Araw nang pamamanhikan ngayon... Dumating na ang Papa ni Nolan mula sa States at tulad ng sabi niya sa pagdating nito ay mamamanhikan na sila. Kasama sa pamamanhikan ang Mom ni Nolan at kapatid nito.
Nandito rin si Papa para makilala na raw niya ang lalakeng gusto akong pakasalan. Mag i-stay siya dito sa Manila hanggang dumating ang kasal. Sa ngayon sa kamaganak namin siya nakikituloy habang nandito siya.
Sa gitna nang pamamanhikan nag pasalamat ang mga magulang ni Nolan sa parents ko para sa pagpayag na maikasal kami. Alam nilang ito ang isa sa makakapagpasaya kay Nolan kaya gano'n nalang ang pagpapasalamat nila.
Sa totoo lang wala namang dapat ipagpasalamat dahil, kagustuhan ko rin na makasal sa kanya.
Hindi rin naman maiiwasang pagusapan ang tungkol sa kasal namin. Inasikaso na namin ni Nolan ang papers na kailangan para sa pagpapakasal namin. Mostly ako lang talaga ang umaasikaso, sinasama ko lang siya kapag kailangan ng presence niya. Ayaw ko kasi na mapagod pa siya sa pagaasikaso lang ng papel namin. Lalo pa't napapadalas na siyang atakihin ng sakit niya.
In two weeks ikakasal na kami naging mabilis lang ang preparation dahil kilala naman ni Mama ang Judge na magkakasal sa amin ni Nolan.
Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil supportive sila sa desisyon namin ni Nolan.
Gabi na nang matapos ang pamamanhikan ng pamilya ni Nolan, they decided na umuwi na. Hinatid ko lang sila hanggang sa labas.
“You must be tired. Magpahinga ka na." Nolan told me. Hindi pa siya sa sumasakay sa kotse na dala nila.
I shake my head. “Hindi naman, wala naman akong masyadong ginawa 'no. Nakinig lang naman tayo sa paguusap nila."
He chuckled. “Tama ka."
“Tawagan mo ako kapag nakauwi na kayo." I told him.
“I will." He said nodding. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge 'tsaka ako hinalikan sa forehead ko.
I chuckled. “Sira ka talaga. Nandyan lang sila Tita oh!" Pagsuway ko sa kanya.
He smiled down at me. “Ano naman? Magiging asawa naman na kita ah?"
“But still nakakahiya sa kanila."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at muli akong hinalikan sa forehead ko.
“Kanina ko pa 'to gustong sabihin, you look beautiful today." He said after the kiss.
I smiled, weakly. Those words... He never fails to make me feel na maganda ako. Siya lang talaga ang unti-unting nagbalik ng confidence ko. Though hindi siya bumalik ng kumpleto pero at least bumalik kahit kaunti lang. Pero siguradong babalik lang ulit sa dati na mabawasan ang confidence ko kapag nawala na siya.
“What are you thinking?" He asked.
Huminga ako ng malalim. “Naisip ko lang. Sino na mag sasabi sa akin araw-araw na maganda ako kapag nawala ka na?"
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan nang bahagyang pagaalala.
“For sure meron ulit magsasabi sa'yo nun. Though i wish ako nalang 'yon pero... We can't change my destiny." I don't think makakahanap pa ako ng tulad niya, na magagawang iparamdam sa akin na maganda ako sa kabila ng peklat ko sa pisge.
He hugged me. “Para hindi ka na magaalala, i-re-record ko ang mga salitang 'yon para may mapakinggan ka."
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso siya. Isa lang ang sigurado, mukhang se-seryosohin niya 'yon.
I tapped his back. “Hinihintay ka na nila Tita." I told him.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa labi. “Magpahinga ka 'pag alis namin." Bilin niya.
“Tutulungan ko lang si Mama sa paglilinis tapos magpapahinga na ako."
“Okay."
Naglakad na siya pasakay ng kotse. Pag andar ng makina, pinanuod ko lang sila hanggang sa makaalis sila.
Pumasok na din naman ako sa bahay para makatulong na ako sa paglilinis kay Mama. Pagpasok ko naabutan kong tinutulungan na ni Papa si Mama sa paglilinis.
“Nakaalis na sila?" Tanong ni Papa sa akin. Habang pinupunasan ang lamiseta.
“Opo."
“Mukhang mabait si Nolan." Papa comments.
“He is nice." I replied.
“What do you like about him?" Medyo na bigla ako sa tanong niya. Hindi ko kasi inaakala na magtatanong nang ganyan si Papa.
“Well uhm... Except syempre dahil sa gwapo siya. He brought back some of my confidence na nawala after ng insident na nanyari sa akin. Siya lang ang nakagawa nun. He always makes me feel beautiful lalo na sa mga araw na hindi ko maramdaman na maganda ako, lagi parin niyang pinapaalala na maganda ako sa kabila ng pagkakaroon ko peklat sa pisnge. He also understands me and... he loves me." Honestly the list is endless.
He smiled fondly. “Well, i guess hindi ako magsisisi na payagan nga siyang pakasalan ang nagiisa kong Prinsesa."
Ngumiti lang ako bilang tugon sa sinabi niya.
“Sige na, magpahinga ka na." He told me.
“Tutulong lang po muna ako sa paglilinis."
“Hayaan mo na akong tumulong sa Mama mo. Para makapag bonding naman kami." He jokes.
I giggled. “Okay po."
Umakyat nalang ako papunta sa kwarto ko since 'yon ang sinabi ni Papa sa akin at para mahayaan na nga silang mag bonding. Kung mag bo-bonding nga sila.
Pagpasok ko ng kwarto si Nolan agad ang naisip ko. Gusto ko sana siyang tawagan kaso alam kong nasa byahe pa sila dahil kakaalis lang naman nila.
I decided na mag shower nalang muna habang hinihintay ang tawag ni Nolan sa akin. Gusto ko muna siyang makausap bago ako mag pahinga talaga ng tuluyan.
After kong mag shower nag patuyo na rin ako ng buhok ko. Pag tapos ko, pumwesto naman agad ako sa kama habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Nag hihintay pa rin ako ng tawag mula sa kanya.
Hindi rin naman nag tagal ang paghihintay ko dahil nag ring na ang cellphone ko.
“Hello?"
“Hello my love, nakauwi na kami. Tulad ng sabi mo tawagan kita kapag nakauwi na kami kaya tinawagan agad kita."
I giggled. “Masunurin ka talaga."
“Syempre naman!"
“Ano nang ginagawa mo ngayon?"
“Nakahiga sa kama. Tinatamad pa akong mag bihis eh. Ikaw?"
“Nakahiga din."
“Mmm... Hindi ko na mahintay na makatabi ka araw-araw sa kama."
“Two weeks nalang my love. Unting tiis pa." Ang totoo hindi ko na rin mahintay na makatabi siya araw-araw.
“Magpahinga ka na. Magbibihis na rin ako." Sabi niya.
“Okay. Hinhintay ko lang talaga na tumawag ka bago ako magpahinga."
“Goodnight!"
“Goodnight my love, mahal kita!"
“Mas mahal kita."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Bye Bye, My Love
RomanceAksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni Nolan na wala siyang pagsasabihan nang tungkol sa sakit niya. Pero dahil sa lihim na tinatago nilan...