Two

1.7K 54 3
                                    

Naglalakad ako ngayon sa Hallway kasama ang kaibigan kong si Kassidy papunta sa kanya-kanya naming classroom. Tila siya may kinaiinisan sa cellphone niya dahil kanina pa siya angal ng angal na may nag cha-chat daw sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya umaangal, eh hindi naman niya tinitigilan na replyan yung nag chat sa kanya.

"Sino ba kasi 'yan?" Tanong ko.

"Alonso, classmate mo ata 'to, pareho kayong Mass Media Student eh."

"Alonso?" Inisip kong mabuti kung may kilala ba 'kong Alonso na classmate ko then pumasok sa isip ko na wala pala akong kilalang classmate ko. Ako yung tipo ng taong hindi inaalala ang pangalan ng taong hindi ko naman kailangang alalahanin. "Hindi ko siya kilala."

"Hindi na 'ko nabibigla na hindi mo siya kilala. Kaibigan siya ni Nolan. Itong lalakeng 'to ang nag post ng video ni Nolan habang nagbabasa."

Yung Nolan na naman pala. Speaking of him, dapat ko bang sabihin kay Kassidy ang tungkol sa crush niya? No! Hindi pala magandang idea 'yon. Nakiusap si Nolan na 'wag kong sabihin sa iba ang tungkol sa sakit niya.

"Speaking of Nolan, anong reaction mo do'n sa video niya?" Tanong niya.

"Ah, ayos lang naman. Cool siya magbasa."

"Crush mo na rin ba siya, like me?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Bakit ba gusto mong i-share yung crush mo sa'kin?"

"Para mapatunayan kong marunong kang magkagusto sa lalake. Alam mo kunti nalang kasi iisipin ko nang babae ang type mo." She jokes.

I rolled my eyes. "Tumigil ka nga. Sa tingin mo, itong itsura ko may magkakagusto pa ba dito?" Tinuro ko ang pilat ko sa pisnge.

"Duh! Nagkapilat ka lang sa pisnge, hindi ka pumangit!"

"Whatever!"

"OMG!" Biglang napahawak sa kamay ko si Kassidy. Hinigpitan niya na 'to na parang nagpipigil ng kilig. "Si Nolan."

Kaya naman pala para na naman siyang kiti-kiti. Nakita na naman pala niya si Nolan.

Tumingin ako sa direksyon nung Nolan at nakita kong pasalubong siya sa'min sa paglalakad. Nagtama ang tingin naming dalawa pero hindi naman ako nailang do'n. Sa halip nakipagtitigan pa 'ko sa kanya at binigyan siya ng blangkong reaksyon hanggang malampasan namin ang isa't-isa.

"Ang gwapo talaga niya!" Kinikilig na sabi ni Kassidy.

"Sabi mo eh."

Bakit kaya pumapasok pa siya kung may taning na ang buhay niya? Ayaw ba niyang igugol ang natitira niyang buhay kasama ang pamilya niya kesa ang mag sayang ng oras dito sa school?

Nakarating na 'ko sa classroom ko at tingin ko gano'n din si Kassidy.

"Hi," Dinig kong bati ng lalake sa likod, pero hindi ko 'yon pinansin. Sa halip kumuha nalang ako ng libro sa bag ko. "Excuse me." He pokes my shoulder.

May mga tao talagang kahit pinapahalata mo nang ayaw mong pansinin, papansin pa rin.

Nilingon ko na siya at isang pamilyar na nakasalamin na lalake ang nakita ko. "Hi, kilala mo ba si Kassidy Dela Cruz? Nakita ko kasing mutual friends kayo sa facebook eh."

"Kaibigan ko siya." I reply.

"Talaga? Ako nga pala si Alonso. Since, classmate tayo, pwede mo ba 'kong ipakilala sa kanya? Alam mo kasi, unang kita ko palang sa Profile picture niya sobrang nagandahan na 'ko sa kanya---"

"Hindi ka niya gusto!" I snapped. "Naiinis siya kapag china-chat mo siya kaya tigilan mo nalang."

He forced to laugh. "Napaka straight forward mo naman."

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon