Capture 6: Blushed For Him

135 6 1
                                    

Capture Six

It's a gloomy weather today. Hindi naman umuulan ngunit makulimlim ang kalangitan. Which all the more has made my day at school more serene. I love the grey skies. If I could be in a place where the skies are a shade of grey every day, I'd live there.

Sa gitna ng pagkatulala ko sa bintana habang nagdidiscuss ang aming guro sa fundamentals of accounting and business management 1 ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

Dumungaw ang ulo ng ssg president ng senior high school department sa pinto.

"Sir? Excuse lang, mag aannounce lang ako, pwede?" ngumiti ito ng malaki kay Sir Vinoya. Close kase silang dalawa. Miyembro ng varsity badminton team ang aming student council president habang si Sir Vinoya naman ang coach nila.

Umirap si sir Vinoya. "Hay nako Lucille, nananadya ka talaga e noh! Tuwing klase ko lagi ka na lang nag aannounce, nagsasawa na 'ko sa mukha mo," hinimas ni sir ang kanyang batok. "Sige na, pasok!" pilit ang boses ni sir ngunit mapaglaro ang tono.

"Sama ni sir," ngumuso si ate Lucille bago pumasok ng aming silid. Lumakad si sir papunta sa side ng boys sa harapan para mapag-isa sa gitna si ate Lucille.

"Good morning, 11-abm! As you know, our intramurals slash foundation day is fast approaching. At magkakaroon tayo ng Mr and Ms intrams this year. Nagkausap na kami ng president niyo," sumulyap si ate Lucille kay Isaac na nasa tabi ko para senyasan siya na may heads up na siya tungkol sa inaannounce ni ate Lucille. "Sabi ko kailangan nang pumili ng magiging representative niyo. Nakapili na ba Isaac?"

Tumikhim si Isaac. "I already informed the muse and escort para sana mas madali na lang pumili. Supposedly we will have Farrah and Kenneth," turo ni Isaac sa mga tinutukoy para mamukhaan ni ate Lucille. "But just this morning, Farrah came to me and says she can't join as Ms intrams."

Tumango si Farrah at nagpaliwanag. "Hindi po kase ako pinayagan ng mama ko ate. Hassle daw sa paghahanap ng mga susuotin."

May isinulat si ate Lucille sa kanyang papel at nag angat ng tingin kay Kenneth. "Si Farrah di makakasali pero si Kenneth, in pa rin?"

Kenneth gave her a thumbs up. "Opo ate."

Isinulat ni ate Lucille ang pangalan ni Kenneth sa papel.

"So sino ang papalit kay Farrah?" nakaturo ang kanyang ballpen kay Farrah.

"Hindi pa ako nakakapag approach uli sa ibang kaklase. Pag uusapan namin ito ng buong klase mamaya dahil baka may gustong magvolunteer. At least if voluntary, mas sigurado na hindi magbaback out," sagot ni Isaac.

Ate Lucille nodded in agreement. "Sige, puntahan mo na lang ako mamayang dismissal after niyong maconfirm kung sino ang representative niyo."

Matapos magpasalamat kay Sir Vinoya ay lumabas na ng aming room si ate Lucille kaya muling bumalik sa harapan si sir.

Murmurs started going around the classroom, anticipating who will be chosen to compete as our Ms intrams.

"Gusto kong sumali. I got into pageants recently."

"Ako rin! Parang ang saya lang rarampa rampa sa stage."

"Papakitang gilas ako sa crush ko sa grade 12."

"Excuse sa klase lol!"

Hinampas ni sir ang table pero hindi naman sa pagalit na paraan. Just enough to interrupt the chatters that suddenly boomed around the room.

"Tama na muna 'yan. Mamaya na pag-usapan ang Ms intrams tapusin muna natin itong discussion at baka pag nagquiz tayo bukas, sabihin niyo hindi ko itinuro magshare nanaman kayo sa fb."

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now