Capture 29: Breach

148 11 0
                                    

Capture Twenty Nine

I've been signed as a model in Illustrious for two months now. My projects are mostly fashion endorsements. First time ko magkakaroon ng runway bukas. I got casted for the Panasonic Manila Fashion Festival

Nakapikit ako nang mariin habang pinakikinggang kumukulo ang tiyan ko. I skipped dinner dahil magfafasting ako for tomorrow's show. I feel like I'm the most out of shape out of all my co-models. In illustrious, they require us to go on diets. I almost fainted the first time I tried.

The door to my room opened. Mama's here to make me eat again. I almost rolled my eyes. HIndi naman sa naiinis ako sa concern ni mama. More like, sa bawat pilit ni mama ay natutukso ako na ibasura na lang itong fasting ko.

"Mama, hindi po ako kakain. May runway ako bukas," nakapikit ko pa ring sabi kay mama. Nakatalikod ako sa kanya. Kung haharap kase ako sa pinto, pakiramdam ko'y maaamoy ko lalo ang ulam namin.

"That's not a diet anymore, baby. You're killing yourself," ang malalaking yabag niya ay papalapit.

Iminulat ko ang aking mata at umupo sa aking kama. Isaac is here!

"Love!" I squealed and stood on the bed so I could reach him when I give him a hug.

He released an 'umph' sound when I jumped him. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg.

"Oh! I missed you,love!" I kissed his cheeks. "Bakit pumunta ka pa dito? Diba sabi mo you're tired? Kakatapos mo lang sa work. Sabi ko naman okay lang kahit bukas na."

"I miss my baby. And of course I want to give you a goodluck for your first runway," he pecked my lips. I smiled between his kisses.

"Ang gwapo naman ng love ko," I cupped his face. "Kaya ang daming galit sa akin eh."

Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Stop using your charms on me. You're trying to divert the topic."

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Pinabagsak ko ang sarili ko sa kama at tinalikuran siya. Tinabunan ko ng kumot ang sarili at ngumuso.

"Baby what's wrong?" lumubog ang kama dahil umupo siya. Sinubukan niyang alisin ang kumot ngunit mas diniinan ko ang hawak para hindi niya magawa.

"Hindi ka talaga pupunta rito 'no? Nagsumbong lang sa'yo si mama," saad ko sa nagmamaktol na boses.

He barked a laugh and took my unguarded state to his advantage. He pulled the blankets off me and leaned his face close to mine.

"No really. Pupunta talaga ako rito kanina. I couldn't end the day without seeing you," pinadaan niya ang kanyang kamay sa aking pisngi. "And you need to eat."

"Love naman eh! Pati ba naman ikaw?" Ipinatong ko ang binti ko sa katawan niya. "Ayaw ko! I'll get fat tapos pagagalitan nanaman ako ng management. They'll say I'm slacking off or I don't take care of my body."

"When is the last time you ate today?" he asked.

"Hmm... breakfast. Before ako pumasok ng Austra."

"Uh-huh, I assume you just had a protein bar for breakast," he accused.

I shook my head. "Nope! Not just a protein bar. Two protein bars!" ipinakita ko pa kung ilan gamit ang kamay ko habang nakangiti nang malaki.

"Then you worked for the whole day. A fasting is not necessary," sermon niya sa akin.

Ngumuso ako. "One time lang ito. I promise! Mas pagpaplanuhan ko na yung mga next diet ko."

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now