Capture 18: New Life

116 9 0
                                    

Capture Eighteen

Nasa labas ako ng aming bahay. Pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan. Ngayon lang uli kase sila dumami. It's been cloudy in the past few days, so you can barely see anything.

I hit my arm and stomped my fit to keep the insects from getting close to me. Kanina pa kase itong dapo nang dapo sa balat ko.

"Ano ba yan?" reklamo ko sa iritadong boses. "Hindi na ako makatingin nang ayos. Kanina pa to!"

Sinubukan kong patayin ang mga lamok ngunit mabilis ito masyado. O baka naman hindi lang talaga ako marunong pumatay ng insekto. Ang mga taga rito nga ay ang bibilis ng kamay. As if they've dealt with mosquitoes every day that it became easier to them.

A pair of hands clapped in front of me, getting rid of the mosquito for me. Tumingin ako sa aking kanan at nakita si Fabio. He's wearing a jersey sando and shorts. May bitbit pa siyang balabal. Ibinuka niya ito mula sa pagkakatiklop at ipinalibot sa aking balikat.

"Oh ayan na, senorita. Para wala nang istorbo. Arte mo," he teased. "Ganyan ba talaga kapag mayayaman?"

I snorted. "Iba naman ang maarte sa pagiging cautious. You'll never know kung dengue pala 'yang lamok," maarte kong sagot.

"You'll never know," he made a face as he imitated me.

My face twisted into a displeased expression.

"Bakit ka ba nandito, kalansay?" tanong ko.

"Syempre dito ako nakatira. Por your inpormation, ako ang nauna dito. Dito ako pinanganak. Kung makatanong ka eh ikaw naman ang bago rito," umiling iling pa siya.

"It's for your information," diin ko sa letrang 'f'. "Hindi inpormation. Get your pronunciations right,"

Inirapan niya ako. "Kalansay ka nanaman diyan. Lakas mong manermon sa akin tungkol sa color shaming tapos ikaw nangbabody shame ka naman."

Tinaasan ko siya ng kilay. My mouth twitched.

"Oh anong akala mo, di ko alam 'yon?" may yabang sa kanyang boses. "Magaling akong mag english!"

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya at dinedma siya. May mga araw na nagkakausap kami ng matino, pero bihira lang 'yon. Kadalasan ay puro kami bangayan at asaran. Nasanay na lamang din ang mga kapitbahay sa eksena namin araw araw.

Mabait naman si Fabio. Naaalala ko nga sa kanya si Benjamin. Kaya minsan, kahit na sumosobra ang pang iinis niya sa akin ay hindi ko maiwasang matawa sa kanya.

"Kinakabahan ka bukas?" tanong ni Fabio.

Buwan na ng Enero ngayon. Huling araw na ngayon ng Christmas break. Bukas ay babalik na uli sa eskwela. In my case, papasok na sa bagong paaralan.

"H'wag kang mag alala. Sasamahan naman kita bukas. Pero maghanda ka na ha. Marami raming babae rin ang aaway sa'yo. Syempre maraming nangangarap na makasama ako sa school," he bragged.

"Hm? Duda ako," pambabara ko sa kanya. "Pag nalaman lang nilang nabubulol ka pa sa p at f pag nag eenglish matturn off sila sa'yo."

Sinimangutan niya ako.

"Alam mo ikaw, ang basher mo sa akin. Bitter ka noh? Issue sa lalaki?" pang uusisa ni Fabio. He hit my shoulder with his.

Umiling ako. "Sa itsura kong ito, papasok pa ba sa isip ko ang mga ganyan? Hindi bagay."

"Love has no pace. Only peelings!"

Napapikit ako sa mga sinasabi ni Fabio. I don't know if I can take his advices seriously when he speaks like that. Tinutulungan ko naman siya sa kanyang pronunciation. Kaya lang ay hindi niya pa rin nakukuha.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now