Capture 24: I'm Yours

162 12 0
                                    

Capture Twenty Four

Hanggang sa panaginip ba naman ay dala dala ko pa rin si Isaac? This is a sign. I'm addicted and I'm never getting out. Madilim lang ang nakikita ko ngunit nararamdaman at naaamoy ko siya. He's giving me feathery light kisses on my cheek, my neck ,then on my forehead.

I giggled with my eyes still closed.

"Kung pwede lang na araw araw ganito," I mumbled and smiled. Isaac will never know that I said this dahil panaginip lang naman ito.

"Alright baby. I'll greet you with my kisses every morning," the voice chuckled.

"Sabihin mo sa totoong Isaac na nangako ka ng ganyan sa panaginip ko, para tuparin niya," I replied in a bossy tone.

Humalakhak siya at nagpatak ng isang halik sa aking labi. "But I'm the real Isaac. Your future boyfriend and husband," bulong niya sa namamaos na boses.

My brows furrowed. Bukod sa napakaklaro ng boses niya ,which doesn't happen in my dreams, his lips on mine felt real. Am I still dreaming? Or the entire conversation was real?

Iminulat ko ang aking mata. He's real! Isaac is here, in Brooklyn's condo, in my room!

I bit back a scream so it came out as a whimper instead. I felt horrified, remembering how unpleasant I look like in the mornings.

Tinakpan ko ang aking mukha at sumubok na bumangon mula sa pagkakahiga, ngunit ipinirmi ni Isaac ang bewang ko sa higaan kaya hindi ako tuluyang nakatakas mula sa kanya.

"Let me see my baby first," hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa aking mukha at sinubukang alisin ito. Ngunit nagmatigas ako. He looked so neat and I look like a mess.

"Isaac!" I groaned, resisting him. "Mamaya na, panget pa ako!"

He sighed. "Lilly Catherine, you're always beautiful to me. Paano kapag mag asawa na tayo? Wag mo sabihing hihintayin pa kitang mag ayos bago kita mayakap? I want you in my arms the second I wake up."

Paniguradong pulang pula na ang pisngi ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Isaac. Nakanguso kong inalis ang aking kamay sa aking mukha.

"There," he smiled and caressed my cheek.

Hinawi ko ang kanyang kamay. "Binobola mo lang yata ako dahil maniligaw kita eh. Bakit ikaw lang nagsasabi niyan sa akin?"

"Then lucky for me, bulag sila. There's no chance for them to steal you away from me," ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"And unlucky for me, people will think I don't deserve you and girls would compete for your love," yakap ko pabalik sa kanya.

Inangat niya ang kanyang ulo. Sa namumungay na mga mata ay tinitigan niya ako. Parang kinakabisado niya at bawat detalye sa akin. Napaawang ang kanyang labi nang matunton niya ang aking labi.

"There's no competition to begin with. They won't stand a chance and no one is enough to replace you. There's only one Lilly Catherine in this world."

Ito ba ang gusto niyang makasama habang buhay? Isang babaeng maraming insecurities. Baka magsawa lang siya sa akin. One day, I'll be too dramatic and petty for him.

I pursed my lip to ignore these thoughts. It's a good morning for the both of us. Kaya hindi dapat ako nag iisip ng ganito. Whatever will come later, saka ko na lang iyon poproblemahin. Pinili kong makasama siya while I'm fully aware of the consequences. Ngayong hindi pa dumarating iyon, I will enjoy being in his arms.

"May manliligaw bang nanghahalik ng taong nililigawan nila?"

He laughed. "Ako."

Sinimangutan ko siya lalo. "Dapat hindi muna tayo maghalikan hangga't hindi pa tayo."

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now