I'm in the middle of reading the book By The River Piedra I Sat Down & Wept by Paulo Coelho that i borrowed to Nolan yesterday nang maramdaman kong may kumalabit sa'kin mula sa likod.
Nilingon ko ito at si Alonso ang nakita ko. Siya lang naman ang pumapansin sa'kin kaya hindi na 'ko nabiglang kakausapin na naman niya 'ko.
About na naman siguro 'to kay Kassidy.
"Bakit na naman?" Tanong ko.
"Puwede mo ba 'kong tulungang mapapayag si Kass na ligawan siya?"
"Kung ayaw niyang magpaligaw, h'wag mong pilitin. Baka mairita lang siya sa'yo kapag kinulit mo." Prangka kong sagot.
"Alam ko naman 'yon, kaya lang kasi... gusto ko talaga siya eh. Kaya tulungan mo na 'ko. Puwede ka bang maging tulay ko para kay Kass?"
I rolled my eyes. Ang kulit niya talaga. Hindi ko talaga maintindihan kung paano sila mag kasundo ni Nolan, eh magkalayo sila ng ugali.
"Oo na, sige na, tutulungan na kita! Pero h'wag kang umasang purket tutulungan kita eh papayag na nga siyang magpaligaw sa'yo."
Ngumiti siya ng malaki. "Ayos na sa'kin 'yon. Ang importante sinubukan ko. Salamat!" He tapped my shoulder, repeatedly habang ang laki ng ngiti sa labi. Napailing nalang ako sa reaksyon niya. Close ba kami?
"May isa pa pala..." Pahabol niya.
"Ano na naman?"
"Hinihingi ni Nolan number mo."
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sinabi niya. "Bakit niya hinihingi number ko?"
He shrugged. "Ewan ko nga eh, nagtataka rin ako kung bakit." Sa tono niya parang hindi talaga siya makapaniwalang gustong makuha ni Nolan number ko, na parang bakit ako ang gustong makuhanan ng number ni Nolan. Loko 'to ah! Wala pa rin siguro siyang alam na nagkakausap na kami ng best friend niya.
"Ano? Ayos lang ba?" He asked again.
"O-Oo" Medyo naiilang kong sagot.
Kinuha niya yung cellphone niya at inabot niya ito sa'kin. Agad ko naman na sinave ang number ko dito 'saka ko 'to muling binalik sa kanya.
"Salamat."
--
Busy si Kassidy sa kakapindot sa cellphone niya. Siguro text nang text na naman sa kanya si Alonso. Wala pa rin kasi sila Alonso at Nolan sa pinupwestuhan nila dito sa Open space para kumain kaya puro sila text sa isa't-isa.
"Mukhang nagkaka-interest ka na kay Alonso ah." Kumento ko.
"Not so much. He's cute rin naman and he always texting me, complimenting me through text nga lang."
"So, nagpalit ka na ng crush?"
She chuckled. "No!" Kung gano'n si Nolan pa rin talaga. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa paghingi ni Nolan ng number ko? Kung sasabihin ko naman, anong idadahilan ko sa kanya kung bakit niya 'to kinuha? Sasabihin ko bang nakakapag kwentuhan na kaming dalawa? Pero baka magtaka siya kung paano nag simula, hindi ko pa naman masasabi sa kanya kung saan at kailan nga ba kami nag simulang magusap ni Nolan.
Pero kasi nakaka-kunsensyang naglilihim ako sa kanya. Lalo't tungkol pa kay Nolan.
"Ba't biglang lumalim iniisip mo d'yan?" Tanong niya.
"Wala, may naisip lang bigla."
"Hi Kassidy!" Dinig naming bati sa kanya ng isang pamilyar na boses. Sabay kaming napatingin sa direksyon nun at si Alonso at Nolan ang nakita namin.
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...