Capture 16: God, You're Beautiful

115 8 0
                                    

Capture Sixteen

"Let's go?" pagkuha ni Isaac sa aking atensyon.

Tinignan ko ang windows ng sasakyan at nakitang nakatigil na kami sa may parking area. Napapikit ako sa kahihiyan. Hindi ko alam kung kararating lang ba namin o ilang minuto pang naghintay si Isaac habang nasa malalim akong pag iisip.

It took me moments before responding. "Tara na."

Binuksan niya ang pinto ng van. Siya kase yung nasa tabi ng door kaya siya rin ang naunang lumabas. Matulin akong sumunod sa kanya upang maiwasan ang pag aalok niya ng kamay sa akin para tulungan akong bumaba.

Kung napansin man ni Isaac ang aking pagmamadali ay hindi na siya nagkomento. Isinarado niya ang kanilang van at nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng RMM.

Ginamit ko ang aking palad upang maharangan ang mata sa sinag ng araw. Tirik na tirik kase ito.

"We should have brought an umbrella. We'll do it next time," ani Isaac.

"Di na kailangan. Meron pa ba ako ikaiitim? Hindi bagay sa mga panget ang nag iinarte," humalakhak ako at ipinakita sa kanya ang braso ko.

His eyes flicked to my skin. I almost jumped out of my skin as he did.

"You should stop listening to Benjamin and Mason. You're morena and beautiful. I love morena on you."

My flesh crawled with sparks of electricity. Excitement fluttered deep in the pit of my stomach as he spoke the words.

Nahinto ako sa pagsasalita at pinamulahan ng pisngi. He smirked.

He's my friend after all. Of course he won't let me speak bad about myself. And I appreciate that.

Nang makapasok kami sa RMM, hindi na nagulat ang receptionist na naroroon siya. She actually looked like she expected his visit.

"Sabi po ni ma'am Clementine, siguraduhin niyo raw pong dumaan kayong dalawa sa kanyang office bago ang photoshoot," she smiled at Isaac at nodded to me.

Ngumiti ako nang tipid.

"Si mama talaga," Isaac chuckled. "This was supposed to be a surprise and she immediately knew."

We went inside the elevator. Tingin ko'y nasa third floor ang office ni ma'am Clementine dahil number three ang button na pinindot ni Isaac.

Nanlamig ang kamay ko sa ideya pa lang na aware si tita Clementine na kasama ako ni Isaac.

"U-uh... o-okay lang kaya kay tita na.... ako ang kasama mo?" a stammer leapt nervously to my throat.

He gave a dismissive shrug of shoulders. "I don't see why being with you would be a problem."

"Eh syempre, hindi naman ako ang kapatid ko. You know? Ang weird lang na ako yung kasama mo pero hindi naman ako ang fiance mo," I kept blabbering things that I didn't notice how off it came out.

A grin of amusement flickered at the edge of his mouth. His eyebrows shot up. He tapped his foot, acting like he's thinking.

"Why? Do you think we should do something about it?" he asked. Para bang isa itong malaking problema na nangangailangan ng solusyon.

I thought he was done with the subject ngunit ilang sandali lang ay inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

All the color receded from my cheeks. Pinigilan ko ang kanyang dibdib dahil kung hindi ay sosobra ang lapit ng mga mukha namin.

"Should I make you my fiance? You want to be my wife? Hm?"

My head was spinning that I could hardly think. I fiercely shook my head. Isaac flung back his head in laughter.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now