Simula

310 9 0
                                    


Simula

"Kabitin! Ito ba yung sinasabi nilang sembreak? Long weekend lang 'to e!" sumubo ng pancit canton si Brooklyn. Nakapatong ang kanyang paa sa couch sa kwarto ko.

Araw ng Linggo ngayon at bukas ay babalik na ulit kami sa school. We just had our second quarter examination last week. Grabe nakakadugo sa ulo ang ABM. Pumasok na nga akong bobo ngayong school year tapos mas lalo lang pinarealize sa akin ng ABM na may ikakabobo pa pala ako.

Hindi naman sa totally bobo ako o walang alam. Average student lang ako, always between 88-90 ang general average ko sa report card, so it is fairly good enough. STREAK lamang ang katapat niyan: sipag, tiyaga, reklamo at kopya !

Pero ngayon parang wala nang ibubuga ang tatlong STREAK kaya kinakabahan ako sa magiging results ng exams namin bukas. Sana kung may babagsakan man akong subject, hindi magrequire ang subject na 'yon ng signature ng magulang. Gusto kase nila mama at papa na nakikita ang test papers naming dalawa ni Gwyneth. Hindi sa ibinababa ko ang kapatid ko pero medyo comforted ako na same lang kami ng level pagdating sa acads kaya hindi kami naikukumpara ng parents namin sa aspeto na 'yon.

But one thing we are being compared about a lot is our looks. Tisay at makinis si Gwyneth, yung mapagkakamalan mo siyang modelo galing sa ibang bansa dahil sa ganda. Ako naman ay morena, may pimples tapos bansot pa. Mas matanda ako kumpara kay Gwyneth pero mas matangkad siya kaysa sa akin. Nasa 5'2 lang ang height ko.

"Akala mo ba hindi ko napapansin na dinadaan mo lang kami sa daldal para sa'yo mapunta lahat ng pancit? Pahingi ako!" hinablot ni Madison ang malaking bowl mula sa kamay ni Brooklyn.

"Dahan dahan naman! Hindi pa napuputol yung noodles oh!" punong puno ang bibig ni Brooklyn. Pinagpagan niya ang couch na inuupuan niya "Yan tuloy, nadikitan yung couch! Pag tayo nahuli, kay Mildred ka magpapaliwanag!"

Humagalpak ako ng tawa dahil sa paggamit ni Brooklyn ng first name basis sa mama ko. Pero kapag nakaharap naman si mama sa kanya ay tiklop.

It's an inside joke between us three. Kapag kami na lamang ang magkakasama ay pangalan mismo ang itinatawag namin sa magulang ng isa't isa sa halip na tita o tito.

"Sa amin na 'to ni Catherine ha?! Sa susunod nga dapat may timbangan na tayo para hati hati tayo sa pancit. Hindi pwede tayong mag isang plato at dinadayaan tayo ni Brooklyn."

Hindi man ito ang standards sa pagkain ng mayayamang pamilya, pancit canton talaga ang obssession naming tatlo.

"Hay grabe ang sarap talaga rito," bumuntong hininga si Madison at dinama ang lambot ng kamang hinihigaan niya, AKA kama ko.

Humalukipkip ako at ipinalipat lipat ang tingin sa dalawang kaibigan. Si Brooklyn na nasa couch at si Madison na nasa kama ko. Pagkatapos ay ibinaba ko ang tingin sa aking sarili, ako ang nakaupo sa sahig.

"Grabe! Bahay ko talaga 'to! Ang galing!" pumalakpak pa ako ng malakas para sa dalawa. Standing ovation talaga ang kawalang hiyaan ng mga kaibigan ko. Hindi ito ang unang beses na tumambay sila sa bahay at umastang sila ang may ari.

Dinedma ako ng dalawa at nagkanya kanya ng paggamit ng cellphone nila. Mabuti na lang din at narito sila. Masyado kasing tahimik sa bahay. Si mama at papa nasa opisina tapos si Gwyneth naman ay may shoot. Madaling magkaroon ng raket sa mukha na mayroon si Gwyneth. Maliban sa matunog ang apilyedo namin, kulay pa lamang ng balat niya ay kuhang kuha niya na ang loob ng modeling agencies.

"Oh my gosh! Pres hottie finally came home," biglang tumayo si Madison mula sa kama ko at mas tinitigan ang cellphone niya

Kumunot ang aking noo

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now