sa totoo lang hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na baka narinig ni Nolan lahat nang sinabi ni Rian. At kung narinig nga niya hindi ko maiwasang isipin kung ano nang tingin niya sa'kin after nang narinig niya.

“Pero kanina ka pa tahimik."

“May iniisip lang."

“Ano 'yon?"

“Narinig mo ba lahat nang sinabi ni Rian?"

He just nodded.

“Nabigla ka siguro."

“Medyo. I-ku-kwento mo na ba sa'kin ang tungkol do'n?

I sighed. “Masyadong mahabang istorya 'yon."

“It's fine! Makikinig ako." He caress my hair. “Go ahead."

Huminga ako ng malalim. “Rian, Kass and i were used to be friends. Well kami ni Kass, obviously magkaibigan pa rin. Mostly kami ni Rian ang gumagawa ng kapilyahan at kamalditahan while Kass was just watching and laughing sa mga ginagawa namin. The whole story started noong fourth year Highschool kami. There's this guy na... hindi ko na nga maalala ang pangalan. Boyfriend siya noon ni Nikki, 'yong babaeng nabanggit ni Rian na nagpakamatay. That guy were used to be Rian's type kaya naiinis siya na may girlfriend na 'to. One day, Rian told me na magpustahan kami regarding do'n sa boyfriend ni Nikki."

“Ah! So 'yong babaeng 'yon pala talaga nag simula nang lahat!" Pagpuputol ni Alonso sa pagku-kwento ko.

“Exactly! Tapos kung mag kwento siya parang wala siyang kinalaman sa lahat! Siya naman talaga nag simula. All of this started because yung type niyang guy hindi siya type!" Dagdag pa ni Kass kasabay ng pag irap.

“Tapos?" Nolan asked me para siguro i-continue ko ang kwento.

“I'm not really interested do'n sa guy but since isa sa mga hobby namin noon ni Rian ang magpustahan sa lalake, pumayag ako. Just for fun!"

“Anong ibig sabihin na pagpustahan ang lalake?" Alonso asked.

“Kapag kasi may new guy sa school at cute, aakitin nila 'yon at kapag nahulog na sa kanila i-re-reject nila. Minsan salitan silang gumagawa nun. Depende kung sino mananalo sa rock paper, scissor." Kass explained.

Alonso gasped. “Hobby mo 'yon dati? Wala sa itsura mo!" He commented.

“Tama ka! Wala sa itsura ko 'yon ngayon. Pero noon hindi 'yon mahirap dahil bago pa 'ko magkaroon ng peklat sa pisnge, sobrang... confident ako sa beauty ko. Sabihin nalang natin na noon, feeling ko ako ang pinaka magandang babae sa school kaya ang mangakit ng boys madali lang para sa'kin."

“E'di kung gano'n, pareho lang 'yon nang ginawa mo sa boyfriend nung Nikki?" Alonso asked again.

I nodded. “Nagkataon na ako ang nanalo sa bato-bato pick namin kaya ako ang nangakit do'n sa guy."

Kass crossed her arms. “For sure palusot niya lang yung pustahan na 'yon para akitin niya yung boyfriend ni Nikki. Nagkataon lang na ikaw ang nanalo."

“That's what i thought too, kaya nga hindi ko masyadong sineryoso yung pustahan na 'yon dahil alam kong bet siya ni Rian."

“Then anong sunod na nangyari?" Curious na tanong ni Alonso.

“Well, nagawa kong maakit yung guy. He broke up with Nikki and then after he asked me out. After ko kasi magpakita ng pekeng motibo para maakit siya feeling niya may gusto talaga ako sa kanya. But since pustahan lang naman ang lahat nang 'yon, ni reject ko siya."

“Ano namang nangyari do' n sa Nikki?" Alonso asked.

