Capture Ten
"Ano ba yan, saya na sana eh! May pa-long test pa bago mag intrams!" sumalampak si Madison sa isa sa mga couch dito sa Optimum Development Corp (ODC) showroom. We're in a mall owned by Mason. Real estate development ang line of business nila Mason.
Dito kami tumatambay kapag napapagod kami imbes na sa food court. May libreng kape o juice pa kami rito kapag gusto namin dahil mga kaibigan kami ni Mason. Kilala na nga rin kami ng staff dito dahil napapadalas kami.
"Ma'am Lilly parang blooming ka yata ngayon ah," pansin sa akin ni Joemarie. "Inlababo ka ano ?" mapang asar na ngiti ang ginawad niya sa akin.
Napahawak ako sa aking pisngi. "Talaga? Hindi naman ah."
Naglagay lang ako ng kaunting pulbos, minimal liptint at mascara para maging maayos naman kahit papaano ang itsura ko. Hindi bale nang hindi maganda basta'y malinis tignan.
"Don't believe her, Joemarie. She's recently been having a thing with Isaac Rios," a sly smile slipped Brooklyn's lips.
"Anong thing?" my tone was so denial. Talaga namang walang nangyayari. Oo, mayroon, katulad ng mga pagbabanta niya, paglayo sa akin kay Dominique, at pagbabantay niya sa akin na hindi ko naman kailangan.
Madison and Joemari shared a devious look of understanding.
I groaned. "Come on guys, he's engaged to Gwyneth!"
Napatakip sa bibig si Joemarie. "Oh my gosh! As in the Isaac Rios is engaged to Gwyneth Austria?"
Sabay sabay kaming tatlo na tumango sa tanong ni Joemarie.
"I thought you would know. Hindi ba kalat na kalat na yon sa internet?" takang tanong ko kay Joemarie. Ang school janitor nga namin ay updated sa news na yan tapos siya ay hindi.
"Hindi pa naman ginagawang official ng family niyo ang engagement eh. Mama mo lang naman ang nagsasalita sa media. Si Clementine at Denzel Rios parang hindi nga interesado kapag tinanong ng media. Naisip ko, baka nag iilusyon lang ang mama mo. Uso yon sa inyo eh mga force na pagpapakasal."
Hindi nila gagawing opisyal ang engagement dahil wala naman talagang engagement to begin with. Ginagamit lang nila ito para pagtakpan ang iskandalong sinimulan ni Sandra Del Campo sa pamilya namin.
"At saka bakit naman kay Gwyneth? Diba dapat ikaw ang una sa linya at ikaw ang panganay?" dugtong pa ni Joemarie.
I scoffed. Tinuro ko ang sarili, nakaawang ang bibig at hindi makapaniwala. "Ako? Tignan mo nga kung wife material ang mukha na ito. Isang insulto para sa mga Rios kung ang nag iisang unico hijo nila ay magpapakasal sa katulad ko."
"Aba oo naman! Pimples lang 'yan, Lilly Catherine. It's natural! Masyado kasing perpekto ang mga tao sa internet."
"Hindi lang naman mga tao sa internet ang ganon eh," ngumiwi ako.
"That's what I've been telling her, Joemarie. Maganda naman talaga siya hindi ba?" segunda ni Brooklyn.
Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa mga natatanggap kong compliments mula sa kanila. I've been called out for my appearance so many times that I do not know whether their words are geuine or just to console me.
Nagring ang aking cellphone sa bag. Kinuha ko ito at nakitang si papa ang tumatawag sa akin.
"Hello pa," bati ko.
"Anak. You need to get out of that mall. Natunton ka ng press at mamaya ay magdadagsaan na sila riyan. May driver ka ba na kasama?"
I could sense the panic in papa's voice. Kahit na halos kainin na ako ng kuryosidad ay hindi pa rin ako nagtanong sa kanya kung ano ang nangyayari.
YOU ARE READING
Captured Through The Lenses
RomanceLilly Catherine Austria loves cosmetics. She's grateful for it. Sa isip niya, destiny knew that there are unfortunate people in the world like her with an unpleasant face. Cosmetics are her constant companion, her best friend, and her shield from a...