Capture 9: Four Timing Womanizer

120 6 0
                                    

Capture Nine

Bumuga ako ng hangin habang nakatakip ang aking kamay sa bibig. Napaso ang aking dila nang isubo ko nang buo ang kwek kwek. Ilang beses ko naman itong hinipan ah! Bakit ganoon pa rin kainit?

Tinampal ni Madison ang kamay ni Brooklyn. "Hoy Brooklyn! Kinse lang ang binayaran mo sa fishball bakit parang kwarenta piraso ang kinukuha mo?!"

Napaubo si Brooklyn nang napatingin sa kanya ang lahat ng nandito sa may tusok-tusok maging ang tindero.

"Kuya," she coughed one more time. "Pabili nga po rin ako ng palamig," nag- abot siya ng twenty-five pesos sa tindero. "Yung malaki po tapos yung limang piso dagdag ko na po sa fishball para saktong kwarenta piraso."

Nang maibigay kay Brooklyn ang kanyang inumin ay agad ko itong hinablot sa kamay niya bago pa makadikit ang labi niya sa inuman.

"Painom ako, ang sakit ng dila ko," lumagok ako ng tatlo bago ko ito ibinalik kay Brooklyn.

Nagbayad si Madison ng singkwenta pesos kay kuya. "Manong, sampung kikiam po tapos sa inyo na po yung sukli."

"Naku neng. Ang bait mo naman. Palagi ka na lang may pa-keep the change sa akin. Palagi tuloy kitang naikukwento roon sa anak kong si Ryan. Matanda sa iyo ng dalawang taon. Scholar diyan sa Redwoods University."

Nginitian siya ni Madison. "Talaga po? Edi first year college na po pala siya. Babatiin ko po kapag nakita ko. Kaso lang po ay di ko po kilala sa mukha."

Mahilig si Madison sa street foods. Hindi siya pihikan kahit na nagmula siya sa mayaman na pamilya. And it's one of my favorite things about the three of us. Hindi nililimitahan ng estado ang preferences namin. Naeenjoy namin yung mga kinahihiligan ng mga may simpleng pamumuhay.

"Ipapakilala ko sa'yo. Kapag nataunan na napatigil siya rito," mukhang proud na proud ang kanyang ama sa anak niya. May hitsura ang tindero na ito. Kahit may edad na ay hindi mo mahahalata, kaya sa tingin ko'y mana sa kanya ang anak niya.

Nang maluto ang kikiam ni Madison ay isa isa niya itonng tinusok ng kanyang stick at inilagay sa kanyang baso.

"Kamusta naman ang operation make Isaac fall for Gwyneth?" nakatingin sa akin si Madison habang sinusubukang maglagay ng sauce.

"Madison, maling sauce yan!" pigil ko sa kamay niya sabay halakhak dahil muntik niya nang mailagay ang tubig mula sa hugasan ng sandok imbes na yung matamis.

Napatingin din siya sa kanyang kamay. "Ay putris! Muntik pang masayang ang kikiam ko!"

Ibinalik niya ang tubig doon sa hugasan ng sandok at binuksan na ang tamang sawsawan at nagbuhos sa kanyang baso.

"Anyways, ano na nga ang update? Successful naman ba?" usisa naman ni Brooklyn nang muntik naming malimutan ang pinag uusapan.

"Parang okay naman. Kinakausap niya naman si Gwyneth kaso lang ay parang pormal naman ang pakikitungo niya. Medyo mahirap matinag pero ayos lang dahil nagsisimula pa lang naman. Lalambot din si Isaac."

"Hmm..." umiling iling si Brooklyn habang nginunguya ang fishball. Nang makalunok ay dinugtungan niya. "Hindi na lalambot yan. Alam mo ba reputation niya rito sa Redwoods o sa buong Pilipinas? Kapag nakikita niyang may nararamdaman sa kanya ang isang babae, he shuts them off. Kita mo naman siya kay Mallory diba? Natturn off daw kase siya lalo na sa mga umaamin sa kanya."

So he's turned off by Gwyneth. My sister's too obvious. One look at her and you could tell how much she likes Isaac. Pero ano ba naman ang gagawin mo sa lalaking hindi pumapansin sa iyo kundi ang magpapansin, hindi ba?

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now