Capture 15: Look At Yourself And Everyone Around

99 5 0
                                    

Capture Fifteen

Simula nang dumating si Nova sa buhay namin. Or in mama's case, bumalik uli sa buhay niya. Naging madalas ang pag-aaway nila ni papa.

I don't know what their fights are about. Naririnig ko lang ang malalakas nilang boses mula rito sa aking kwarto. At sa dumadaang araw, mas lalong tumitindi ang pagpapakita ni Gwyneth ng pagkamuhi sa akin.

This home never had peace this month. Hindi namamatay ang away at sunod sunod na issues sa aming pamilya. Minsan nga'y gusto ko na lang bumukod para sa sariling peace of mind. I feel like staying here did not just affect my mood but has affected me as a friend, as a student and as a person.

I space out a lot in class. Kailangan pa akong bigyan ni Isaac ng review at the end of the day para lang makacatch up ako sa mga impormasyon na hindi ko napakinggan, because I was too preoccupied. Hindi na rin ako good listener sa mga kaibigan ko. Sa tuwing magkukwento sila, sa halip na magbigay ako ng mga side comments tulad ng nakasanayan, tumatango lang ako ng tumatango.

"It's December seventeen today, Lilly Catherine," bulong sa akin ni Isaac.

Ibinaba ko ang tingin ko sa aking papel. I put sixteen instead of seventeen. Pinunit ko ang aking yellow pad para makapagsimula ng panibago sa blangkong page. I feel like nothing in my life is moving forward. Pakiramdam ko'y bumabalik ako nang bumabalik sa nakaraang araw dahil ganoon pa rin naman ang nangyayari.

This is our last activity for Personal Development subject bago kami mag christmas break. Snap out of it for a moment, Lilly Catherine. Last naman na ito.

Nilaro laro ko na lang ang mga sagot ko sa questions. I can't think straight right now. Basta ay natapos ko na at tingin ko'y katanggap tanggap naman ang sagot ay hindi ko na kailangan magpaka miss universe sa ganda ng answer.

"Do you get enough sleep, these days, Lilly?" nakatingin si Brooklyn sa kanyang sinusulat habang tinatanong ako. "Parang palagi kang inaantok."

Ngumuso ako at mas lalong sumiksik sa aking bag na ginawa kong unan. Iginala ko ang mata ko sa aking mga kaibigan. Just a few months more and I'll be leaving them. Parang kay hirap makasanayan ng ganon. Buong buhay ko ay sila na ang mga taong nasa paligid ko.

Sabi nila, hindi naman daw high school friends ang magiging kaibigan mo habangbuhay. SIguro ay ganoon na nga. Kapag umalis ako rito ay makakahanap sila ng iba pang maaaring kaibiganin. But will I ever find people like them in this life time? I think not. So I would savor being in the presence of these important people in my life while I can.

Ibinaling ko ang aking ulo sa kabila, kung saan masisilayan ko si Isaac. Nakakunot ang kanyang noo habang sumusulat ng sagot. I like seeing him in his intelligent state.

Makakahanap pa rin kaya ako ng ibang taong magugustuhan? Siguro. This is just infatuation, right? Ngunit nagtagal ito ng limang taon kaya hindi ko alam kung tama ngang infatuation lang. O baka naman dahil magkaklase kami sa loob ng limang taong 'yon. Siya ang nandiyan sa malapit kaya sa kanya rin ako nagkagusto.

He raised his brow. "What do you need?"

I shook my head. "Wala naman. Don't mind me."

Gusto ko lang siyang matitigan nang mas matagal. I'm still thanking the heavens for letting me experience what it's like to be this close to Isaac, even for a short time. It took five years for me, those were long waiting years. Dapat nga akong magreklamo dahil, bakit limang buwan lang ang kapalit ng lahat ng ito? But I'm still grateful.

Maybe the heavens knew that I wouldn't be able to get over him if I don't get my chance. The universe isn't bad to me after all.

To the woman who will like Isaac even more than I did. You're making the right decision. Because he's perfect.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now