Twenty

1.3K 59 11
                                    

“What are you doing here?” I asked him sa paglapit ko sa kanya.

“Nandito ako para sunduin ka.”

“Why? 'Di ba, iniiwasan mo 'ko?”

Napakunot noo siya. “Iniwasan kita? Kailan?”

I guess, inatake na naman siya ng sakit niya. He doesn't remember na iniiwasan niya 'ko, ibig bang sabihin nito pati 'yung confession ko nakalimutan na rin niya?

Pilit akong ngumiti. “I'm just kidding.” Ayokong mahalata niyang inaatake na naman siya ng sakit niya.

Binuksan niya ang pinto sa passenger seat. “Sakay na.”

Sumakay nalang ako at hindi na nagtanong pa. Sa pagsakay niya sa kotse niya, sinimulan na agad niya ang pagmamaneho.

Habang na sa byahe kami, hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang. Kung siya hindi niya maalala 'yung pagiwas niya sa'kin, ako naaalala ko 'yon. Gusto ko siyang tanungin kung bakit kailangan pa niyang umiwas at kung puwede mag stay kami as friends kahit na ni-reject niya 'ko basta nasa tabi niya lang ako. Ayos na sa'kin 'yon. Kaya lang, hindi ko siya magawang tanungin ngayon.

“Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?” He asked.

“Saan nga ba?”

“Sa Unit ko.”

“Anong gagawin natin do'n?”

“I just want to show you my place.”

Pero nakapunta na 'ko do'n, ibig bang sabihin nun hindi niya rin 'yon naaalala?

“Ah gano'n ba.” Sinakyan ko nalang.

Nang makarating kami sa Condominium niya, pinark lang muna niya 'yung kotse 'saka kami sabay na bumaba at naglakad papalapit ng elevator.

Sa pagbukas ng elevator, sumakay din naman agad kaming dalawa. Tahimik lang dahil baka bigla kong mabisto na nakapunta na 'ko dito at hindi niya lang 'yon maalala.

Sa totoo lang masaya ako sa nagyayari ngayon dahil nakakasama ko siya. Namiss ko nga talaga 'to.

Nang dumating kami sa tamang floor, lumabas kami ng elevator at naglakad palapit sa Unit niya.

Sa naaalala ko, sobrang kabado ako noong dinala niya 'ko dito, kung anu-ano pang iniisip ko pero ngayon, tuwa lang ang nararamdaman ko.

Binuksan na niya yung pinto ng Unit niya 'saka siya nag lead sa'min papasok dito.

“Nagugutom ka ba?” Tanong niya sa'kin sa pagdating namin sa sala.

I nodded. “Parang gusto kong kumain ng Paella. Marunong ka bang magluto nun?”

“Oo naman! 'Yon kaya specialty ko.” He grins making me smile.

Alam ko 'yon. Hindi 'yon ang i-re-request ko kung hindi. Gusto ko sanang sabihin 'yon, 'di ko lang tinuloy.

“Sige, tignan natin kung masarap kang magluto.”  Sabi ko.

“I'll just change my clothes.” Sabi niya.

Tumango lang ako bilang tugon. Naglakad na siya papunta sa kwarto habang ako naman ay, umupo nalang muna sa sofa.

After ng ilang minutong paghihintay ko, lumabas na siya sa kwarto habang nakatitig sa'kin. Bahagya lang akong ngumiti bilang tugon sa tingin niya.

Naglakad siya papalapit sa'kin, lumuhod sa harap ko at bigla akong niyakap sa bewang ko na ikinabigla ko.

“N-Nolan?” Tawag ko sa kanya na may pagtataka sa ginawa niya.

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon