Capture 4: Madalang Kaya Isasapuso

165 5 0
                                    

Capture Four

Habang nakataas ang paa sa arm chair ni Isaac ay tinaasan ko siya ng kilay pagkapasok niya. Narito siya sa harapan ko, nakasakbit ang bag sa kanyang likod. I tapped my own arm chair with my fingers.

Nauna ako sayo, Mr President, pagmamayabang ko. I smiled mischievously.

He frowned, confused by my actions but at the same time, his mouth started quirking upward.

Yeah, I can see that, his eyes were full of amusement. Now if youll excuse me, miss. I need my chair, he chuckled as he held my feet and gently put it on the floor. My insides turned because of what he did but I tried my best to put on my unbothered facade.

Umiiling iling pa ito habang inilalapag ang kanyang bag.

Humikab ako dahil antok na antok pa ako. Inagahan ko lang talaga ang gising ko dahil ayaw kong malate. Naisip ko kaseng fiance na siya ni Gwyneth, brother in law ko. Hindi ko naman siguro gustong magbigay ng bad impression sa kanya. At isa pa, he might tell mama kapag nagkakuwentuhan sa hapag kung sakali.

Si Gwyneth nga siguro ay paalis pa lang ngayon ng bahay. Buti na lang ay hindi na ako kinuwestiyon ng driver nang magpahatid ako nang maaga.

Para mawala ang antok ko ay dinaldal ko muna si Isaac. I need to talk comfortably with him. He will soon be a part of the family so well have to communicate at some point.

Wala kayong meeting ng journalism team? tanong ko.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha dahil sa pagiinitiate ko ng conversation. Nagkibit balikat ako sa kanya at sumandal sa aking upuan.

Wala, tipid niyang sagot .

Balita ko para raw sa intrams yung mga meetings niyo nung nakaraan. Kayo ba ang magmamanage? Eh diba trabaho ng student council yan? naglabas ako ng oreo sa aking bag at binuksan ito. I extended my arms to Isaac, asking if he wants one.

We will be documenting the intramural events. Gagawa kami ng actual news papers. Special project namin for the school since foundation day rin sa araw na yon, umiling siya sa inooffer kong oreo kaya kumuha na agad ako ng isang cookie at kinagatan ito.

Hmm tumango tango ako pero agad ding napatingin sa biscuit na kinakain ko ay mali!

Whats wrong? agap niya.

Ngumuso ako at ipinakita sa kanya ang oreo, kinagatan ko siya ng buo at sama sama.

Anong mali roon? I can sense him stifling his laugh

Syempre dapat binubuksan mo muna yung cookies tapos kukunin mo yung filling. Yon ang una mong kakainin bago yung cookies. Eating it whole is boring.

Mas nilakihan ni Isaac yung pagkakabukas nung oreo ko. Kumuha siya ng isa roon at ibinigay sa akin.

Here, you still have another.

Nginitian ko siya. Oo nga naman, kinuha ko sa kamay niya ang pangalawang oreo at pinaghiwalay ang dalawang cookies at kinuha yung cream.

Uminom ako ng tubig na malamig mula sa aking water bottle dahil sobrang tamis ng kinain ko.

Nakaramdam ako ng pangangalabit sa aking balikat.

Hmm tulog pa ko, Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa bag ko na ginawa kong unan. Pero kailan pa nagkaroon ng panlalaking pabango ang bag ko?

My bag quivered like its laughing on its own. Dala na ba ito ng sobrang kabangagan ko sa aga ng gising ko?

Its fine, Brooklyn, gisingin mo na lang kapag andiyan na ang teacher, ang vibration ng boses ni Isaac ay nadamat narinig ko sa aking bag.

Trust me, Isaac. Ito ang gugustuhin ni Catherine na gawin ko. Paniguradong pagkagising niyan ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magpalamon sa lupa.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now