Capture 1: Stay that Way

206 9 0
                                    

Capture One

Hindi ko alam kung bakit pa ako tumatakbo kung pwede namang magspeed walking na lang. It will make no difference anyway, kahit na tumatakbo ako ay parang ang bagal ko pa rin. Pakiramdam ko'y madudulas ako o matatapilok sa school shoes ko.

"Jusko po, late na 'ko!" anong oras na kasing umalis kagabi sila Brooklyn at Madison tapos pagkauwi pa nila sa kanila ay nagchat pa kami hanggang hatinggabi.

"Ma'am Lilly magdahan-dahan po kayo!" pasigaw na saway sa akin ni kuya Mario, ang driver namin, dahil medyo malayo na ako sa kanya.

Itinaas ko ang aking kamay at nagbigay ng thumbs up sa kanya pero patuloy pa ring tumakbo. Nang makarating ako sa gate ng senior high school building ay nagdirediretso ako papasok.

"Hep! Hep!" pigil sa akin ng lady guard.

I gave her an awkward smile habang pinupunasan ko ang aking noo na basa na dahil sa init tapos tumakbo pa ako papunta rito.

"Scan mo muna ang ID mo," Ipinalipat ko ang tingin sa hagdan pati sa ID scanner, nalilito kung ano ang uunahin ko.

"Ugh! Let's just get this over with," itinakbo ko ang distansya namin nung ID scanner at pagkatapos noon ay sinubukan muli umakyat ng hagdan. Bakit ba kase sa third floor pa kami napunta. Ang swerte naman ng grade 12 at sila ang nagamit ng second floor.

Ngunit pinigilan muli ako ni ate guard. Napapikit ako nang maalalang Monday nga pala ngayon. Tuwing Monday kase nakaschedule ang flag ceremony ng grade 11.

"Iwan mo muna ang bag mo rito at second batch kayong mag fflag ceremony,"itinuro ni ate guard ang pwede kong paglagyan ng bag. Ipinatong ko ito roon at kinuha ang aking water bottle na may malamig na tubig.

Grabe ang tamis ng tubig bigla!

"Grabe neng ang dugyot mo na, umagang umaga, wala ka bang pamunas diyan? Samantala ang kapatid mo, fresh na fresh na pumasok dito. Ang ganda ganda ni Gwyneth noh?"

Siya ang pinakamadaldal na guard na this school has ever had. Every year o every 2 years kase ay parang nagpapalit ng guard. Natutuyo na siguro ang bibig niya kakabantay araw-araw tapos wala naman siyang nakakausap, so she will talk just about anything.

She's nice for being concerned though.

Kinapa ko ang bulsa ng bag ko. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutan hablutin yung panyo ko galing sa plantsahan kanina. Kung hindi ay wala manlang akong ipampupunas.

"Hindi mo dapat ugaliin ang pagiging late. Hindi na ba kayo nagsasawa kakasermon ng mga teacher niyo sa inyo?" dire diretsong litanya ni ate guard habang lumalakad lakad.

"Di naman po ako sa teacher nagsasawa eh. Don sa president namin. Kala mo siya ang adviser. Lagi nalang ako nasasamplean" reklamo ko. Ayos din naman sigurong kausap 'tong si ate guard. Tamang pagkakataon para ilabas ang sama ng loob ko kay Isaac.

"Ay, 'yon ba si Isaac? Grabe! Hands on na hands on talaga sa inyo! Dinidisiplina pa kayong mga kaklase niya."

Pati ba naman si ate guard? Wala na bang makukuha si Isaac mula sa school na ito kundi mga papuri?

Matapos ang flag ceremony ng mga nalate ay umakyat na ako ng hagdan. Nakaramdam ako ng bigat sa aking hita. Araw-araw kaming umaakyat papuntang third floor but it doesn't get easier. Talagang nakakapagod.

Habang binibilang ko kung ilang hakbang nalang bago makaabot sa ikatlong palapag ay may naramdaman akong presensya sa aking kaliwa.

"Lilly!"

Mula sa pagkakatingin sa hagdan ay nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

"Uy Dominique ikaw pala! Hello, good morning!" tinanguan ko siya at nginitian. He's one of the respected students in the campus. Siya ang captain ng basketball team na naging representative namin for CDAPS-AL.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now