“She was broken hearted. She really loved the guy. She was really hurt sa nangyari sa kanila nung guy. At first hindi niya alam ang totoong rason kung bakit nakipaghiwalay sa kanya 'yung boyfriend niya. Wala siyang idea sa ginawa kong pangaakit. Until one day, nalaman niya ang ginawa ko. Sinugod niya kami. Yung itsura niya noon parang handa talaga siyang makipagaway sa'kin dahil sa ginawa ko. Pero I wasn't that easy to beat back then. If you want a fight I'll give you fight. That's what i always say sa mga babaeng gustong makipagaway sa'kin dahil hindi naman na bago sa'min ang mga gano'ng scenario. She ended up losing with me. But Nikki is different hindi siya sumuko. She maybe knew about na hindi ako basta-basta nagpapatalo sa away, kaya prepared siya. She brought a small knife, it's like a peeling knife. Since i thought she was already giving up, binaba ko ang depensa ko hanggang sa hindi ko namalayan nilabas niya yung kutsilyo na 'yon dahil nakatalikod ako. Pagkaharap ko sa kanya, hinawi niya yung kamay niyang may hawak na kutsilyo at tinamaan ang pisnge ko..." I paused. Feeling ko biglang kumirot yung peklat ko sa pisnge ko dahil naalala ko na naman ang nangyaring 'yon.

I cleared my throat and nag continue sa pagku-kwento. “After niyang makitang duguan na 'ko. Nag panick siya at tumakbo. Habang ako naman ay itinakbo naman ni Kass at Rian sa hospital. Na sa hospital pa 'ko nun at nagpapagaling sa nangyari sa pisnge ko nang malaman ko na nag commit ng suicide si Nikki. Si Kass ang nag banggit sa'kin nung balita na 'yon. Hindi nag iwan nang kahit na anong note si Nikki kung bakit ginawa niyang mag suicide.”

“After din nun, hindi na pumasok sa school ang boyfriend niya." Dagdag ni Kass.

“Pagkatapos ko namang magpagaling sa sugat na nakuha ko, pumasok na ulit ako sa school may bandage parin sa pisnge ko kaya hindi maiwasan na pagtinginan ako at pagbulungan na rin ng mga nadadaanan kong estudyante. Hanggang sa nakita ko nalang si Kass at Rian na nagtatalo. Kass found out na ikinalat ni Rian na ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Nikki. Dahil wala namang iniwan na kahit anong note si Nikki madali lang niyang napaniwala ang schoolmates namin. At gano'n na rin ako. Hindi na mawala sa isip ko na baka ako nga ang rason kung bakit nangyari 'yon. Kung hindi ko inakit boyfriend niya walang break up na mangyayari. Walang pagsugod na nangyari. Wala sana akong peklat ngayon sa pisnge. Wala sanang suicide na nangayri. It's all my fault."

“It wasn't just all your fault! If Rian doesn't start that bet, lahat nang 'yon hindi nangyari." Kass said.

“And kung walang lalakeng nagpaakit sa simula palang at naging loyal lang sana sa girlfriend niya, hindi 'yon mangyayari." Dagdag naman ni Nolan na kanina pa tahimik dahil sa pakikinig sa story ko.

“Exactly!" Kass strongly agreed. “Sabi nga nila, walang mangaakit kung walang nagpapaakit!" She added.

“Pero bakit pa gumawa ng issue yung si Rian? 'di ba kaibigan n'yo siya?" Alonso asked.

“'Yon nga ang pinagtataka ko eh! After naming maitakbo si Noelle sa hospital never na ulit namin siyang nakasama. Hanggang sa narinig ko nalang ang paninira niya kay Noelle. At nag nakakainis pa do'n, sinasabi niya sa iba na sinubukan niyang pigilan si Noelle na akitin 'yung boyfriend ni Nikki. She wants all the blame na mapunta lang kay Noelle."

Naramdaman ko ang paghawak ni Nolan sa kamay ko.

“Nahirapan kasiguro during those days."

“Yes!" I suffered from depression and almost killed myself dahil do'n. I want to add that pero ayokong magalala pa siya. “But all thanks to Kass, she never left me. And also my parents."

“Are you still blaming yourself?" He asked and looks concerned.

“Yah!"

“I think that just normal but do not blame yourself too much. Yes, no one wants that to happen to that girl named Nikki but at least you learned from it. Don't let your past ruin you now."

I smiled weakly. “Okay."

He just smiled back.

To be continued...

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon