Tapos na 'kong mag prepare para sa pagalis namin sa Hotel.
Late 'ko nakatulog kagabi dahil sa pinagusapan namin ni Kassidy kagabi. Iniisip ko kung dapat bang iparamdam ko na kay Nolan ang feelings ko o itago nalang 'to? Natatakot kasi akong baka imbes na nasa tabi niya lang lagi ako kahit bilang kaibigan lang baka palayuin niya ako kapag nalaman niyang may gusto na 'ko sa kanya.
Ayokong mangyari 'yon. Gusto ko siyang bantayan, gusto ko siyang makasama sa mga natitirang panahon niya sa mundo. Siguro nga mas okay na 'wag na munang sabihin. Mas okay na muna 'to.
Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto. I know it's Nolan.
Binuksan ko ang pinto at ngiti niya agad na talaga naman nakakabighani ang una kong napansin. "Ready to go?" He asked.
I nodded. "Oo."
"Okay, tara na!"
Lumabas na 'ko ng tuluyan sa kwarto ko na bitbit ang bag ko. Kinuha naman agad sa'kin 'to ni Nolan 'saka niya ito binuhat.
Dumiretso kaming dalawa sa reception para mag check out. Nolan paid the bills for us. Like what he told me, sagot niya lahat. Medyo nakakahiya nga dahil wala manlang akong ginastos kahit piso sa gala namin.
Lumabas kami ng Hotel after magbayad 'saka kami pumunta sa parking. Naglakad kami papunta sa kotse niya, nilagay na muna niya yung bag namin sa backseat 'saka kami sabay na sumakay.
"Burnhampark, here we come." He said as he started the engine. Napangiti lang ako sa sinabi niya.
"Hindi ka ba nabitin sa pagpunta natin dito?" He asked me.
"Hindi." Totoo 'yon. Kasama ko naman siya eh kaya bakit ako mabibitin?
"Really? Ako kasi nabitin, kagabi lang tayo dumating pero aalis na agad tayo ngayong araw."
"Kung gusto mo, bumalik nalang tayo sa bakasyon."
He chuckled. "Sana buhay pa 'ko nun." Parang nagbibiro lang naman siya pero ewan ko ba, hindi ko 'yon nagustuhan. Nasasaktan ako kapag sinasabi niya 'yan, pinapa-realize kasi sa'kin nito na malapit na nga talaga siyang mawala.
"Buhay ka pa nun! Sigurado ako!" Sabi ko na punong-puno ng tiwala na maayos pa siya kapag dumating ang bakasyon.
He half a smile, sensing my thought. "Okay. Babalik tayo dito sa bakasyon."
Ngumiti ako dahil sa sinabi niya.
Sinimulan na namin ang byahe papunta sa burnhampark. Sa pagdating namin hindi pa gano'n karami ang tao, siguro dahil medyo maaga pa. Naghanap lang muna si Nolan ng mapaparkingan ng kotse niya. Nang makahanap siya, sa pagpatay niya ng makina nag suot naman ako ng face mask.
Sabay kaming bumaba ng kotse.
"Haay! Nag suot ka na naman ng face mask." Sabi niya nang mapansin niyang may harang na naman ang mukha ko.
"Pagbigyan mo na 'ko kahit ngayon lang."
"Pero hindi ko---"
"Nakikita yung maganda kong mukha. Alam ko." Ako na ang tumapos sa sasabihin niya na nagpangiti sa kanya. Nag suot lang ako ng mask dahil ayaw ko lang na pagtinginan ako mamaya ng mga tao dahil sa peklat ko.
"Pati na rin ang maganda mong mga ngiti." Dagdag niya.
"Alam mo yung pangbobola mo, ibang level na."
He laughed. "I'm just stating the fact."
"Anyway, let's go!"
"Hindi mo talaga tatanggalin 'yan?"
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...