Capture 27: I'll Keep Him

139 11 1
                                    

Capture Twenty Seven

In the next weeks, I distracted myself by being Austra's make up artist. Since CCC is under Austra now, mama has no choice but to work with papa. They're very civil with each other. Hindi mo mahahalatang may nakaraan sila.

Si tita Mildred naman ay sumuko na sa mga awtoridad. Masyado na siyang maraming kasong hinaharap kaya wala nang paraan para makatakas pa siya. Gwyneth lives with papa. They've mended their relationship. Mayroon palang pagtatampo si Gwyneth kay papa.

Kahit na hiningi niya si Isaac sa akin. I never saw her making any advances towards him. And I don't know why.

My friends from Nueva Ecija were thrilled when they heard na naibalik na kay mama ang CCC. Gusto rin daw nilang magtrabaho rito sa Manila. Sila Esther at Jewel ay nagtatrabaho sa Austra, si Enzo at Fabio naman nasa isang IT company, si Greg ay parte ng HR, si ate Pam ay call center agent, si Bailey ay accountant sa bangko, at si ate Lori naman ay isa sa accountant namin sa Austra.

"Nagustuhan kita noong nasa Nueva Ecija ka," pag amin sa akin ni Fabio isang gabi habang nasa rooftop kami ng condo. "Pero masyado kang malayo. Akala ko noon, ayaw mo lang talaga sa akin o sa pakikipagrelasyon. Pero napagtanto ko, may iba palang tao sa puso mo."

Hindi ako bulag sa detalyeng iyon. Nararamdaman ko na may gusto sa akin si Fabio noon. But I didn't like to entertain the thought, knowing that Isaac is in my heart.

"I'm sorry, Fabio."

Umiling siya sa akin at tumawa. "Tignan mo yang mukha mo, Catherine, masyadong guilty. H'wag mo nang isipin 'yon. Nung second year naman ay tumigil din ako. Masaya na ako kay Esther."

He smiled cheekily.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hmm, kaya pala laging nanonood yon ng basketball game niyo. Bakit hindi kayo nagsabi sa amin?"

"Si Esther ang may ayaw. Baka raw mag iba ang tungo ng tropa sa amin. Syempre magkaibigan kami. Ako nga, hindi ko manlang naisip na mamahalin ko pala nang sobra si Esther," his smile reached his eyes as he thought about Esther.

Ibinaba ni Fabio ang tingin sa akin. His smile slowly faded. Naging seryoso ang kanyang mukha.

"Catherine, pamilya mo lang ang nagdala sa'yo sa mundong ito. Pero hindi ibig sabihin, sa lahat ng oras, ay deserve nila ang loyalty mo. Hindi masamang mas mahalin mo ang ibang tao kaysa sa kanila , kung ang tao na 'yon ay mas binigyan ka ng pagpapahalaga na dapat ay pamilya mo ang unang nagpakita."

I gave him a small smile and nodded.

"Love is both give and take. Kung bigay ka lang nang bigay, at wala kang natatanggap mula sa kanila. Maybe you've been loving the wrong people all this time," dugtong niya. "Pamilya man ang kasama mo sa una, hindi ibig sabihin ay sila hanggang huli. Kung si Isaac ang tunay na bumubuo sa'yo, siya ang samahan mo hanggang dulo."

Trabaho, kain, tulog. Doon lamang umikot ang araw ko. No, scratch that! Trabaho-iyak-kain- iyak, tapos iiyak nanaman ulit bago matulog.

Ang sabi ni tita Mildred nung araw na 'yon. Nasa amin na raw ang lahat. Andiyan na ang CCC at naibalik na ang yaman namin. She's wrong. Maybe mama feels like she has everything, but I feel like I lost everything. Even without all of these, kaya ko namang sumaya at kayang kaya kong mabuhay dahil kumikita naman ako sa trabaho ko. Sa halagang naririto ang lalaking mahal ko.

I love him and I need him so bad!

Gabi gabi ay ginigising ako ni mama. Sabi niya, inuulit ulit ko ang pangalan ni Isaac sa pagtulog ko. That's how much I miss him.Throughout the whole day, my feelings are being contained inside me, unspoken. Kaya naman sa pagtulog ko ito isinisigaw.

Captured Through The LensesWhere stories live. Discover now