Para akong naging istatwa sa tanong niya sa'kin.
Hindi niya ako kilala? Paanong hindi niya ako kilala? Inatake na naman ba siya ng sakit niya? Permanent na ba 'to? Fuck!
Kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang pagaalala.
“Anong lugar 'to?” He asked habang inililibot ang tingin sa paligid.
“B-Baguio.”
“What?! Anong ginagawa ko dito?”
“Ahm...” Hindi na niya hinintay ang sagot ko basta nag lakad nalang siya palayo. Where is he going? “Nolan!” I called him pero hindi niya ako pinansin.
Sinundan ko nalang siya bitbit ang pagaalala sa dibdib ko. Gusto ko sana siyang sabayan sa paglalakad niya kaya lang hindi ko naman magawa dahil hindi naman niya ako nakikilala.
Shocks! Anong gagawin ko nito ngayon?
As i continue following him, nag tanong siya sa mga tao kung saan siya makakasakay ng Bus pauwi ng Manila. Mukhang hindi rin niya naalala na dala niya ang kotse niya.
Nang makahanap siya ng Bus na masasakyan na nagaabang din ng mga pasahero, sumakay siya dito at gano'n din ang ginawa ko. Umupo siya sa bandang gitna ng Bus habang ako naman ay pumwesto sa bandang dulo para magawa kong mapanuod siya. Ayokong alisin ang tingin sa kanya dahil baka bigla siyang mawala. Ang O.A nito pero gusto ko lang makasigurado.
Ten minutes na ata kaming nakasakay sa Bus nang may sumakay na isang matandang lalake. Wala na siyang maupuan dahil bakante na ang lahat ng upuan. Tumayo si Nolan at inoffer nito ang upuan niya para kay Lolo.
It's a long ride pero inoffer pa rin niya yung upuan niya para sa iba.
Muli pang nagpasakay si Manong konductor ng isang pasahero bago pa 'man din simulan ang byahe. Naglakad papuntang gitna yung pasahero at nabangga pa niya si Nolan. Humingi rin naman agad ng pasensya yung isang pasahero kay Nolan dahil sa aksidenteng pagbangga niya. Hindi ko maiwasang samaan ng tingin si Manong, paano naman kasi puwede naman siyang maglakad nang hindi nakakabunggo. Buti sana kung walang sakit si Nolan.
Binalik ko ang tingin kay Nolan, inililibot nito ang tingin sa paligid na tila may hinahanap. Tumayo ako dahil baka inaatake na naman siya ng sakit niya.
“Nolan,” Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ko at para siyang nakahinga ng maluwag. Kung kanina, hindi niya ako nakikilala ngayon, nakikita ko sa reaksyon ng mukha niya na kilala na niya ulit ako.
Humakbang siya papalapit sa'kin at agad na niyakap ako. Nakaramdam din ako ng relief dahil finally, naalala na niya ako. Mabuti nalang hindi permanent ang pagkalimot niya sa'kin. Hindi ko alam ang gagawin kung mangyari nga 'yon.
“Sorry.” He said, panicking.
I tapped his back. “It's alright. Are you okay now?”
“Yeah! T-this is the first time na nangyari 'to. I'm really sorry.” I can sense that he's freaking out.
“It's okay.” I caress his back.
We decided na bumaba nalang ng Bus para balikan ang kotse niya. Mabuti nalang hindi pa nag simula ang byahe ng Bus kaya mababalikan pa namin ang kotse niya.
Tahimik lang siya habang papunta kami sa kung saan niya pinark ang kotse niya. Mukhang na bigla siya sa nangyari sa kanya kaya hindi siya makapagsalita. Kung ako ang nasa kalagayan niya siguro magugulat din ako.
Nang makarating kami kung saan nakapark ang kotse, i offered na ako na ang mag mamaneho para sa'min. Hindi pa 'ko nakapagmaneho ng malayo pero wala akong choice dahil tingin ko hindi siya makakapagmaneho ng maayos ngayon dahil sa nangyari sa kanya.
