Nakarating na kami ni Nolan sa Hotel kung saan kami mag i-stay for the whole night. Pagpark niya ng kotse, pumunta na agad kami sa reception area.
Ang totoo habang papalapit kami ng Reception, 'di ko maiwasang mahiya at maglakad lang sa likod ni Nolan. Mag che-check in kasi ako kasama ang isang lalake.
“Miss, kukuha kami ng dalawang kwarto for overnight stay.” Nolan told the receptionist.
Haay! Mabuti nalang dalawang kwarto, kung magshi-share baka hindi ako makakilos sa loob ng kwarto.
Inabot na sa'min ng receptionist ang susi ng kwarto naming dalawa 'saka naman dumiretso na agad papunta sa kwarto namin.
“Magbihis ka muna, pagkatapos mo, mag di-dinner na tayo.” Nolan told me nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko na katabi lang din ng kwarto niya.
“Sige.” Pagsangayon ko.
Binuksan ko na ang kwarto ko 'saka ako pumasok. Inilibot ko ang tingin sa paligid ng kwarto, kasing laki ito ng kwarto ko sa bahay.
Ibinagsak ko muna ang katawan ko sa kama para magpahinga muna sandali. Sa ilang oras na byahe namin sumakit ang bewang ko sa kakaupo dagdagan pa ng malamig na klima. Parang mapapasarap ang tulog ko nito mamaya.
After kong makapagpahinga sandali, nag shower din naman ako. Naging mabilis lang ang pagsha-shower ko dahil sa lamig. Sunod kong ginawa ay nag bihis at nagpatuyo ng buhok ko. Sakto sa pagtapos kong magasikaso, nakaramdam ako ng gutom.
Nakarinig ako ng katok sa labas ng kwarto ko. That must be Nolan. Nag suot na muna ako ng face mask 'saka ko binuksan ang pinto.
Covered din siya ng jacket like me at mukhang nag shower din.
Agad siyang napatingin sa suot kong face mask.
“Why are you wearing that?” He asked.
“Ahm... Kasi malamig?”
“Hindi ko makikita yung maganda mong mukha kung suot mo 'yan.”
Aaminin ko, kanina ko pa hinihintay na i-compliment niya na maganda ako. Dahil sa araw-araw nalang niyang sinasabi 'yan parang lagi ko nalang tuloy akong nag aabang sa compliment niya.
“Tatanggalin ko mamaya kapag kakain na.” I reassured him.
“Okay, shall we go?” He asked. I just nodded to him.
Naglakad na kaming dalawa papunta sa Restaurant na located lang din dito sa Hotel. Nang makarating kami, pumwesto lang kami 'saka kami nag order ng kakainin namin.
“I didn't expect na magiging ganito kalamig dito.” Kumento ko. Tinanggal ko yung face mask ko 'saka ko Inihipan ang mga kamay ko para mag warmth ito.
“Give me your hands.” He told me.
Kahit medyo nagtataka, ginawa ko naman 'yung sinabi niya.
He holds my both hands 'saka siya ang umihip dito para tulungang mag warmth ang mga kamay ko. Napatitig nalang ako sa kanya habang pinapanuod siya kasabay ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko.
Siya lang talaga ang nakaka pagparamdam sa'kin nito.
“Nilalamig ka pa ba?” He asked.
“Kunti nalang.” Mas nararamdaman ko pa ang kabog ng dibdib ko ngayon kesa sa lamig.
Dumating na yung inorder namin kaya binitawan na ni Nolan ang mga kamay ko.
“Kumain na tayo.” Sabi niya. Tumango nalang ako bilang sagot 'saka namin sinimulang kumain.
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...