Capture 2: Watching You

159 5 0
                                    

Capture Two

Kinapa kapa ko ang aking cellphone habang nakapikit. Nanlalambot ako kaya medyo nakaramdam ako ng pagod nang pilitin kong abutin ang hawakang mabuti ang cellphone ko sa aking night stand.

"Hmm..." sagot ko nang maaccept ko ang tawag ng sinuman ito.

I immediately heard the phone call end. Iminulat ko ang mata ko. Nakakaasar 'to ah! Iniinterview na ako ni tito Boy sa panaginip ko e! Ang ganda ganda na ng isasagot ko!

Unregistered number.

Tukneneng naman oh! Sa dami ng numero sa Pilipinas, ako pa talaga ang nagkamaling tinawagan.

Pero 5:30 na rin naman ng umaga kaya medyo thankful na rin ako sa tawag na 'yon. Kung masyado kong inenjoy ang panaginip ko'y baka malate nanaman ako. At ayoko na ng another sermon from Isaac. Baka ipa-murder na ako ni Mallory if I had another interaction with him.

Ang hirap namang maligo nito. Ang lamig ng aircon tapos bigla akong maliligo ng malamig na tubig. Nasira na kasi yung mainit na side nung shower ko.

Pumunta ako sa harapan ng aking vanity matapos kong makapagbihis ng uniform. Dalahin ko kaya itong bagong set ko para maipakita ko kila Brooklyn? At parang gusto ko rin maglagay ng kahit light lang na make up, para naman kahit isang araw lang ay magmukha akong kapatid ni Gwyneth. Tama si Mallory, nakakasira nga naman sa pangalan naming mga Austria kung papasok akong mukhang hindi inaalagaan sa bahay.

I put primer, vitamin enriched face base, concealer, eye brow pencil, I used spoolie eyebrow brush to brush my brows upwards, minimal contouring, bronzer, skinny mascara, blush and finally lipstick.

Ayan! Mukha namang natural lang. Hindi halata na gumamit ako ng cosmetics. Medyo naging okay naman yung mukha ko. Pero siguro mga point one o point two lang yung puntos na inusad ko sa hitsura ko. Hindi pa rin talaga ako malalapit sa ganda ng kapatid ko. Pero masaya naman ako para kay Gwyneth dahil hindi niya nagiging problema ang ganitong mga bagay.

Pagkadiretso ko sa dining ay nakita ko na agad na sabay sabay nag aalmusal sila mama, papa at Gwyneth.

"Good morning, princess!" malaki ang ngiti sa mga labi ni papa nang batiin niya ako. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya. Kumandong pa ako kay papa.

"Papa!" Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. "Hindi na kita naabutang umuwi kagabi, nakatulog na ako e."

"It's okay, anak. Alam ko namang pagod ka sa school."

Ngumuso ako. "Pero dapat ginising mo 'ko nung dumating ka," maliit ang aking boses at may halong lambing.

"Alright, I will do it next time. Okay?"

Natanggal ang tingin ko kay papa nang marinig ko ang pagtikhim ni mama. Agad akong tumayo mula sa pagkakakandong kay papa. Kumpara kay mama, mas close kami ni papa. When I'm with mama, I try to be as prim and proper as possible. Ganoon kase si mama. Medyo uptight siya pagdating sa akin.

"Do that later, Ezekiel. Nasa harapan tayo ng pagkain," malamig ang boses ni mama.

I gave papa an apologetic smile and sat on my place beside Gwyneth. She looked bored.

"Good morning, Gwyneth."

Ngumiti ng tipid si Gwyneth. "Good morning, ate."

She's usually like this in the mornings, pero mga bandang tanghali hanggang hapon, she'll loosen up more at mas nakikipag communicate siya sa akin.

"By the way, Ezekiel. Nabalitaan ko na ibinigay daw ang movie project kay Sandra Del Campo instead of Natalie Estrada," mama drank from her coffee mug while looking at papa.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now