CHAPTER 18:
THE WAY INTO HIS BLUE HEART ( IV )
Y A M A K E N
Sabi sa weather report may hanging habagat daw na tumama ngayon sa Metro Manila kaya kasama kami sa class suspension.
Naka upo lang ako sa study table ko at umiinom ng coffee. Pinagmamasdan ang ulan sa bintanang katabi ko.
Im still aloof from yesterday's event andyan parin 'yung sakit. Napabuntong-hininga na lang ako kasi hindi ko na alam gagawin ko.
Dapat kagabi nagtext na ako kay Daddy na sasama na ako pabalik sa Japan. Kaso, bakit gano'n nag dadalawang isip ako kung aalis ba ako o hinde...?
Sa pagmuni-muni ko nagulat ako nang biglang tumunog ang doorbell. Agad ko naman itong pinuntahan para malaman kung sino 'yon.
Hindi ko aakalain na bibisita si Art sa bahay, sa lakas pa naman ng ulan nagawa pa nyang pumunta dito?
Pinapasok ko naman agad si Art at pinaupo ko sya sa sa aming sofa. Kumuha ako ng tuwalya dahil kahit nakapayong sya basang-basa sya ng ulan.
"Hanep pare rain or shine ah," pa biro ko naman sinabi.
"Ano kaba pre, nag aalala lang kasi ako sayo kaya kinuha ko na ang oppurtunity na pumunta dito."
"Salamat," 'yan na lang ang tanging na sabi ko.
"Nga pala, na nanghalian ka na ba?"
"Oo naman pre, kumain na ako," sagot nya kaso biglang tumunog ang kanyang sikmura. Senyales na nagugutom nga talaga sya.
Natawa na lang kami sa isat-isa.
"Sus, hindi mo na kailangan mahiya. Tara, sa kusina ka na maghintay, paglulutuan kita," I smirked. "Tamang-tama hindi pa ako kumakain ng lunch."
Sumunod naman sa akin si Art at umupo sa hapag kainan. Kahit papaano marunong naman ako mag luto. Hindi naman laging umuuwi si Daddy sa bahay saka wala kaming katulong. Kaya ayun natuto akong gumawa ng gawaing bahay ng mag-isa.
Sinuot ko na 'yung apron at dahil may pagkamahaba ang aking buhok ay tinali ko ito.
Para malinis ang pagluto ng pagkain.
Pagkuha ko ng mga ingridients sa ref ay napansin ko na parang nakatitig sa akin si Art.
"May problema ba sa muka ko?" Bigla namang natauhan si Art sa tanong ko.
"Ah, W-wala ang professional mo lang kasing tignan," nauutal nyang sinabi.
"Sus, wag kanang mambola baka gutom lang 'yan," biro ko dito.
Sinimulan ko na ang pagluluto ko. Dahil mahilig si Art sa anime alam ko na kung ano ang lulutuin ko. Syempre kailangan muna natin lutuin ang ketchup rice.
After natapos lutuin ng Ketchup rice. Sisimulan ko na gawin ang Omurice.
Yup Omurice my favorite home cooked meal sa Japan.
"TA-DA!! Omurisuu desuu~!!" enthusiastic kong ipinakita kay Art 'yung niluto ko.
"Wow!! Omurice nga!!"
BINABASA MO ANG
Stranger's Feelings [BL]
RomanceRoy accepted feelings from a complete stranger. He thought it was just confusion and infatuation but as he learns from their relationship he grew closer and closer to him until he fully realizes his feelings that twist his everyday life and discover...