Capture 3: Not Engaged

154 7 0
                                    

Capture Three

The hardest part of being the most understanding and patient person ay napipilitan kang malagay sa mga sitwasyon na labag sa iyong kagustuhan. Um-oo ka sa lahat ng bagay at nagpapahila. Hindi ka magsasalita dahil gusto mong lumigaya sila at hindi ka magrereklamo dahil naiintindihan mo.

Oo, naiintindihan kong sadyang takas mental si Benjamin at si Mason.

Naririto kami sa isang make up counter shop sa department store. Naghahanap din kasi ako ng mascara na magaan lang sa lashes. Karamihan kase sa mascara ko medyo mabigat kaya parang feeling ko may something na malagkit na nakadagan sa pilik ko kapag nilalagay ko. Kasalukuyang nagpapalagay ng mascara at lipstick si Benjamin at Mason dahil maganda raw yung babaeng nagbabantay. The things men do para lang mag ninja moves sa kababaihan. Tingin ba nila ay papatulan sila niyan? Eh mga nakaschool uniform pa nga sila!

Malakas na tumatawa si Madison at Brooklyn habang kinukuhanan ng mga litrato at video ang dalawa. Rinig na yata sa buong department store ang tawa namin.

Nagkayayaan lang kami na mag mall on the spot. Mas maganda yung mga ganong gimik namin kaysa kapag planado na madalas hindi natutuloy.

"Maganda na ba kami miss?" Benjamin grinned mischievously at the lady. At mukhang gumana naman ang charms niya roon sa babae. Hindi ko alam kung dahil ba nagagwapuhan ang babae o dahil lang mga kilalang tao si Benjamin at Mason.

Benjamin and Mason's parents are from the same friend circle as Brooklyn, Madison and mine's parents. Pero sadya namang malalapit talaga halos ang mga businessmen dito sa Pilipinas kaya medyo memorize ko rin kung sino ang mga anak mayaman sa bansa.

"Presenting Benita and Macy!" itinapat ko pa ang aking kamao sa bibig na para bang meron akong mikropono.

Nagposing na parang models si Benjamin (Benita) at Mason (Macy). They even pouted their lips kaso masyadong naging exaggerated kaya imbes na magmukhang feminine ay nagmukha lang silang mga pwet ng manok. Rumampa pa sila sa gabay nila Brooklyn at Madison.

Napapikit ako ng mariin dahil ako mismo ang nahihiya para sa kanila. Nakaagaw na rin sila ng pansin sa mga taong malapit sa amin. Yung iba ay tumatawa habang ang iba'y kumukuha na rin ng video tulad nila Brooklyn at Madison.

"Oh my gosh! Is that Benjamin?" hila hila ng isang babae ang isa pa niyang kaibigang babae.

"Oh, ano ngayon? Kilala mo?" tanong nung babaeng kaibigan niya. There's no hint of recognition in her face so she must really don't know who is Benjamin.

"He's the heir to Majestic Heights Hotel, gwapo diba?" sagot nung babaeng nakarecognize kay Benjamin.

Nalukot ang mukha nung babaeng kaibigan niya. "Wag ka sa mayaman, laging ginagawa lang kung anong gusto nila. Saka tignan mo nga yan! Papatusin ka ba niyan eh mukhang baklain naman."

Mukhang narinig ni Benjamin ang sinabi nung babae dahil napatingin siya roon bigla.

Napasipol ako dahil medyo naging awkward atmosphere nang lapitan ni Benjamin yung babaeng nagsabing bakla siya.

"Comfort room lang ako," bulong ko kila Brooklyn.

Iniwan ko muna sila roon dahil naiihi na ako. Nilibot ko ang department store dahil hindi ko rin kabisado ito ng buo kaya 'di ko mahanap kung nasaan ang comfort room.

Sa hindi kalayuan ay may nagkukumpulang tao. Alam ko namang crowded dahil mall ito pero ang nakikita ko ngayon ay parang mayroong kung anong sobrang big deal.

I took the opportunity para makalapit sa isang tao at magtanong kung alam nila kung nasaan ang cr para mabilis na lang ako at hindi na maligaw.

"Hi, alam niyo ba kung nasan yung comfort room?" nilingon ako nung babaeng nakapixie cut at may bitbit na dslr camera.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now