Capture 7: If not him, then not anyone

122 6 1
                                    

Capture Seven

"Please Lilly.Can you do my make up for me?" kanina pa akong kinukulit ni Agnes na ako ang maging make up artist niya sa Ms intrams. Siya kase ang nakakuha ng pinakamaraming boto kahapon kaya siya ang magiging representative namin.

She has been bugging me since first subject. Nakipagpalit pa nga siya ng upuan doon sa kaklaseng nakapwesto sa harapan ko para lang makulit ako habang nagkklase.

"Agnes, talk to her later," sumulyap sa akin si Isaac. "Oras ng klase at abala siyang mag aral para sa quiz. I suggest you study as well."

Natigilan si Agnes sa pangungulit sa akin sabay umirap. "Arte naman nito."

Nakahawak na ako sa magkabilang side ng ulo ko dahil hindi ko mamemorize ang internal at external users ng accounting. When your head is too clouded, you can't even store simple information. Dagdagan pa na masyadong maingay sa loob ng classroom dahil lahat din ay paspasan at ngayon lang nagscan ng notes para mag aral.

"Internal. Owners, Managers..... ano nga yon?" tumingin ako muli sa notebook ni Isaac na ipinahiram niya sa akin. "Employees. Owners, Managers, Employees."

Sabay sabay kami nila Brooklyn na nagmememorize habang si Isaac ay parang nasa kamay niya na ang mundo na kahit anong mangyari rito ay alam na alam niya kung ano ang gagawin. That's how calm he looks right now.

Doon naman ako sa external na medyo marami rami.

"Government, inland revenue-"

"You don't really need to memorize that. You just need to understand," komento ni Isaac na siguro'y kanina pang naiingayan dahil para kaming kulto na sabay sabay na nagrerecite.

"Huh?" naiistress na ako rito. "Hindi ito ang panahon para maging show off ka kung gaano ka kagaling. Respeto sa mga hindi biniyayaan ng ganyang utak."

I was about to return to what I was reading nang hablutin bigla ni Isaac ang notes niya.

"Ano ba!" hinampas ko ang kanyang braso. "Nakakainis ka na ha. Magpapahiram ka ng notes tapos babawiin mo. Bahala ka nga diyan!"

Bumaling ako sa left side ko kung saan nakaupo si Brooklyn.

"Brooklyn pashare ako ah."

She moved her notebook a bit to the right so I could have a better view of her notes. Saktong naroon na rin siya sa users of accounting.

"Lilly,"

"Sandali lang, Isaac," whatever he wanted to say or do can wait.

"Lilly Catherin-"

"Puchang gala! Sandali nga lang, Isaac! Hindi ko makabisado eh!" medyo mataas ang aking boses na may halong iritasyon.

Isaac looked stunned for a moment. Probably wondering kung saan nanggaling ang tapang ko. He looked amused, a ghost of a smile almost slipping his lips which he tried to conceal by sporting a plain expression.

He put his hands up in surrender. "Easy, Lilly Catherine. I was gonna help you memorize faster."

Sinimangutan ko siya. "Sabi mo hindi kailangang magmemorize tapos ngayon tutulungan mo ako magmemorize. Galing mo rin eh noh!"

"You just need common sense, Lilly Catherine. Internal means they are just within the company. They're directly involved in operations and management. While external may contribute to you projects but they're not directly involved in management. Sino ba ang mga tao sa loob ng kompanya? It's the owners, managers and employees. External, sila ang government, inland revenues, trade and industry, general public, share holders, potential investors, creditors at debtors. You will immediately know kung internal o external."

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now