Capture 17: Reunited

215 12 0
                                    

Capture Seventeen

Her eyes blazed with hopelessness. Like there was no way out of this confrontation.

"What do you mean, mama?!" I exclaimed, feeling a sob rising in my throat. Hot tears welled in my eyes.

Words seem to catch in her throat. Hindi makapagsalita si mama. Hindi ko alam kung humahanap siya ng tamang salita o ayaw niya talagang magpaliwanag.

Papa came running down the stairs to see what the commotion was all about. Napatigil siya nang makita ang ekspresyon ni mama. A look of understanding flashed in papa's eyes. Na para bang alam niya na ito lang ang kaisa isang bagay na magsasanhi ng pagkakaganito ni Mildred Austria.

"Anak..." sinubukan ni papa na lumapit sa akin ngunit pinigilan ko siya.

"Pa, ano po bang itinatago niyo sa akin?" I choked. "Please, sabihin niyo na! Because I'm tired of always not knowing! For being kept in the dark. Wala ba kayong tiwala sa akin? Hindi sarado ang utak ko para pagtaguan ng ganito!"

I wiped my tears with the back of my hand. I sniffed. Papa looked so torn. Nakokonsensiya dahil sa mga sinabi ko ngunit ayaw ring tibagin ang paninindigan.

My eyes darted to mama who was still frozen in her place.

I shut my eyes and sighed. "Sabi niyo ho sa akin. Katulad ako ng nanay ko. Sinasabi niyo po bang hindi ikaw ang nanay ko?"

Something between a laugh and a sob came out of my throat. "Kaya pala," tumango tango ako. "It all makes sense now. Simula sa itsura, halata na nga. Kaya pala hindi pwedeng nasasapawan si Gwyneth. Dapat maging maligaya si Gwyneth. Si Gwyneth pwedeng gawin ang gusto niya. Suportado sa mga bagay na magagaling siya. Samantala ako, school, bahay tapos sunod sa inyo. Yun lang ang ginawa ko sa buong buhay ko! Gwyneth, Gwyneth, Gwyneth. Puro na lang Gwyneth!"

Mapakla akong ngumiti. "Pero alam niyo?" ipinalipat ko ang tingin ko kay mama at papa na sa akin na nakatingin ngayon.

"Nagpapasalamat ako," I managed to suppress my sobs. "Kase sobrang naaawa na ako sa sarili ko at sa buhay na meron ako. Yung pamilyang dapat nagbibigay lakas ng loob, sila pa yung humihila sa'yo pabalik. Pero nagpapasalamat ako dahil hindi ko kayo mga magulang. Dahil kung nasaan man ang tunay kong magulang, alam kong mas mamahalin niya ako higit sa inyo."

Tumawa nang sarkastiko si mama. "Paano ka makakasigurado na mas malaki ang pagmamahal niya para sa'yo?" her tone was implying something.

Nagsalubong ang aking kilay sa pagkalito.

"If your mom loved you. You wouldn't be here," mariin ang kanyang boses. A flash of temper lighted her eyes as she glanced at papa. "She wouldn't have left your papa hanging and give you up to us para saluhin ang responsibilidad niya bilang magulang mo!"

Dumaan ang pait sa kanyang mukha.

"I loved your papa enough to stay with him," humagulgol si mama. "Even though he's in love with another woman."

Natahimik ako.

"Napakatanga rin ng papa mo. He's still in love with her despite your mother dropping you and him!" tumuro si mama sa akin pagkatapos ay kay papa. "And when I look at you. It's like seeing your papa falling in love with your mother all over again."

At lahat ng galit at pagtatampo ko kay Mildred Austria ay natunaw at napalitan ng lungkot at awa.

I guess I really am a burden and a bad memory for her. Imagine having to mother the child of the woman whom the love of your life is in love with. Kahit na ang lahat ng ito ay nagsilbing paghihiganti sa aking nanay. I can't help but wish that all of the things she deprived me of, somehow made her feel better.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now