--
Finally nakarating kami sa Unit ni Nolan.
Ipinark ko na yung kotse niya 'saka ko pinatay ang makina.
“Nandito na tayo.” I told him. Hindi siya nag salita the whole time na nasa byahe kami kahit na hindi naman siya nakatulog.
“Bakit dito mo dineretso sa Unit ko? Paano ka?” Tanong niya.
“It's fine, mag ta-taxi nalang ako.” I reassured. “Ayos ka na ba?” Tanong ko.
He nodded. “Oo.”
“Nabigla ka siguro.”
“Gano'n na nga.” He run his fingers through his hair and he sighed, heavily. “Sorry.” He apologized.
“It's okay. Hindi mo naman kailangan mag sorry dahil hindi mo naman ginustong atakihin ka ng sakit mo.
“No, I'm saying sorry for the kiss.” Naramdaman kong kumirot ang puso ko. “I'm sorry for kissing you. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Hindi dapat nangyari 'yon dahil mag kaibigan tayo.”
Hindi ko alam pero, nasasaktan ako sa paghingi niya ng tawad at sa mga sinasabi niya. Parang sinasabi niya na isa lang 'yon pagkakamali. Pero hindi naman 'yon ang naramdaman ko sa halik na 'yon kaya bakit ngayon nag so-sorry siya?
He looked at me. “I'm really sorry.”
“Okay lang.” Sagot ko kahit na hindi naman talaga okay. Gusto ko yung halik na 'yon kahit na after ng kiss na 'yon hindi na niya ako nakilala, wala akong pakialam basta para sa'kin ang halik na 'yon hindi lang basta pagkakamali.
Pero baka kaya niya lang din nasabi 'yon dahil baka nabibigla pa siya sa nangyari sa kanya. Sana nga!
Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba, gano'n din ang ginawa niya. Binuksan ko rin ang pinto sa backseat 'saka ko kinuha yung bag ko.
“Uuwi na 'ko.” Paalam ko 'saka ko tuluyang sinara ang pinto ng kotse.
“Mag iingat ka.”
I nodded. “I will.”
Naglakad na 'ko paalis ng parking 'saka rin naman ako nag para ng taxi at sumakay dito.
Nang makarating naman ako sa bahay, pagbayad ko ng pamasahe, bumaba agad ako at dumiretso agad sa pagpasok ng bahay. Umupo agad ako sa sofa, yumuko ako habang nasa ulo ko ang mga kamay ko.
Kumusta na kaya siya? Nagaalala pa rin kaya siya sa nangyari sa kanya?
“Nakauwi ka na pala.” I heard Mom's voice. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa direksyon niya. “Are you okay? Hinatid ka ba ni Nolan?”
I shake my head. “Nag taxi nalang po ako dito pauwi mula sa Unit niya.”
“Dumiretso kayong dalawa sa Unit niya bago umuwi?”
“It's not what you think Ma. Inatake kasi siya ng sakit niya kaya ako na ang nag maneho for us.”
“Why? What happen to him?” She looks concern.
“He forgotten me.”
“I see. Habang tumatagal siguradong mas madalas nang mangyayari sa kanya 'yon.”
I blinked at her. “What exactly is Nolan's condition?” I asked.
“He's suffering from brain stem Glioma.”
Wala akong idea sa kung anong sakit na 'yon.
“Talaga po bang may taning na siya? Hindi na ba po puwedeng operahan ang sakit niya?”
“Nolan asked me that same question pero masyado nang kumalat ang tumor sa utak niya kaya mahihirapan na for operation. Pinipilit ko siyang mag pa-confine para kahit kunti humaba pa ang buhay niya pero palagi niyang tinatanggiyan 'yon.”
“Hanggang kailan nalang po ba siya?” I know na may taning siya but i don't know kung ilang taon ang ibinigay sa kanya.
“Four Months.”
Fuck!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...