Capture 14: Get Over That Infatuation

104 8 0
                                    

Capture Fourteen

"Manang mana si Isaac sa mama niya," titig na titig si Brooklyn kay tita Clementine. She's one of the judges for the pageant dahil former school niya rin ang Redwoods University. Mahilig din siyang sumali sa mga pageants ng redwoods back in their days.

Tita Clementine's hair is tied in a high ponytail. Wala kang makikitang pores sa kanyang mukha. At fashionista ang dating niya.

Isaac's mom was very professional. Hindi mo aakalaing mag ina sila kung hindi mo sila kilala. She let her son do his thing and only focused on being a judge. Hindi niya ito tinatawag para lumapit sa kanya o ano.

Maya't maya kang may makikita na studyanteng nagbibigay ng milktea o kaya naman ay pagkain kay tita Clementine. She smiled politely at them but never touched the food. Kahit ang mga hinanda ng school para sa judges ay hindi rin pinakialaman ni tita.

"The last spot on the top 5 goes to....."

I crossed my fingers. Magkakahawak na kaming lima nila Madison, Brooklyn, Bejamin at Mason. Isaac filmed our reactions but we don't give any shit about how constipated our faces looked like in his camera.

"Susko po, Ginoo. Si Agnes na sana ito," kanina pang dasal nang dasal sa hangin si Benjamin.

Mabuti nga at naririto sila para panuorin ang pageant. Karamihan sa mga kaklase namin ay hindi na dumalo. Gagawin na raw nilang pahinga ang araw na ito at mabubugbog nanaman kami sa acads sa susunod na linggo. Kaming anim at ang iilang kaibigan ni Agnes mula sa abm ang pumunta para sumuporta sa kanya.

"Agnes Marasigan!"

"Si Agnes-" natigil si Mason sa pagdarasal nang marinig ang announcement. "Uy si Agnes nga! ABM yan!" tumalon talon sila ni Benjamin.

Nakahinga ako nang maluwag habang inaalog alog na nila Brooklyn ang balikat ko sa saya.

"Galing niyo, Catherine!" ani Madison.

I chuckled. "Hindi naman ako 'yan. Si Agnes naman ang rumampa."

"Kahit na! Kasama kaya sa criteria ang appearance ng candidate. Eh syempre dahil diyan sa make up prowess mo ay tignan mo naman oh!" itinuro nila si Agnes na kumaway sa amin habang lumalakad papunta sa hilera ng top 5.

Pumunta sa may harap ng stage si Isaac upang kuhanan ng litrato ang mga candidates na napasama sa top 5.

Medyo mahamog na dahil alas sais na ng hapon. I rubbed my arms to provide myself warmth. Sa school grounds ginaganap ang Mr and Ms intrams.

Sa harap ko'y may kamay na naglalahad ng jacket. Tinignan ko ang pinanggalingan nito. Hindi na surpresa na si Isaac 'yon. Lahat naman yata ng bagay ay napapansin niya. Kahit na nasa malayo siya.

"Balik ka nang balik dito. Parang hindi ka abala roon sa harapan," irap ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay at mas lalong inextend ang kamay niya upang ialok ang kanyang jacket.

"Get the jacket, babalik na ako sa harapan."

Dahil na rin sa sobrang lamig ay hindi ko na tinanggihan ang kanyang jacket. He smiled at me and returned to the front like he said.

I stood there, dumbstruck, because he smiled at me. Simula nang magkaroon ako ng mga realisasyon kahapon ay pinapansin ko na rin ang bawat galaw niya. Kung saan siya pupunta, mga taong makakasalamuha niya. Ilang beses niya akong ngingitian at titignan. Ano ang suot niya at ayos ng kanyang buhok.

I became hyperaware of him.

Ang mga bagay na simple lamang para sa akin noon ay naging kakaiba na sa tuwing si Isaac ang gumagawa.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now