Araw na nang Flight ko papunta sa Davao. I told Mom na 'wag na akong ihatid sa Airport dahil alam kong pagod na rin naman siya sa trabaho niya.
Si Nolan ang kasama ko ngayon sa Airport dahil siya ang nag hatid sa'kin dito. Until now, nag aalala pa rin ako na iwan siyang magisa for a week. Kahit na nga binilin ko na siya kay Alonso, hindi ko pa rin maiwasang magalala.
“Call me kapag nakarating ka na do'n." Nolan told me.
I nodded. “I will. Take care of yourself, please." I'm more like begging.
“I will. Don't worry." He kissed my head. “Sige na, baka iwan ka na ng eroplano."
“Okay." Binuhat ko na yung maleta ko 'tsaka niya ako hinalikan ng mabilis sa labi bilang pagpapaalam.
Nag lakad na 'ko para mag check in. Nilingon ko pa siya para tignan binigyan niya lang ako ng ngiti at kumaway na parang nag sasabi ng i-will-be-fine.
Kinaway ko nalang din ang kamay ko pabalik sa kanya 'tsaka ako tuluyang nag check in.
Nang makasakay ako ng eroplano bago ko nilagay sa Airplane mode ang cellphone ko nag text muna ako sa kanya.
*** Mamimiss kita, see you in a week. Take care, my love. I love you. ***
Tumingin na muna ako sa bintana ng eroplano at napabuntong hininga ng malalim.
Sana maging okay lang lahat.
Biglang may umupo sa tabi kaya napunta ang atensyon ko dito at nanlaki ang mga mata ko na ang makita ay si Nolan. Ngumiti lang siya sa'kin na parang nag sasabing surprise.
“What are you doing here?" Tanong ko.
“One week kasi kitang hindi makikita kaya naisip kong sulitin ang oras at ihatid ka hanggang Davao." He answered.
I blink, rapidly. “Pero pa'no ka nakakuha ng ticket?" Wala akong maalalang nag pa-book rin siya ng ticket.
“I'm a Chance Passenger." He smiled.
“Kung gano'n mag i-stay ka sa Davao, with me?"
He shakes his head. “Ihahatid lang kita hanggang sa Airport."
“Pero pa'no ang paguwi mo?"
“Magbabaka sakali ulit na makakuha ng Flight pauwi."
“Eh kung mag stay ka nalang do'n with me?" I suggest. Mas okay 'yon, mababantayan ko siya.
He shakes his head. “Ayokong hatiin ang atensyon mo do'n. Gusto kong makapag paalam ka ng maayos sa Lola mo."
Pinaglapat niya ang mga palad namin 'tsaka niya inilapit sa labi niya ang kamay ko at hinalikan ito.
Isinadal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya. Susulitin ko nalang ito dahil isang linggo ko siyang hindi makikita. Buti nalang at naisip niya 'to. Hindi ko nga lang naisip na magagawa niya 'to. Napaka perfect boyfriend niya talaga.
Nang makarating kami Davao Airport, sinamahan ako ni Nolan na hintayin ang maleta ko at sinamahan ko rin siyang makakuha ulit ng Flight pabalik ng Manila.
Laking luwag sa dibdib namin pareho na meron siyang nakuha, though mamaya pang gabi ang Flight niya pabalik.
“May magsusundo ba sa'yo?" Tanong ni Nolan sa'kin.
Umiling ako. “Wala. May kasabihan kasi na bawal mag sundo."
“So, mag ta-taxi ka nalang papunta do'n?"
“Gano'n na nga."
“Hihintayin nalang din kitang makasakay ng Taxi." Sabi niya.
“No, hihintayin kitang makasakay sa Flight mo bago ako tuluyang umalis. Wala kang kasama dito pa'no kung atakihin ka ng sakit mo?"
“Palagi ko namang dala yung gamot ko kaya hindi mo kailangang magaalala 'tsaka isa pa baka hinihintay ka na do'n ng Papa mo."
“Kapag sinasabi mong 'wag akong magaalala. Lalo lang akong nagaalala. Hayaan mo nalang ako, makakapante lang ako kapag nakasakay ka na ng eroplano."
He tapped my head. “Sige, ikaw ang bahala. For now, maghanap nalang muna tayo ng puwedeng kainan. Nagugutom na kasi ako eh."
Tumango ako. “Mabuti pa nga."
Inakbayan niya ako 'tsaka kami nag lakad para humanap ng makakainan at paglilipasan ng oras habang hinihintay ang Flight niya.
Nang makahanap kami, humanap lang muna kami ng maauupuan at nang nagawa namin 'yon siya na ang nag order ng makakain namin.
Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya dahil sa pagaalala.
Sa pagbalik niya sa'kin bitbit na niya yung kakainin namin.
“Hindi ka pa ba nakakaramdam ng pagod?" Tanong ko sa kanya nang makalapit siya.
Umiling siya. “Hindi naman bakit?"
“Baka kasi napapagod ka na kakalakad."
“I'm okay." He reassured.
Pinagsaluhan na namin yung pagkaing inorder niya nang ma-assure niya ako ng kaunti.
Nang dumating ang oras ng Flight niya ako naman ang naghatid sa kanya.
“Magiingat ka at tawagan mo ako kapag nakauwi ka na." Bilin ko sa kanya.
He nodded. “I will my love."
“At makinig ka kay Alonso!"
He chuckled. “Okay."
“Wag kang magpapasaway-" Hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge kaya hindi ko na natuloy ang pagsasalita. Inilapit din niya ang mukha niya sa mukha ko.
“My love, I'm okay. I will be okay hanggang sa magkita na ulit tayo." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Promise?"
“I promise." He kissed my lips, softly. “I love you."
“I love you too."
“Tawagan mo ako palagi."
I nodded. “Ikaw din."
He chuckled. “Okay. Susunduin ulit kita kapag umuwi ka na."
“Okay." He kissed me again 'tsaka kinaway ang kamay niya at naglakad paalis.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...