Thirty Eight

636 23 9
                                    

I'm looking myself in the mirror with a smile on face. I'm wearing my simple white wedding dress and a plain make up.

Nakapusod ang buhok ko kaya hindi matatago kahit bahagya lang ng buhok ko ang peklat ko. I don't mind anyway. I know mas preferred ni Nolan ang ganito.

I'm feeling so happy kasi finally ito na ang araw ng Wedding namin ng nagiisang lalakeng minahal ko at tingin ko ang tanging lalakeng mamahalin ko lang.

Isang Intimate Civil Wedding ang plinano namin na gaganapin sa isang Restaurant.

Ang tanging invited lang sa kasal namin ay ang family at ang dalawa naming matalik na kaibigan na sina Kassidy at Alonso.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko na bumasag sa pagtingin ko sa sarili ko sa salamin.

Naglakad ako papalapit ng pinto at binuksan ito. Ang gwapo kong Papa ang nakita ko.

"Aalis na tayo. Handa ka na ba?" He asked.

Tumango ako. "Opo! Handang-handa na!"

“Kung gano'n, tara na! Baka ma-late pa tayo!"

“Sige po." I answered smiling.

Lumabas na kami ng kwarto at bumaba papuntang sala kung saan nando'n ang maganda kong Mama.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. “You look beautiful, sweetheart." She compliments.

“Thank you, Mom." I answered shyly.

She hugs me. “I really can't believe na ikakasal ka na. I'm happy for you!"

“Thank you for letting me marry Nolan."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mga mata ko. Teary eye siya. “Hindi mo kailangang magpasalamat as long as it will makes you happy, i will support you."

Ngiti lang ang naisagot ko. Mom really supported me and always na nandyan for me lalo na noong nag attempt akong mag suicide. Mabuti nalang pala talaga hindi natuloy ang suicide attempt ko noon kung hindi, baka hindi ko na nakilala si Nolan.

“Let's go! Mamaya na ang iyakan sa Wedding." Dad said more like teasing Mom.

“I'm not crying." Mom told him.

Maramahan akong napatawa dahil sa usapan nila.

Sabay-sabay na kaming nag lakad palabas ng bahay at dumiretso kami sa kotse ni Mama para 'yon ang gamitin papunta sa Venue ng kasal.

Hinayaan ni Mama na si Papa ang mag maneho para sa amin. Nakaupo si Mama sa passenger seat habang ako naman ay nasa backseat habang nakangiti na nakatingin sa mga magulang kong masayang nag bibiruan habang nasa byahe.

Matagal na nang huli ko silang nakita na magusap nang ganyan ni hindi ko na nga maalala kung kailan sila nag usap na parang hindi mag ex eh. Komportable lang sila sa isa't-isa.

Nakadagdag ito sa nagpapasaya sa akin ngayong araw.

Finally nakarating na kami sa Venue ng kasal. Pinark lang ni Papa ang kotse 'tsaka naman kami bumaba at dumiretso sa pagpasok ng Restaurant kung saan sinalubong kami ng parents ni Nolan.

“You look beautiful, hija." Tita said with a smile.

“Maraming salamat po." Tumingin ako sa paligid at at nakita kong papalapit sa direksyon namin si Kass at Alonso.

Nag excuse lang ako sa future mag in-laws 'tsaka ako lumapati sa kanilang dalawa.

“Hey!" I said to them.

“Wow! You look beautiful, my friend." Kass said.

“My baby is right!" Alonso agreed. “Ikaw lang pala talaga ang makakabihag kay Nolan." He added making me giggle.

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon