Thirty Four

196 20 1
                                    

“Ikakasal na kayo ni Nolan??!!" Halos pasigaw nang sabi ni Kass nang ibalita ko sa kanya ang tungkol sa plano namin.

I'm back to school again after my break dahil sa paguwi ko ng Davao. Kasama ko ngayon sina Alonso at Kass para kumain.

Nolan is not here with us kasi huminto na siya sa pagaaral niya. Hindi ko alam kung alam na ng schoolmates namin ang tungkol sa pag stop niya o iniisip lang nilang hindi pumapasok si Nolan.

“Ssshhh! 'Di mo kailangang ipagsigawan 'yon! Gusto mong kumalat na naman 'yan sa school?"

“Nakakabigla naman kasi eh."

“I know, kung nabigla ka paano pa kaya yung schoolmates natin 'di ba?"

“Kalat naman na sa school ang relationship n'yo ni Nolan 'no. Kaya kung magpakasal kayo, ano naman? Wala na silang pakiaalam do'n!"

“Still... Si Nolan ang usapan dito." Si Nolan na sikat sa mga babae dito sa school.

“Speaking of Nolan, where is he now?" Alonso asked me.

“Well... Kasama niya ngayon ang Mom niya. Siya ang nagbabantay sa kanya ngayon. Plano rin nilang ngayon pumunta kay Mama dahil gusto tanungin ni Tita si Mama tungkol sa sakit ni Nolan."

“So... Mag me-meet na pala yung soon to be mag in-laws." Nakangising sabi ni Kass.

I shrugged. “Gano'n na nga."

Napa hinga ng malalim si Kass at tila may inalala. “I can't still believe na ikakasal na kayo. Parang dati lang wala ka namang pakialam sa kanya eh. Na bo-bore ka pa nga kapag siya lagi ang bukang bibig ko, pero ngayon... Ikakasal na agad kayo."

I chuckled. “Tama ka."

Maski naman ako eh, hindi rin makapaniwala. Hindi ko naisip na yung kinaiinisan ko laging bukang bibig ni Kass na lalake ay magiging future husband ko.

“Mabuti nalang ikaw ang natipuhan ni Nolan kung hindi baka hindi na ako napansin ni Kass." Alonso said.

Siniko siya ni Kass. “Sira ka talaga!"

I grin. “Kayo bang dalawa, nag level up na ang ligawan? Don't tell me, nanliligaw pa rin 'tong si Alonso?"

Alonso nodded with a big smile on his face. “Yup! Kami na!" Hinawakan niya ang kamay ni Kass at hinalikan ito.

“Congrats! Finally! Pero bakit ngayon n'yo lang sinabi? Kung hindi pa ako magtatanong hindi ko pa malalaman."

“Masyado ka kasing maraming iniisip ngayon kaya hindi ko pa nasasabi 'tsaka nangyari 'yon habang nasa Davao ka." Kass said.

Kung sabagay napunta lang ang atensyon ko kay Nolan nitong mga nakaraang araw.

“Gusto ko nga sanang i-celebrate natin ang pagsagot sa akin ni Kass kaso hindi naman puwede si Nolan." Alonso said.

“Bakit, ano bang celebration nag iniisip mong gawin para maging hindi puwede si Nolan?" I asked.

“Inuman sana."

“I see."

“Puwede naman siyang sumama lang at hindi uminum." Kass said.

“Puwede siguro basta hindi sa Club." Sabi ko naman.

“Sa bahay nalang!" Sabi naman ni Alonso kita ang excitement sa reaksyon niya.

“Mmm... I'll ask Nolan and Tita first 'tsaka ko kayo sassbihan." I said.

Tumango lang sila bilang tugon.

Nag ring bigla ang cellphone ko kaya napunta dito ang atensyon ko.

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon