Capture 11: Friends

111 7 0
                                    

Capture Eleven

The sounds of a pen writing on paper, the flippping of pages, the thump of books as it makes contact with the wooden shelves when you pull out or put a book back in, all of these welcomed me as I entered the library.

This is the most peaceful place I could think of. Mas makakapagfocus ako rito dahil nakakahawa ng sipag kapag nakikita mo ang ibang studyante na nag aaral din. At least it will force me to actually study. Baka kase kapag nakila Brooklyn ako o kaya naman sa ibang lugar ay lumipad lamang ang isip ko sa kung saan-saan.

Long quiz namin bukas bago ang intrams namin ng Wednesday to Friday. May mga guro kami na after every lesson ay may pashort quiz kinabukasan para mas marami siyang mairecord habang ang teacher naman namin sa Pagbasa at Pagsusuri ay mahilig magpalong quiz. Mga tatlo o apat na lessons bago magpaquiz.

Mas prefer ko ang short quizzes dahil mas fresh pa sa utak ko ang impormasyon. Pero nasanay na lang din kami kay sir Gonazles. Siya rin kase ang teacher namin nung first sem sa Komunikasyon at FSPL. Kaya aware na kami na long quiz ang tipo niya.

Hawak hawak ko ang aking puson dahil time of the month ko ngayon. Period cramps sucks. Napakaswerte ng mga babaeng hindi nakakaranas nito.

Inilibot ko ang aking mata upang maghanap ng mauupuan. Nakahanap ako ng bakante sa tabi lamang ng pinto ng meeting room. Napadpad ang mga mata ko sa mga tao sa loob. Glassed windows kase ang meeting room kaya kita mo kung sino ang mga naroon.

Isaac was inside the meeting room. Napaatras ako dahil doon. Is it a good idea to study here? Siguro nama'y ayos lang dahil may pingkakaabalahan naman siya.

"Hindi lang dapat natin i-narrate kung ano ang nangyari sa intrams natin. Dapat bigyan natin ng kwento at kahulugan ang mga nangyayari roon. The essence of teamwork, unity and the talents that each student will exhibit. Because that's what the event is all about. Who we are and what we learn beyond the curriculum."

Medyo nakaawang kase ang pinto kaya naririnig ko ang sinasabi sa loob ng silid.

"Mag iinterview rin tayo ng mga studyante, teachers or pwedeng yung mga may ari rin bilang founding anniversary rin naman ng Redwoods."

Hindi nareretain ng utak ko kung ano ang binabasa ko dahil nahahati ang atensyon ko sa sinasabi sa meeting room pati rito sa notes ko. Tumayo ako para makalipat ng ibang pwesto. Siguro sa pinakadulo na lang ako.

Pagkasakbit ko ng bag ko ay sumulyap akong muli sa glass windows. Isaac was looking directly at me. My grip on my bag went tighter. Mas nagmadali akong ligpitin ang notes ko nang bigla siyang may sinabi sa nagsasalita sa kanilang unahan. Tumingin sa direksyon ko yung babaeng nagsasalita kanina. Ngumisi siya kay Isaac at umiling iling, nang aasar ngunit parang pinaunlakan din naman siya kalaunan.

Tumakbo ako paalis sa aking pwesto. Plano ko sanang tumakbo papalabas ng library kaso lang ay madali niya akong mahahabol. Kaya pumunta ako sa mga shelves. Sa sobrang daming sections sa library ay imposibleng makita niya ako kaagad.

Paatras akong naglakad. Binabantayan kung saan na pumunta si Isaac. Luminga linga siya at nawala sa aking paningin. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Siguro'y lumabas na para doon ako hanapin. Umatras pa ako ng kaunti dahil sa pagdududa na baka nakikita pa rin ang ulo ko.

Umatras ako hanggang sa makabangga ako sa isang matigas na bagay. Natigilan ako dahil palagay ko'y hindi ito pader.

"Not so good at hiding, eh?"

Tiningala ko si Dominique. I let out a breath of relief. Akala ko naman ay si Isaac na.

"Isaac is such a terrible seeker. Buti na lang at siya ang tinataguan mo," halakhak ni Dominique. "So, studying for the long quiz?"

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now